|
MAIKLING
KUWENTO
Shet
(Para sa mga Natatae na Wala sa Oras at Wala sa Lugar)
ni Mike Villar
SHET.
Natatae ako.
Nagdeposito
naman ako kaninang umaga sa sagradong trono namin pero eto ako't
tila may nagrarambulang mga bulate sa loob ng tiyan ko't mismong
ang mga isaw ko na ang kinakain. Hindi naman ako umorder ng ice
cream at softdrinks combo pero eto ako't pinagpapawisan sa loob
ng de aircon na restaurant. Ang masama nito, nasa harapan ko pa
ang dream girl ko. First date pa naman namin. Minsan lang akong
makatsamba ng Caucasian beauty. Ang hassle naman siguro kung sa
una pa lang naming date ay magkakalat na agad ako ng mala-champuradong
dyebs sa harapan niya. Buti na lang at busy siya sa pagte-text at
mabilisan kong napupunasan ang pawis ko.
"What's that
sound?"
Shet.
Nautot ako.
Dahan-dahan
ko na ngang pinasabog iyung lagumpit sa loob ng sikmura ko pero
narinig pa rin niya. Buti na lang at hindi umabot sa kanya iyung
vibration. Nagpalusot na lang ako't sinabi ko na baka ringing tone
ng cellphone ng lalaking nasa likuran niya. Tumingin siya sa likod
niya kaya sinamantala ko na ito at maingat na ni-release iyung gas
na bumagabag sa akin. Pinipilit ko na umutot ng walang tunog pero
mahirap talagang gawin lalo na't naiipit ng upuan ang puwet ko't
walang ispasyo para pagdaluyan ng matinding hangin-or utot for short.
Baka naman kasi mahalata ako kung iaangat ko yung isang bahagi ng
puwet ko para sa pag-release.
Shet.
May sumama.
U.S.T.-as in
Utot Sabay Tae na yata itong nangyari sa'kin. Hindi puwede mangyari
'to. Hindi puwede. Ngayon pa! Kung kailan pa namang nakaputing slacks
ako, tsaka pa ako magkakalat. Pero false alarm ata. Muhkang hindi
pa naman ako tinatagusan. Pero kahit na. Hindi ko alam kung hanggang
kailan ko 'to matitiis. Concentrate na concentrate na nga ako rito
para lang huwag sumilip 'yung dulo ng ebak ko sa butas ng puwet
ko. Huwag lang sana akong gulatin at baka bigla ko na lang itong
maibulwak.
"Tikman mo 'to.
It's so sarap. Aaaah-"
Shet.
She's sweet.
And I'm sour.
Nangangasim na 'yung sikmura ko sa sakit. Nadagdagan pa 'tong laman
ng tiyan ko dahil sa sinubo niyang chocolate cake. Hindi ko tuloy
alam kung dapat kong i-appreciate 'yung ginawa ng date ko dahil
mukhang nakapagpalala lang 'yung ka-sweetan niya sa kalagayan ko.
"Excuse me,
I'll just go to the Comfort Room."
Shet.
Naunahan ako.
Gusto ko na
rin sanang sumabay sa kanya pero hindi puwede dahil iniwan niya
'yung mga shopping bag niya sa mesa't hindi ko naman din puwedeng
iwan. Ang hassle naman siguro kung dadalhin ko sa loob ng men's
room. Kaya ang ginawa ko, pumikit na lang ako't nagmeditate na sana
magkaroon ako ng peace of mind-and stomach. Buti na lang at mabilis
lang ang mga ritwal niya sa loob ng CR. Hindi na ako nagdalawang
isip at ako naman ang tumayo at nagpaalam na magbabanyo.
"Maghihilamos
lang."
Shet.
Ang defensive
ko.
Palapit ako
ng palapit sa CR, lalong nalalaglag ang atomic bomb. Nasa second
floor pa 'yung banyo't sa bawat hakbang ko sa hagdanan ay may utot
na 'di ko mapigilang huwag mailabas. Umuubo na lang ako ng pasadya
para hindi marinig ng mga taong nasasalubong ko. Sa wakas ay nakarating
na rin ako sa paroroonan. Sandali lang 'to. Sigurado akong pagkaupong-pagkaupo
ko sa inidoro, wala pang 10 seconds at tapos na ako.
Shet.
Ang daming tao.
Hindi pa naman
ako sanay ng tumatae sa mga public toilet. Bukod sa masikip, nakakahiya
rin kasi baka mamaya, maingay ang pagwiwithraw ko't marinig ng lahat.
Baka ikalat pa nila paglabas nila't baka umabot pa sa date ko. Mahirap
na. Mas mabuti na 'yung sigurado't ligtas sa anumang kahihiyan.
Pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko na mas nakakahiya ang matae
sa brief kaysa sa marinig ang utot habang tumatae. Kaya nga nag-iisip
ako ng paraan kung paano ko mapapalabas 'tong mga barako. Nag-isip
muna ako sa labas ng banyo nang nakaupo't nakadikit ang puwet sa
may paanan ko para mapigilan ang anumang pagbulwak ng-
Shet.
Alam ko na.
Pumasok ako
sa banyo't nakisiksik sa mga taong nagsasalamin. Naghugas ako ng
kamay sabay bunot ng suklay sa bulsa ko't inayos ang buhok kong
hindi naman magulo. Naka-gel pa nga. Siguro mga apat kaming nakatingin
sa salamin at nagpapapogi. May dalawa namang umiihi. Buti na lang
at libre 'yung kaisa-isang inidoro sa banyo.
"Sexy pala talaga
sa personal si Joyce Jimenez 'no? Grabe, dati pinapanuod ko lang
siya sa sinehan. Ngayon, nagsawa ako sa kakatingin sa kanya sa labas.
Mag-isa nga lang na kumakain! Nagpa-autograph pa 'ko!"
Wala pang isang
segundo ang lumilipas at nasa labas na ang mga kasama ko sa banyo.
Lumabas ang mga tunay na kulay. Minsan pala ay nakakatulong ang
pagiging manyakis ng mga lalaki sa kanilang kapwa, lalo na sa kalagayan
ko. Mag-isa na lang ako sa CR. Ako na ang hari ngayon. Kaya uupo
na ang hari sa trono.
Shet.
Ang sarap.
Smooth ang flow.
Smooth ang sound. Smooth ang atmosphere. Smooth ang feeling. Smooth
lahat. Sa wakas at nakaraos din. Ang sarap ng pakiramdam. Ayos,
punas time na.
Shet.
Walang tissue.
Baka magtaka
na 'yung date ko. Baka isipin niya na umebak ako. Teka, totoo naman.
Pero hassle. Ang hirap gumalaw. Baka may tumulong tidbits kapag
naglakad ako papuntang lababo. Wa epek din. Walang tabo.
Shet.
Sana may pumasok
na para may mautusan.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|