v 20.0
Setyembre 19 , 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

E-mail
Ni
Sherbien Dacalanio

(Ikalawang Bahagi)

May isang timang ang nagbabalik at maghihiganti! Walang lusot ang may atraso sa kanya. Sisingil siya nang may napakataas na interes. Titiyakin niya na ang bunga ng kanyang poot ay mararamdaman sa bawat himayhay ng selula ng nagkasala. (Hindi ito isang star-studded, big-budgeted at gasgas na soap.)

Ngayon matutupad na... hindi nasayang ang pagbabasa niya ng mga travel magazine.

Sa mga puntong iyon, sa harap ng computer, matapos niyang maukilkil ang pagkatao ni Munirat, lumipad sa hangin ang 40 milyong pisong sana'y mapapasakanya. Gumuho ang kanyang mga pangarap, pero di nangangahulugang magsasawalang-kibo na lamang siya sa masaklap na sinapit.

Nag-e-mail ulit siya kay Munirat, na mag-iisang buwang di sinasagot ang e-mail ng loko magmula nang umiral ang katangahan nitong sabihing isa siyang estudyanteng wala ni kusing.

Palibhasa'y premyado ang kanyang mga pagpapalusot kaya ginamit niya ang kahusayang ito upang makaganti sa suwitik na grupo. Sinulatan ulit niya si Munirat at tinitiyak niyang magre-reply ang diumano'y Unang Ginang ng Nigeria. Sa sulat nito, binawi ang sinabing isa siyang pobreng estudyante.
Alalaong baga'y mula pagkabata, ninasa na niyang i-clone mismo ang sarili (isa siyang frustrated genetic engineer); marahil, ngayon na niya maisasakatuparan ang matagal nang ambisyon. Gagawa siya ng bagong Sherbien (hindi sa pamamagitan ng DNA cloning). Sherbien na kilala sa lipunan at tinitingala sa business world kahit na ito'y bata pa.

Laman ng kanyang sulat: isa siyang anak ng isang taong nagmamay-ari ng pinakamalaking multinational company na nakabase sa Pilipinas. Sinabi niyang isa siyang kaaba-abang estudyante sa mga panahong iyon (nang makalawang nag-e-mail si Munirat) kasi, nagalit daw ang ama nito at ini-hold ang lahat ng credit card nito. Ngayon daw ay okey na sila ng ama.

Nagpaliwanag din siya sa sulat. Kaya raw nagalit ang ama, nagwaldas siya ng milyun-milyong dolyar habang siya'y nasa Caribbean at Asian Cruise nito. Ang pera ay napunta sa babae, alak, at sugal. Pero ngayon, nagbabago na siya kasi, sa susunod daw na gagawin ang pagwawaldas ng pera ay mawawalan na siya ng mana, kaisa-isa pa man din siyang anak. Para ma-impress ang ama, gusto nitong palaguin ang pera niya sa bangko kaya gusto niyang makipagtransaksiyon kay Munirat.

Kinabukasan, may iba't-ibang taong galing sa iba't-ibang bansa ng Africa ang nag-e-mail sa kanya, pero mas pinagtuunan niya ng pansin ang si Princess Christiana Williams ng Lome Togo, West Africa. Hindi na nag-e-mail si Munirat, ang uncle na lamang nito.

May mga kumagat na sa mga pain niya. Kung noong una'y feeling importante ang loko, ngayo'y nadala na siya. Pero nagmaang-maangan pa rin siyang walang kaalam-alam sa pinagsasabi ng prinsesa. Muli, itinanong nito kung papaano nakuha ang e-mail address nito at kung papaano gagawin ang transaksiyon.

Nag-e-mail ang prinsesa gaya ng sagot ni Munirat noon. Binigay pa nito ang contact number. Sinakyan ito ng loko at lalong nagyabang.

Your Highness,

I didn't respond you for that so soon because i have alot of business to manage. I'm always with my father in their out of towns, conferences, meetings with foreign partners etc.....in one day all that of those things was just happening to me a son of a multi-national company owner(i should not say my fathers name...he will get mad at me)...i just open my e-mail a little while in a day...You know i just get bored of being rich, sometimes i pitted those average person because ther'ye free to their time but me i'm a tyranny of time. I just want to call you soon but i have been banned for using our telephone at home because my father wanted that all calls in our mansion will be entertained by him and he strictly said to me that i should not trust anybody because you know my father didn't trust strangers he perceives that those strangers will bully him and will steal his precious 'god' ...the millions and millions of dollar in his secret bank account...he had also billions of peso bank accounts. I want to help you but how. Please email me those things that you would have told me on the phone.
I'm interested to your money because i want if you would give me a reward in keeping your money to help those needy in our country. You know my father is not that compassionate enough....
Well i'm willing to give my bank book to you regarding this matter....

Always,
Sherbs

Aba'y kumagat nga ang punyetang prisesa, paniwalang-paniwala ito sa mga pinagsasabi ng loko. Di man lamang niya namalayan ang mga wrong grammar sa sulat. At ito pa, ano kaya ang gagawin niya kung nalamang ako'y isang kutong-lupa lamang? Ang loko naman ay abalang-abala sa pagpapaikot sa prinsesa, paikot-ikot ang tanong nito... At noong magse-sem break, palibhasa'y twice a week lang binubuksan ang e-mail dahil walang pera, ito ang sinabi niya:

Your highness,

I know that you were looking forward for my email, this next three day i can't email you because we have a foreign investor meeting at Shangri-la Hotel in Hong-hong, well this meeting is so private...the staff in that hotel do not know that meeting and you are the one first knows it because i trusting you so much. In relation with this we have no communication in this following days, i wanted to get in touch with you but i can't because my father does not want to bring my laptop with me but he promises me that he will buy me the latest model of computer and laptop in hong-kong, he also promises me to open a new dollar account for me because of my successful PR program in our company which was implemented very well and now were attracting more foreign investors. In relation for not having a contact to you i would like you to email me all the things you would have to say to me on the phone please. I'm hoping for your email in this next three days. Don't worry i will email you soon when my father will buy me a new laptop. I'm hoping that you're not patient to me because of my hectic job. If you want to transfer yor account on my name i have 10 bankbooks, 6 visa cards, 5 master cards and almost 10 credit cards, i have also 20 atm cards...choose where you want to transact your money.

Always, Sherbs

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Maalaala Mo Kaya?

BAYANI
Remembering Lean
By Marites Sison
Lean ni Alex Remollino
Lean ni Gary Granada

SA ISYUNG ITO
Remembering Treason

Closed Ears and Stifled Voices
By Dennis Aguinaldo

To Kris with Love
By Karla Maquiling

Strange
By James Nicolay

Where's the Enemy?
By Carla Montemayor

E-mail
Ni Sherbien Dacalanio

Talahib
Ni Rodel Mayores

Reap What You Sow
By Roland Simbulan

The Problem with BIR Is Not Rats But Termites
By Jayson Edward B. San Juan

KOLUM
Daluyong
Mong Palatino

Pitik
Vlad Gonzales

Alipato
Alexander Martin Remollino

LATHALAIN
International Conference Tackles Violence Against Children
By Alfred A. Araya, Jr.

Astig: Pagdadamit sa Gamitan
Ni Tembarom

'Text Tax: Terorismo!'

MGA KUWENTONG PP2
Magagaang Sandali sa EDSA noong Enero 18, 2001
Ni
Alexander Martin Remollino

MAIKLING KUWENTO
Tumbang Preso
Ni Vlad Gonzales

Gold from the Fields
By Felicia Sanchez

TULA
Kaming Nagsusuot ng Butas na Maong
Ni Alexander Martin Remollino

Idlip
Ni Arianne Angela Solis

KATAGpuan ng Magkaibigan

Ni Lourdes Zorilla

Your Smile
Ni Anna Sanchez

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved