v 20.0
Setyembre 19 , 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

MULA SA PATNUGOT
Maalaala Mo Kaya?

INUULIT DAW ng kasaysayan ang kanyang sarili. Applicable ang kasabihang ito sa kasaysayan ng Pilipinas. Ngunit bakit tila tayo'y di na natuto sa sarili nating mga karanasan?

Ngayong Setyembre, dalawang mahahalagang kaganapan ang ating inaalala.

Una, ang 'No Vote' ng Magnificent 12 sa Senado noong Setyembre 16, 1991 kung kailan sila'y nagdesisyong huwag nang palawigin ang pananatili ng base militar ng United States.

Labing-isang taon matapos ang kaganapang iyon kung saan nagsimula tayong tumahak ng sariling landas at kumawala sa pagkaladkad ng US, heto't kilala na naman ang Pilipinas bilang alalay ng US sa Asya. Sa buong kasaysayan ng Republika, tila matatala si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang presidenteng pinakatuta ni Uncle Sam. Biruin mo ba namang ni hindi pa man nagsasabi ang Amerika, heto't agad na niyang in-offer ang air space ng Pilipinas upang magamit ng mga sasakyang pandigma ng US sa pagiging siga nito laban sa Iraq. 'Yan lamang ang latest sa napakahabang listahan ng katunayan ng kanyang pagiging 'certified Amgirl." Huwag na nating isama ang Balikatan, ang bulag na pagsunod sa US war against terror at iba pa.

Ikalawa, ang deklarasyon ng Batas Militar noong Setyembre 21, 1972 kung saan ang buong bansa ay ginawang impyerno ng diktador na si Ferdinand Marcos. Labing-anim na taon matapos ang 1986 EDSA People Power Revolt, heto't ang Pangulo, habang enjoy na enjoy na makunan ng mga litrato kasama ang duguang bangkay ng mga kriminal at pinaghihinalaang kriminal, ay nagtatawag na ng Strong Republic at ang Kongreso ay nagluluto ng mapanupil na Anti-terrorism Law at gigil na mapatigil ang anumang pagsalunga.

Kakaiba, di ba? Talaga nga namang isang paulit-ulit na cycle ang kasaysayan. pati nga buhay ni Kris Aquino ay ganyan din.

Sa gitna ng lahat ng ito, dapat ba tayong lumimot? Hindi po. Kailangan nating alalahanin ang mga pagtataksil, ang mga panunupil. Kasabay nito, kailangan din nating alalahanin ang mga magigiting na bayani ng kalayaan na nagbuwis ng kanilang dugo, gaya nina Edgar Jopson at Lean Alejandro na kapwa pinaslang sa buwan ng Setyembre.

Huwag nating hayaang sa isang pitik lamang ay bulagain tayong muli ng nakaraang pilit nating tinatakasan.

 

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Maalaala Mo Kaya?

BAYANI
Remembering Lean
By Marites Sison
Lean ni Alex Remollino
Lean ni Gary Granada

SA ISYUNG ITO
Remembering Treason

Closed Ears and Stifled Voices
By Dennis Aguinaldo

To Kris with Love
By Karla Maquiling

Strange
By James Nicolay

Where's the Enemy?
By Carla Montemayor

E-mail
Ni Sherbien Dacalanio

Talahib
Ni Rodel Mayores

Reap What You Sow
By Roland Simbulan

The Problem with BIR Is Not Rats But Termites
By Jayson Edward B. San Juan

KOLUM
Daluyong
Mong Palatino

Pitik
Vlad Gonzales

Alipato
Alexander Martin Remollino

LATHALAIN
International Conference Tackles Violence Against Children
By Alfred A. Araya, Jr.

Astig: Pagdadamit sa Gamitan
Ni Tembarom

'Text Tax: Terorismo!'

MGA KUWENTONG PP2
Magagaang Sandali sa EDSA noong Enero 18, 2001
Ni
Alexander Martin Remollino

MAIKLING KUWENTO
Tumbang Preso
Ni Vlad Gonzales

Gold from the Fields
By Felicia Sanchez

TULA
Kaming Nagsusuot ng Butas na Maong
Ni Alexander Martin Remollino

Idlip
Ni Arianne Angela Solis

KATAGpuan ng Magkaibigan

Ni Lourdes Zorilla

Your Smile
Ni Anna Sanchez

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved