BAYANI
Pilar Raro Abila: Pinakabatang Nakipaglaban sa mga Hapon
Ni Maria Irene
Oliva Martires
SI PILAR R.
Abila ang pinakabatang Bikolanang nakipaglaban sa mga Hapones. Sa
gulang na 15, sumali siya sa yunit gerilyang pinamumunuan ni Kap.
Llanaresas ng Albay noong 1941. Ayon sa sa mga kuwento ni Lola Pilar,
silang mga kababaihan ay tumutulong sa paggamot sa mga sugatang
gerilya at humahawak din sila ng baril kung kailangan upang makipaglaban
sa mga Hapones.
Nakatulong ang
mga Bikolana noong panahon ng mga Hapones. Tagaluto sila ng pagkain
ng mga gerilya at tagadala ng mga bala. At minsan, sumsabak sa labanan
kung kinakilangan, at ang iba ay tagamasid kung ano ang nangyayari
sa baba ng bundok.
Sa Pamilyang
Raro, hindi lang si Lola Pilar ang gerilya; pati yaong dalawang
niyang nakakatandang kapatid na si Celzo at Julio.
Sa gulang na
mahigit sa 70 taon ay patuloy parin aktibo itong si Lola Pilar sa
simbahan at marami siyang mahihirap na kabataang napaaaral.
Sa kabila ng
kanyang gulang, hindi niya nakakalimutan ang mga katapangan ng mga
kababaihan na tulad niya.
Hangang ngayon
sa Albay pa siya nakatira.
Sa kasaysayan
ni Lola Pilar, nakikita ang mga kabayanihan ng mga kababaihang kahit
mapanganib ay sumasabak sa labanan para lang makatulong sa bayan.
Marami ang tulad
niyang kababaihang ang hangarin makatulong kahit kaunti sa kapwa,
lalo na sa mga mahihirap na kabataan.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|