v 23.0
Nobyembre 15-30, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

E-mail
Ni Sherbien Dacalanio
(Huling Bahagi)

LABAG MAN sa aking kalooban, aking prinsesa, dapat na nating putulin ang namumuong relasyon sa pagitan nating dalawa, isang relasyon kung saan pareho nating gustong huthutan ang bawat isa. Tutal, wala naman tayong mapapala at wala nang patutunguan kung ipagpapatuloy pa natin ang lokohan sa e-mail. Ano ba'ng makukuha ko sa 'yo?

Sinubukan ko na lahat ng paraan upang sa relasyong ito, ika'y mapakanibangan. Pero it didn't work out; I guess we're not meant to be with each other. Maybe, as the line from a song says, "We have the right love at the wrong time." It was really sad, but we must accept that all relationships have awful endings. And now is the right time to end this momentous affair. I'm sorry but I guess I have to.

Alam mo, sinubok ko na lahat ng paraan upang may mapupuntahan ang bawal nating relasyon. Pero wala na... Wala na… Hindi rin nagtagumpay ang mga plano ko para sa ating dalawa.

Una'y sumanib sa akin si Hudas at binulong na ipagkanulo kita upang magkaroon ako ng "instant popularity." Aba, sumang-ayon naman ako. Biruin mo, nagtagumpay na akong kunin ang iyong tiwala; ang susunod na lamang ay ang ating pagkikita na may full media coverage. Oo, balak ko sanang magkaroon tayo ng eyeball, tapos, doon ka huhulihin ng mga awtoridad. Aba'y sa gagawin ko, makikilala talaga ako.

Nag-e-mail ako sa editor ng womans.net kung saan ko nabasa ang mga panlolokong ginagawa mo at ng iyong grupo. Ibinigay ni Kim Haas sa akin ang website ng FBI at iba bang ahensiyang lumalaban sa katiwalian. Sinubukan kong mag-fill up doon pero di rin ako nagtagumpay dahil may mga selected field doon na hindi ko sinagutan dahil wala naman talaga akong isusulat. Gaya ng telephone number, (wala naman kaming phone sa bahay), office (estudyante lamang ako) at iba pa… Nag-e-mail din ako sa isang istasyon dito sa Pilipinas upang lutasin ang kasong ito. Ibinigay ko pa ang password ko sa e-mail ko, pero wala ring nangyari! Bigo ako! Hindi talaga kita mapapakinabangan…

Pero di pa rin ako nabigo, sinubukan kong mag-e-mail sa American Foundation, Inc. pero di sila nag-reply. Nagmukha lang akong eng-eng… Makapal ang mukha…

Aking prinsesa, nare-realize mo ba kung ano ang aking mga paghihirap upang isalba lamang ang ating relasyon? Ako na lang palagi ang nag-a-adjust. Ako palagi ang nagwo-work out!

Sawa na ako!

Bilang isang taong may puso at minsa'y ipokrito, nararapat lang na palayain na kita sa mga piling ko. Palalayain na kita sa mga pagkukunwari ko.

Masakit man sa aking kalooban, gagaan na rin ang aking bulsa dahil wala na akong obligasyong palaging mag-e-mail sa iyo para lang ipagpatuloy ang ating long-distance huthutan affair.

Ikalawang ginawa ko: putulin na ang ating relasyon. Dinahan-dahan muna kita upang sa gayo'y di ka masyadong masaktan.

Ipinaunawa ko sa iyo ang sitwasyon: sinabi kong naninibago na ako sa aking buhay bilang isang mayamang anak ng isang taong magmamay-ari ng pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas. Nalulugi na ang aming kumpanya dahil tatlo sa mga ulol naming stockholder ay nagpauto sa isang sulat na ibinigay sa kanilang e-mail. Nasilaw ang naturang mga stockholder sa offer ng isang tao sa Internet kaya nabigay nila ang pera ng aming kumpanya. Ganon lang. Kaya kami maghihirap pero sinabi ko rin sa iyo na puwede mo pa ring makuha ang bahay at lupa dito sa Pinas pero ang nilaan kong $1-M sa 'yo ay mawawala na dahil iyon ang gagamitin naming para mamuhay at magsimula ulit.

Sa katunayan, aking prinsesa, hindi ko alam ang pinagsasabi ko kasi, wala naman akong background sa isang company pero naniwala ka naman sa mga ek-ek ko.

Ikatlo, nang mawalan ka na ng pag-asang mahuthutan din ako, sinabi kong nabawi na namin ang perang nawala. Di na ako nagbigay ng mga detalye; baka hindi kasi maging lohikal ang aking mga paliwanag.

Ikaw, marahil ay nagningning ang mga mata mo kaya sinabi mong ambagan kita ng konting pambayad sa iyong apartment at konting pera para di ka mapatay. Di na ako nag-reply. Buko na kita. Nakaganti na rin ako.

Ikaw pala'y isang prinsesang nakatira sa apartment. May sakit ang lola at wala kang pabahay sa kanya. At prinsesang humuhingi ng limos.

Grabe…parang pang-award winning na pelikula 'yan, a….
Paalam, aking prinsesa… "Je suis désolé mais je dois couper notre affaire illicite, mais vous savez que j'aimerai tout le moment de drool où nous avons nos entretiens stupides par l'intermédiaire d'email. Je vous aime, censé être... si vous avez l'argent..."

Isa lang ang napatunayan ko sa ating relasyon: birds with the same feather don't flock together kasi, magtratrayaduran sila sa ngalan ng kapangyarihan at popularidad.

Marahil, palagi mo akong maaalala at ganon din ako sa'yo.
Na minsa'y may dalawang gamu-gamong nasilaw sa ginto, pareho silang nasilaw ngunit isa lang ang labis na nasaktan at ikaw iyon…

Au revoir mon amour…"

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

Back to Main page
 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved