v 21.0
Oktubre 15 , 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Paglaya ni Prometeo:
Isang Tula at Saling-Tula sa Alaala ng Batas Militar

Ni Dennis Aguinaldo

SADYANG PUDPOD ang kalendaryo ng Setyembre ng mga mahahalagang petsa. Hindi ba't isang disisais, nagkaroon tayo ng tinatawag na political will at tuluyang napatalsik ang base militar sa kabila ng pagtutol ng administrasyong Aquino? Aba't maraming sanction ang dinanas natin mula sa mapanghiganting US noong panahong iyan!

Marami tayong notoryus na araw. Mabilis nating maaalala ang onse ng pagbagsak sa kambal na tore ng World Trade Center. Mula noon, na-define nito ang mga (bilang?) na sandali ng kasalukuyang mundo. Pero noong isang onse ng Setyembre, malalim na sa kasaysayan, ipinanganak ang isang tusong diktador. At buhat sa kanyang sistema ng de-numerong pamahiin, isang bente-uno ng Setyembre, sinimulan ang Batas Militar. Pero dalawang araw pa bago pormal na ipahayag.

Marami sa mga binabalewalang karapatan ngayon ang nuo'y sinikil. At naging malikhain ang pinakamatitigas-na-ulong subersibo upang mailusot ang mga pailalim na mensahe sa obra.

Isang halimbawa nito ang tula ng isang makatang nagtago sa pangalang Ruben Cuevas (hulaan n'yo kung sino sya!). Ipinasa niya ito sa isang magasing kiling sa kulturang altasosyedad at establisimyento. Sa kabila ng matinding init ng mga panahong iyon, aba't nakalusot! Akala siguro nila'y nag-aaarte lang! Tila nahasa rin ng panahon ang makata at natutong bumasa ng isip.

Kaya't hanggang ngayon, kinikilala ito bilang isa sa mga pangunahing kinatawan ng subersibong tula:

I shall never exchange my fetters for slavish servility. 'Tis better to be chained to the rock than be bound to the service of Zeus.
-Aeschylus, Prometheus Bound

Prometheus Unbound
Ruben Cuevas

Mars shall glow tonight,
Artemis is out of sight.
Rust in the twilight sky
Colors a bloodshot eye,
Or shall I say that dust
Sunders the sleep of just?

Hold fast to the gift of fire!
I am rage! I am wrath! I am ire!
The vulture sits on my rock,
Licks at the chains that mock
Emancipation's breath,
Reeks of death, death, death.

Death shall not unclench me.
I am earth, wind and sea!
Kisses bestow on the brave
That defy the damp of grave
And strike the chill hand of
Death with the flaming sword of love.

Orion stirs. The vulture
Retreats from the hard, pure
Thrust of the spark that burns,
Unbounds, departs, returns
To pluck out of death's fist
A god who dared to resist.

Bilang pagpugay sa mga bayani ng panahong ito, inaalay ko ang aking salin sa susing obra. Nawa'y hindi tuluyang masayang ang dugo't punyaging inalay nila para sa laya at karangalan ng salinlahi. Lubos ang paniniwala kong hindi lahat ng kabataan, basta-bastang nagbabaon sa abang libingan ng limot.

Mabuhay ang mulat na sining! Maiintindihan naman siguro kung pananatilihin natin ang mga unang titik kada linya hindi ba? Heto ang aking salin:

Hinding-hindi ko ipagpapalit ang aking mga tanikala para sa mapang-aping paninilbihan. Mabuti pang nakagapos sa bato kaysa nakatali sa pagsisilbi kay Zeus.
-Aeschylus, Prometheus Bound

Prometheus Unbound
Ruben Cuevas

Magbabaga si Marte ngayong gabi,
At si Artemis naman, nakakubli.
Rumi ng takipsilim ang kumukulay sa
Cornea ng bilasang-bilasa nang mata,
O alikabok ba ang mapaparatangang
Sumisira sa tulog ng makakatwiran?

Hala! Ako ang bangis, galit at poot!
Ingatan ninyo ang lagablab na handog!
Tanod na buwitre at mga kandado,
Laya ko'y tinatago at ginagago.
Espiritu ng kalayaang umaalingasaw,
Ronda ng kamatayan, kamatayan, kamatayan.

Di ako pakakawalan ng kamatayan.
Ito ako - lupa, hangin at karagatan!
Kilanlin ng halik ang bayaning magiting.
Tutuligsain niya ang malamig na libing,
Aatake sa kamatayang pilit kumakapit,
Dadaigin ng maalab na kalis ng pag-ibig.

O! Kumikilos na si Oryon. Ang buwitre'y
Ragasang umaatras mula sa matinding
Tama ng kislap na nagliliyab na sumusuong
Upang magpalaya, umurong at muling sumulong,
Tuluyang mahango sa kamao ng kamatayan
Ang diyos na naglakas-loob na makipaglaban.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Terorismo

SA ISYUNG ITO
Pagbisita sa Puso ng Campus Press
Ni Mark Angeles

Paglaya ni Prometeo:
Isang Tula at Saling-Tula sa Alaala ng Batas Militar

By Dennis Aguinaldo

The Truths According to Me
By Karla Maquiling

What Everyone Should Know About Cancer
By Arosh Mamil

E-mail
Ni Sherbien Dacalanio

CyberFriend
Ni Tembarom

KOLUM
Pitik-bulag
Tonyo Cruz

Pitik
Vlad Gonzales

Alipato
Alexander Martin Remollino

Pahimakas
Jayson Edward B. San Juan

LATHALAIN
Terrorism: Towards a Legal Definition
By Soliman M. Santos, Jr

Anti-Terrorism Act: A Prelude to Authoritarian Rule?
By Rhea Delos Santos

International Confab of Church Leaders Unite Against U.S.-Led Wars of Intervention, Initiates Global Network for Peace

Final Declaration of the International Ecumenical Conference on Terrorism in a Globalized World

MAIKLING KUWENTO
Tumbang Preso
Ni Vlad Gonzales

Gold from the Fields
By Felicia Sanchez

TULA
Sembreak
Ni Soliman Agulto Santos
Isang Paradoks
Ni Randy Nobleza
Headline
Ni Renee Facunla

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved

Click Here!