|
TULA
Panunuod
ng Sine
Ni Mark Angeles
Isang ritwal
ng pagsasanib
Ang panunuod ng sine
Mga kaluluwa
tayong ligaw
Na nagbubungkal
Ng tamis at alat ng gunita
Sa bawat pagbibitiw
ng linya
Talambuhay nating binubuklat
Ang sipat ng istorya
Habang nakaupo
sa dilim
Nilululon ang ating imahinasyon
Minamaso ang dibdib
Tila panginoong nag-aatas
Sa atin, tayo'y pinapatahimik
Ngunit hindi
matatahimik ang loob
Lalo pa't pinipiga tayo para
Matakot, matawa, malungkot
Kung ganito
lang ang buhay
At di kailangang magpasiya
Ang mundo'y umiikid sa mababait
Na mga hari't reyna
At ang mga manggagawa't
Magsasaka ay mga timawa.
--------------
Si Mark ay Vice President for Luzon ng College Editors Guild of
the Philippines.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|