TULA
Sa Lilim
ng mga Ligaw na Damo Ni
Randy Nobleza
Namasdan ko
sila
Sa lilim ng mga
di- naantalang ilaw
mula sa entablado -
Magkahawak kamay sa
luntiang damo.
Ako man noo'y
may bubot ring
kaulayaw at kalaro
sa lansangan.
Nagagalak,nalulumbay
naglalaro, tumutulay.
Sa pagitan, ng mga
tumatapong liwanag
mula sa poste ng Meralco
magkahawak kama'y kaming
nagtatago.
At doon sa lihim ng
mga ligaw na damo
sa tuktok ng bakuran
tumutubo,
Ligtas ako.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.