v 23.0
Nobyembre 15-30, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook
TULA
Mabunying Supremo

Ni Alexander Martin Remollino

Mabunying Supremo, huwag munang humimlay!
Kailangan ka ng Pilipinas ngayon.
Sa likha mong apoy ng himagsikan noon
ay natunaw ang nakikilabot na kadenang Kastila;
ngayo'y nakaipit ang bandila ng Pilipinas
sa tuka ng higanteng limbas ni Samuel.
At ang mga tutang pakawala ng higanteng limbas
ay nagpipista sa dugo ng pulubing bayan
habang nangagkakalat ng basurang may pabango
mula sa mga bulwagan ng kapangyarihang inagaw.
Mabunying Supremo, ikaw ay magbangon!
Muli mong buhayin ang apoy ng Pugadlawin
at doo'y ihagis ng ubos-lakas
ang mga tampalasang kahalili ni Magdalo
at ang tanikalang itinubog sa ginto;
sagipin mo ang watawat nitong Inang Bayan
at saka ikabit sa tagdan ng kalayaan!

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

Back to Main page
 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved