v 22.0
Nobyembre 1-15, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook
LATHALAIN
Karapatang Pantao
Ni Carlo Aristotle Remollino

ANG KARAPATANG Pantao ay isang compilation mula sa mga magagaling na mang-aawit na pinagtipon-tipon ni Ed Formoso. Ang layunin ng album na ito ay upang ipahayag ang pagsang-ayon ng mga nagsilahok sa tema-na siyang naging pangalan na rin ng album-ng karapatang pantao.

Ang compilation na ito ay binuo nung 1989. Isa-isang inimbitahan ni Ed Formoso ang mga mang-aawit, tulad ng mga batikang sina Heber Bartolome, Joey Ayala, at Jess Santiago, pati na rin ang mga baguhan noon tulad ng The Hay'p, The Next, at The Wuds.

Ang bawat grupo na tumugtog ay may kani-kaniyang pamamaraan ng paglalahad, maging ito man ay punk, folk, Pinoy Rock, o classical. Ang bawat banda ay hindi nagkulang sa mga mensaheng nais ipahayag.

Ang album na ito, sa kalakihan, ay nagbibigay ng nakalulungkot at nakagagalit na pakiramdam sa nakikinig, at ito'y hindi nakapagtataka sapagkat karamihan sa mga kanta ay may tema tungkol sa paglabag sa karapatang pantao.

Mapapansin na ang mga bersiyon ng mga kantang "Ikaw na May Baril" ni Joey Ayala at "Tatsulok" ng Buklod sa album na ito ay mas malakas tumama kaysa sa mga orihinal na bersiyon.

Ngunit, kahit na ang kalakihan ng album na ito ay nakakalungkot o nakagagalit, hindi rin naman mawawala ang mga awiting nakakatawa tulad ng "Pinggan" ni Pol Galang, ang mga nakagigising na "Attorney Akupado" ni Bosyo (Edmund Fortuno, SLN) at "Paaralan" ni Heber Bartolome, pati na rin ang nagbibigay-lakas-loob na "Bayan Naming Minamahal" ng Patatag.

Ang Karapatang Pantao ay isang makabuluhang album—noon at lalo na ngayon. Ang mga awiting natatampok dito ay sumasalamin sa pangyayari noong 1989, nang ilabas ito—at lalo na sa kasalukuyang panahon.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Kabataan Laban sa Agresyon at Digmaan

BAYANI
Nonoy Marcelo
Ni Alex Remollino
Luksa sa Dagalandia
Ni Ederic Eder
The CCP Centennial Honors for the Arts

SA ISYUNG ITO
My Other Side
By Dennis Aguinaldo

The Dead
By James Nicolay

Lumads Can't Take It No More: My Reflections on GMA's Total War Policy
By Maricel Paz Hilario

Joy Ride
By Von Bryan C. Cuerpo

Acquiescence
By Shienna-Lou Claro

E-mail
Ni Sherbien Dacalanio

KOLUM
Subersibo
Michelle Licudine

Daluyong
Mong Palatino

Ligalig
Garry Rectin Lazaro

Alipato
Alexander Martin Remollino

LATHALAIN
Children Simplify the Concept of Peace
By Alfred A. Araya Jr.

Karapatang Pantao
Ni Carlo Aristotle Remollino

Pandaigdigang Pulong sa Pagsasaka, Tinuligsa ng mga Samahan
Ni Dennis Espada

MAIKLING KUWENTO
Olivia
By Noli Pasco

Mad Dino
Ni Chuckberry J. Pascual

TULA
Sa Lilim ng mga Ligaw na Damo
Ni Randy Nobleza

In Quest for Sanity
By Daryl A. Valenzuela
Panunuod ng Sine
Ni Mark Angeles

When Love Doesn't Feel Like Love At All
By Samantha Echavez
Para Sa 'Yo
Ni Renalyn Dimayacyac

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved