|
TULA
Para Sa
'Yo
Ni Renalyn Dimayacyac
Una kitang nakita,
parang di ka man lang tumagal sa isip ko
Matapos ang isa't kalahating oras ay di ko na alam ang pangalan
mo
Sino ka bang kailangang alalahanin at bigyang-pansin
Tulad ka din ng ibang kakilala, ordinaryong estudyante, kapalitan
ng tingin
Lumipas ang
mga araw, nadagdagan ng ilang oras ang presensya mo sa utak ko
Napansin kong may kakaiba kang ngiti, maganda ang iyong mukha at
maraming talento
Oo, humahanga na ako sayo, pero hanggang doon pa lang
Ni hindi ko napansin na habang tumatagal ay lumalala na pala itong
dati'y paghanga lang
Ngayon, tapos
na ang klase at ang pagkakataon na makita at makausap ka
Malungkot, oo, pero ganon talaga ang buhay kahit pigilan mo pa
Minsan may mga bagay na dumadating ngunit di mo kayang angkinin
Minsan may mga katotohanang masakit man ay kailangan mong tanggapin
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|