Posporo palito
pito,
ang sabi ng Intsik
ay
Walo(ng)
suspek
ang dinakip sa
salang pagnanakaw.
Kinaladkad, ginapos,
sinuntok, binatuta
(a)ng mga gagong! Pulis (yur nang lisyur).
Bug! Bag! Kablag!
Nagdatingan
ang mga press-release.
Sa dyaryo, sa tv, sa radyo.
Headline bukas:
WALONG
SUSPEK DINAKIP NG MGA PULIS.
Makalipas ang
tatlong araw
may witness na lumantad.
Iba raw ang may
Sala (sa lamig, sala sa init).
Pinakawalan
ang mga
bug!bog! saradong
sus(maryo)pek!