v 21.0
Oktubre 15 , 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook
MULA SA PATNUGOT
Terorismo

PALASAK NA palasak na ang salitang "terorismo" sa ngayon. Kapag nagbasa ka ng diyaryo, nanood ng TV at nakinig ng radyo, imposibleng hindi mo ma-encounter ang salitang ito.

Ngunit ano nga ba ang terorismo? Dito sa Pilipinas, wala pang opisyal na pakahulugan sa terorismo ngunit agad na sumang-ayon sa United States (US) of America ang ating pamahalaan sa pagdedeklara sa New Peoples Army bilang "foreign terrorist organization." Kakaiba ito, sapagkat ang NPA ay kilala bilang isang armadong rebeldeng grupo, na sadyang kaiba sa terorista.

Ano nga ba ang terorismo?

Sa isyung ito ng Tinig.com, bukod sa mga palagiang tampok ay inilalathala natin ang isang pagtatangka ni Soliman Santos, Jr. ng Kaiba News and Features na makapagbigay ng legal na kahulugan sa terminong "terorism."

Ang atake ng mga terorista sa US ay nagbunsod ng malawakang "giyera laban sa terorismo" ng nag-iisang superpower sa daigdig ngayon. Ngunit ang digma ng paghihiganting ito ng US laban sa mga terorista ay bumiktima sa napakarami ring inosenteng sibilyan.

Gamit pa rin kampanyang "giyera laban sa terorismo," gumigiri naman ngayon ang US laban sa Iraq. Hindi tuloy maiwasang magdeklara ang marami na mismong ang US ay siya na ring nagte-terrorize sa mundo. Di nga ba't sabi ni Nelson Mandela, ang US daw ang pinakamalaking banta sa kapayapaang pandaigdig.

Talumpung taon matapos ang terorismo ng estado—na mas kilala bilang Batas Militar—sa Pilipinas, unti-unting nakikita ang tunay na anyo ng "strong republic" ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. At nakababahala ang sitwasyong tumatambad sa atin: ang malawak na presensya ng US military at pakikisawsaw nito sa mga usaping panseguridad ng bansa habang nakaamba naman ang isang mapanupil na batas—ang Anti-Terrorism Law. Nakakabagabag ang maaaring kahihitnatnan ng kasalukuyang sitwasyong ito.

Nawa'y lalo nating suriin at pag-aralan ang mga bagay na ito.

Siyanga pala, wini-welcome natin sa Tinig.com ang mga bagong columnists, sina Tonyo Cruz ng Bagong Alyansang Makabayan at TXTpower, at si Jayson Edward B. San Juan, campus journalist mula sa Philippine Collegian at Sandigan ng mga Mag-aaral at Sambayanan.


 

 

 

 

 

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Terorismo

SA ISYUNG ITO
Pagbisita sa Puso ng Campus Press
Ni Mark Angeles

Paglaya ni Prometeo:
Isang Tula at Saling-Tula sa Alaala ng Batas Militar

By Dennis Aguinaldo

The Truths According to Me
By Karla Maquiling

What Everyone Should Know About Cancer
By Arosh Mamil

E-mail
Ni Sherbien Dacalanio

CyberFriend
Ni Tembarom

KOLUM
Pitik-bulag
Tonyo Cruz

Pitik
Vlad Gonzales

Alipato
Alexander Martin Remollino

Pahimakas
Jayson Edward B. San Juan

LATHALAIN
Terrorism: Towards a Legal Definition
By Soliman M. Santos, Jr

Anti-Terrorism Act: A Prelude to Authoritarian Rule?
By Rhea Delos Santos

International Confab of Church Leaders Unite Against U.S.-Led Wars of Intervention, Initiates Global Network for Peace

Final Declaration of the International Ecumenical Conference on Terrorism in a Globalized World

MAIKLING KUWENTO
Tumbang Preso
Ni Vlad Gonzales

Gold from the Fields
By Felicia Sanchez

TULA
Sembreak
Ni Soliman Agulto Santos
Isang Paradoks
Ni Randy Nobleza
Headline
Ni Renee Facunla

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved

Click Here!