Mga Polisiyang
Maka-Manggagawa, Ipatupad!
ni Bobby Tañada
Nakikiisa ako
ngayon sa kilusang paggawa sa kanilang panawagan sa pamahalaan na
bigyang-lunas ang maraming mga suliranin na nakakaapekto sa mga manggagagawa,
lalung lalo na yaong isyu ng mababang sahod at kontraktwalisasyon.
Kapag ni-repaso ang mga mga polisiya sa industriya, mahalagang maseguro
hindi lamang ang pagsagip at pagmomordenisa ng mga industriya, dapat,
sila ang mga industriyang ito ay maka-manggagawa din.
Malaki ang suliraning
kinakaharap ng kasalukuyang administrasyon: Isa sa kada sampung manggagawa
ay walang trabaho. Isa sa kada limang may trabaho ay underemployed
o yung tinatawag na naghahanap pa ng karagdagang trabaho o kaya'y
nagtrabaho ng kulang sa 40 oras bawa't linggo. At ang di mapigilang
kasualisasyon at kontraktualisasyon ay nagpapalala pa ng sitwasyon.
Yung mga tumututol
sa pagtataas ng sahod ay nakakatwiran ng ang produktibidad ng ating
mga manggagawa ay mababa. Pero paano ito hindi mangyayari ay ang ating
mga manggagawa ay hindi na re-regularisa, patuloy na nagiging kaswal
sa pribado at pampublikong sector, at patuloy na napagkakaitan ng
sapat na sahod pati na rin ang maayos na kondisyong panggagawa? Sino
ba ang gaganahang magtrabaho sa ganitong kondisyon?
Bagamat ako ay
pabor sa magsasabatas ng minimum wage, naniniwala ako na ang bagay
na ito ay mas puspusan pang mapag-aralan ng tatlong sector - sector
ng manggagawa, management at pamahalaan na may malinaw na intensyon
na pangalagaan ang trabaho, protektahan ang small and medium-scale
na namumuhunan, at ang pagtataas ng produktibidad. Ang pagsasabatas
na ito ay dapat particular na nakatuon sa pinakamahinang manggagawa
o yung hindi nasasakop ng collective bargaining agreements (CBA).
Di hamak na sila ang mas malaking bulto ng ating mga manggagawa. Doon
naman sa mga may unyon na, mas nanaiisin kong ang adjustment sa kanilang
sahod ay magawa sa pamamagitan ng CBA. Sa pamamagitan nito, mas nagkakaroon
ng mas malakas na motibong mag-unyon ang mga manggagawa.
Dahil sa patuloy
na retrenchment at re-engineering na ginagawa ng maraming nagnenegosyo
bilang tugon sa globalisasyon, ang pag-uunyon ay tunay na lalong napakahirap.
Naparami na nating
programa sa modernisasyon gaya ng AFP modernization, agricultural
modernization at modernisasyon ng edukasyon. Ang wala-wala sa atin
ay ang isang tunay na programa ng industrial modernization na kaagapay
ang sapat na safety nets upang malabanan ang negatibong epekto ng
globalisasyon.