v 21.0
Oktubre 15 , 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook
E-mail
Ni
Sherbien Dacalanio
(Ikatlong Bahagi)

MAY ISANG gamu-gamong nasilaw sa liwanag na gawa ng demonyo!

Isa itong di kapani-paniwalang pangyayari sa kasaysayan ng mga reyna't hari. Isang gamu-gamong prinsesa ang naniwala sa pinagsasabi ng isang estudyanteng walang magawa sa buhay at nagpanggap na mayaman at pa-PR-PR campaign pa siya. Kesyo raw naging matagumpay ang PR campaign nito sa kumpanya nila, e nabasa lamang niya sa syllabus ng Fundamentals of PR ang PR campaign na ito at di niya alam kung papaano ito inii-implement. Nakalimutan na rin niya ang kahulugan ng PR, e.

Talagang mahusay sa pagpapanggap ang ulol kaya naniwala ang prinsesa at ngayo'y humihingi ng mansiyon para sa lola raw nitong maysakit. What?! Isang prinsesang humihingi ng pabahay para sa lola? Nakakaiyak naman. Puwedeng-puwede itong pagpistahan ng mga Willingly Yours at Wish Ko Lang (kung meron na noon ang mga palabas na ito). Pampadagdag-ratings. First in Asian television ang isang prinsesang humihingi na parang pulubi para lang magkaroon ng mansiyon ang kahabag-habag nitong lola.

SAPUL! Napasakay ko rin ang hayop na prinsesa kaya isasakatuparan ko na ang susunod kong plano: ang paghuthot at panganguwarta sa kanya.

Sa sumunod kong sulat sinabi kong nagbago ang isip ko at di na basta ako naniniwala kaya para pagkatiwalaan ko siya dapat niyang ibigay ang visa card number nito at titiyakin niyang may malaking halaga iyon.

Kung kakagat ang malansang isda, aba'y tiba-tiba ako. Mao-order ko na online ang pinakabagong computer model ng Apple. Tuwang-tuwa ako. Nakapili na nga ako ng kulay ng computer na bibilhin ko gamit ang visa card number ng prinsesa.

Kinabukasan ulit, akala ko'y kagat na kagat na ang ugok pero hindi. Nabaliktad ang lahat. Imbes na umoo siya, sinabi niyang di raw ako nakakaintindi sa gagawin naming transaksiyon. Asar talaga. Pero di pa rin ako sumuko.


Your highness,

i have read your letter two hours before leaving from my fligth to hong-kong. It
seems that you are in doubt with me well i will not corrupt your money, i am very rich you all i wanted is to help you. Your proposition i will answer them whaen i'm already here in our country for three days. Please be patient to me. I'm will find a mansion for your mother at our subdivision(it's ours and one of the most elite subdivision in our country. I will email you when i come back but i have a question to you, "do you really trust me?".


Always,
Sherbien

Ang tangang prinsesa, kung ako'y isang PR practitioner, e di sana dapat ang mga sulat ko sa kanya e maganda ang pagkakagawa, walang wrong spelling at wrong grammar. Di niya nahalata marahil ang mga nakakahiyang errors na ito. Kung babasahin mo ang sulat, parang ginawa ng nasa Grade 1. Ano ang magagawa ko e ugali ko nang hindi i-edit ang gawa ko; basta pag na-type na ang nasa isip ko, sabay send... (Pero ngayon, binabago ko na ito....)

Hindi siya nagreply sa sumunod kong email kaya...

Your highness,

I am here today in Shangri-la hotel in Hong-kong when i have just got a call from my lawyer in the Philippines stating that he have all legal papers for your mansion here in the Philippines. He have also prepered an atm card for your family worth $1-M. I will give this to you when you will come here in the Philippines.


Always,
Sherbs

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Terorismo

SA ISYUNG ITO
Pagbisita sa Puso ng Campus Press
Ni Mark Angeles

Paglaya ni Prometeo:
Isang Tula at Saling-Tula sa Alaala ng Batas Militar

By Dennis Aguinaldo

The Truths According to Me
By Karla Maquiling

What Everyone Should Know About Cancer
By Arosh Mamil

E-mail
Ni Sherbien Dacalanio

CyberFriend
Ni Tembarom

KOLUM
Pitik-bulag
Tonyo Cruz

Pitik
Vlad Gonzales

Alipato
Alexander Martin Remollino

Pahimakas
Jayson Edward B. San Juan

LATHALAIN
Terrorism: Towards a Legal Definition
By Soliman M. Santos, Jr

Anti-Terrorism Act: A Prelude to Authoritarian Rule?
By Rhea Delos Santos

International Confab of Church Leaders Unite Against U.S.-Led Wars of Intervention, Initiates Global Network for Peace

Final Declaration of the International Ecumenical Conference on Terrorism in a Globalized World

MAIKLING KUWENTO
Tumbang Preso
Ni Vlad Gonzales

Gold from the Fields
By Felicia Sanchez

TULA
Sembreak
Ni Soliman Agulto Santos
Isang Paradoks
Ni Randy Nobleza
Headline
Ni Renee Facunla

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved

Click Here!