Nagmula sa isang
piyok
habang lulan ng umuugang trak
mula Cubao. Nag-isa
ang ating kuro. Ang tagpi-tagping
ulirat ko
ng kamusmusan. Ang nalimot
mong tagpo.
Ang Putang inang
nasambit mo ay
Putang ina
ding tumarak
sa aking ala-ala. Usok
na naglaho kasama ng
mga nakaraan.
Mayroon ka bang
natutunan?
Tanong mo't
Tanong ko rin. . .
Hangga't kaya nating lumalang ng tuldok,
may mga katapusang
maaari nating pagsimulan
ng bagong hakbang.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.