v 22.0
Nobyembre 1-15, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook
Tanging ang Imperyalismong US at Rehimeng Macapagal-Arroyo ang Nakikinabang sa Pagpapasabog ng Bomba sa Zamboanga
Ni
Gregorio "Ka Roger" Rosal
Tagapagsalita, Partido Komunista ng Pilipinas

MARIING KINUKUNDENA ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pinakahuling insidente ng pagpapasabog ng bomba sa lunsod ng Zamboanga. Ipinaaabot din namin ang aming lubos na pakikidalamhati sa lahat ng naulila ng mga nabiktima.

Walang ibang nakikinabang sa pagpapasabog ng bomba sa Zamboanga kundi ang imperyalismong US at ang rehimeng Macapagal-Arroyo.

Puspusang ginagamit ngayon ng rehimeng Macapagal-Arroyo upang itulak nang husto ang pagsasakatuparan ng pasistang patakarang national ID system. Gayundin, isinasangkalan ng rehimen ang pambobomba sa Zamboanga, pati na sa Bali, Indonesia, upang igiit ang pagpapatibay ng batas na "anti-terorismo".

Isinasangkalan naman ng US ang mga pagpapasabog ng bomba at mga diumano'y banta ng pagpapasabog upang bigyang-katwiran ang patuloy na presensyang-militar nito sa bansa; at upang muling bigyang-buwelo ang pumupugak-pugak na teroristang gera nito. Ang pambobomba sa Bali ay ginagamit ngayon ng US upang dahan-daha'y alisin sa poder si Pres. Megawati Sukarnoputri, na lubos na kinaiinisan ni Bush dahil hindi ito basta-basta sumusunod sa mga dikta niya-di tulad ng naaasahan niyang tuta sa Pilipinas na si Macapagal-Arroyo.

Sa paghahanap ng salarin sa mga pambobomba sa Zamboanga at Bali, huwag nating kakalimutan na sa kasaysayan, marami nang kaso ang US sa paggamit ng maruruming taktika at mga sikretong operatiba na hindi nahahangganan ng anumang batas o alituntunin.

18 Oktubre 2002

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Kabataan Laban sa Agresyon at Digmaan

BAYANI
Nonoy Marcelo
Ni Alex Remollino
Luksa sa Dagalandia
Ni Ederic Eder
The CCP Centennial Honors for the Arts

SA ISYUNG ITO
My Other Side
By Dennis Aguinaldo

The Dead
By James Nicolay

Lumads Can't Take It No More: My Reflections on GMA's Total War Policy
By Maricel Paz Hilario

Joy Ride
By Von Bryan C. Cuerpo

Acquiescence
By Shienna-Lou Claro

E-mail
Ni Sherbien Dacalanio

KOLUM
Subersibo
Michelle Licudine

Daluyong
Mong Palatino

Ligalig
Garry Rectin Lazaro

Alipato
Alexander Martin Remollino

LATHALAIN
Children Simplify the Concept of Peace
By Alfred A. Araya Jr.

Karapatang Pantao
Ni Carlo Aristotle Remollino

Pandaigdigang Pulong sa Pagsasaka, Tinuligsa ng mga Samahan
Ni Dennis Espada

MAIKLING KUWENTO
Olivia
By Noli Pasco

Mad Dino
Ni Chuckberry J. Pascual

TULA
Sa Lilim ng mga Ligaw na Damo
Ni Randy Nobleza

In Quest for Sanity
By Daryl A. Valenzuela
Panunuod ng Sine
Ni Mark Angeles

When Love Doesn't Feel Like Love At All
By Samantha Echavez
Para Sa 'Yo
Ni Renalyn Dimayacyac

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved