|
E-mail
Ni
Sherbien Dacalanio
(Unang Bahagi)
PAKIRAMDAM
KO, ako na ang pinakaimportanteng tao sa buong sansinukob. Akalain
mong nag-e-mail sa akin ang isang unang ginang at hinihingi niya
ang tulong ko. Biro mo, pinagkatiwalaan ako ng isang dugong-maharlika.
Ako na isang estudyanteng umaasa lamang sa aking magulang. Ako na
walang pangalan sa lipunan. Ako na isang alikabok na lumulutang
sa kalawakan. Whew…
Nagsimula ang
lahat noong Setyembre 13, 2001,ika-7 ng gabi pagkatapos kong tumakas
mula sa rehearsal namin sa dulang Sabina. Kasi naman e ang isang
Internet adik na gaya ko ay hindi kumpleto ang araw pag hindi niya
napuntahan ang pinakasagradong lugar sa kanyaang Internet
café.
Habang gigil
na gigil kong binubuksan ang e-mail account ko sa PinoyCentral,
nagulat ako nang may sumulat sa aking nagngangalang Munirat Abacha
at ang subject ng sulat niya ay strictly confidential!!! Nagtaka
ako. Hindi ko kilala ang taong ito at pa’no niya nalaman ang
e-mail ad ko? Dahil sa curiosity, binuksan ko’t binasa ang
e-mail.
STRICTLY CONFIDENTIAL
Dear Sherbs,
I am Mrs.
Munirat Abacha, the wife of Mohammed Abacha, son of the Late head
of state of Federal Republic of NigeriaGeneral Sani Abacha.
I am contacting you in view of the fact that we will be of great
assistance to each other like wise developing a cordial relationship.
My husband
along with his late father and top officials of their past administration
has been accused of looting several Billion United States Dollars
from the Nigeria Government. The current attitude of the present
government towards my family has indeed made life quite unbearable
for us. Fortunately, Mohammed my Husband has six million and eight
hundred thousand United States Dollars (US$6.8 million) cash, which
he intended to use for investment purpose overseas.
This money
was deposited for safe keeping in the security vault of a freighting
agency here by my husband preparatory to being air lifted abroad
for investment purposes before his arrest. It is only my husband
and myself that know where the money is kept.
Due to
the current situation in the country concerning governments vendettas
towards my family, we seek you assistance to transfers this money
out of Nigeria for the purpose of investment as intended by my husband.
Note that
my family is currently being probed by this present government for
alleged involvement in misappropriation of public funds during my
father-in-law’s regime. Towards this effect, an embargo restricting
my family members from traveling or carrying out financial transactions
without their express permission is in force. Right now, my husband
(Mohammed) is under arrest and is being detained in connection to
the above and other activities of his late father.
However,
I have an arrangement on how to freight this money to you after
receiving some assurances from you of the safety our own share and
that you will only take the commission that we will offer you.
This money
personally belongs to my husband and he intends that it still be
used for investment. No record ever existed concerning this money,
neither is the money traceable by the government because this is
no documentation concerning the funds in the Federal Treasury.
The freighting
company to be used has now been introduced to me and as soon as
we receive your readiness to assist us received this fund we shall
formalize the deposit documents in your name and reach an agreement
with them to air lift the xconsignment for your pick up.
Bearing
in mind that your assistance is needed to transfer this fund, we
propose a commission of 15% (Fifteen Percent) of the total sum to
you for the expected services and assistance. While 5% is mapped
out for miscellaneous expenses.
On you
positive consent, I shall expect you to contact me urgently to enable
us discuss about this. Your urgent response is highly needed. I
must use this opportunity to implore you to exercise utmost indulgence
to keep this matter extraordinarily confidential, while I await
your prompt response.
Best regards,
MRS. MUNIRAT ABACHA
Nasilaw ako
sa pera na magiging porsiyento ko kung tutulungan si Munirat na
iikulimbat ang kanilang pera palabas sa kanilang bansa. Akalain
mo bang ang magiging parte ko sa $6.8M ay $1.02M at kapag pinalit
mo ito sa piso, aba’y mahigit 40M ‘to!
Hindi na kami
maghihirap. Mababayaran na namin ang mga utang namin. Hindi na naming
kailangang hintayin ang sahod ng aking ama na matagal na nilang
di nakukuha. Sa hirap ng buhay, gagawin ng isang Pilipino ang lahat
ng bagay para lang mabuhay, “by hook or by crook.” ‘Yan
ang katotohanang di natin maitatanggi. Tingnan mo nga, kahit na
mayamang pulitiko e kailangan pa rin niyang lumustay ng pera ng
bayan para masunod ang luho: ang mahirap pa kaya, gayong lumalapit
na ang palay sa manok?
Pero, inisip
ko ring baka isang uri ng panloloko ang sulat na iyon kaya sa Yahoo,
itinayp ko sa search engine si Mohammed Abacha. Dalawang artikulo
ang nabasa ko na tugmang-tugma sa sinabi ni Munirat na inaakusahan
sila ng Federal Government ng pangungulimbat. Inisip ko rin na baka
si Erap noon ay nag-i-e-mail din sa mga tagaibang bansa upang tulungan
siyang itakas sa Pilipinas ang mga perang kinulimbat.
Sa binasa ko,
di pa rin ako kuntento kaya nag-e-mail ako kay Munirat na nagtatanong
kung papaano niya nalaman ang e-mail ad ko.
Ipina-print ko ang sulat ni Munirat at pagkatapos, nagbukas ako
ng iba pang e-mail.
Karamihan sa
mga natanggap kong e-mail ay tungkol sa pagsabog ng World Trade
Center. Napakadramatiko ng insidenteng iyon. Ang galling-galing
ng cinematography at special effects. Napakagaling palang magdirek
ni Osama Bin Laden ng pelikulang terorismo.
Sa totoo lang,
sa pangyayaring iyon, sinisi ko ang Amerika sa pagkamatay ng mga
inosenteng tao. Karma iyon sa Amerika sa mga mabubuti nilang ginawa
at pati mga walang kinalaman ay nadamay. Dahil sa Amerika, nagkaroon
ng Miss Saigon kung saan ang unang gumanap at bida ay Pilipino.
Dahil sa Amerika, nakagawa si Lualhati Bautista ng akdang nanalo
sa Palanca Awards. Dahil sa Amerika, magiging mayaman na ang Pilipinas
sa deposito ng Mercury na pwedeng gawing thermometer. Dahil sa Amerika,
pinapautang tayo ng World Bank… at iba pa!
Ngunit bakit
napaka-unfair naman ng karma, mabuti naman ang Amerika, bakit bad
karma pa ang nakuha nito? Sa bagay lalong pumupuro ang ginto kada
idinadarang ito sa apoy. Ngunit sa kabilang banda, naging proud
ako sa mga Pilipinong namamasukan sa World Trade Center sa ipinakita
nilang pagkamaka-Filipino sa pagtangkilik ng Filipino time na sumalba
sa kanilang buhay.
Pagkatapos
ng isang oras sa Cyberspace, bumalik na ako sa rehearsal namin at
inaasahan kong sermon ang maaabot ko mula sa mga cast na gaya ko.
Habang nagre-rehearse kami, maraming bagay ang pumapasok sa utak
ko kaya di ko nagawang seryosohin ang praktis. Yayaman na ako…
Ano kaya kung sa oras ng transaksiyon namin ni Munirat ay magtawag
ako ng International Media. Mahuhuli ang Unang Ginang, mabubulgar
ang katiwalian nila at magiging popular ako. Marahil sa gagawin
ko, magiging kasinsikat ako ni Osama Bin Laden. Pagpipistahan ako
ng local at international media. Interbyu roon… interbyu rito.
Magigiging cover personality ako ng mga political magazineTime,
Newsweek, Free Press. Maaari rin akong parangalan sa aking gagawinNobel
Peace Prize?
Ay, Sherbien…
ilusyon…
Kinabukasan,
bago pumasok sa unang subject… nag-Internet muna ako.
Nag-iisa sa inbox ko ang e-mail in Munirat. Pinasalamatan niya ako
sa madalian kong pagsagot sa e-mail niya. Sinabi niyang nakuha niya
ang e-mail ad ko sa white page directory ng chamber of commerce
sa kanilang bansa.
Ano ulit…
chamber of commerce! Sigurado ka? Isa lamang akong estudyanteng
kinakarir at inuutakan ang aking mga magulang.
Inisip ko kung
papaano ako nasali sa chamber of commerce. May negosyo ba ako? Naghahanap
lang ako ng mapagkakakitaan sa Internet. Naalala ko na. Sumali pala
ako sa SFI Maarketing. May kumisyon dito… pero wala naman
akong nakukuhang komisyon… wala naman kasi akong ginagawa.
Nag-sign up lang ako sa SFI para makapuntos sa e-premyo! At siyempre,
mas maraming puntos sa e-premyo, mas maraming chance na manalo.
Marahil, sa pagsali sa SFI ay naging mayaman na rin ang dating ko
at nalista ang pangalan ko sa mga talaan ng mga taong mayayaman
sa mundo.Ito
ay pribilehiyo sa akin…. Isang himala… May pobreng nalista
sa talaan ng mga mayayaman, mauutak at mga tusong negosyante sa
mundo!”
Habang binabasa
ko ang sulat ng Unang Ginang, numingning ang aking mga mata na tila
baga’y nakatanto ng baul na punung-puno ng ginto at para rin
akong baliw na bumubungisngis sa harapan ng computer. Sino’ng
mag-aakalang ang isang taong walang kakuwenta-kuwenta gaya ko ay
magkakaroon ng pagkakataong makasalamuha ang isang unang ginang
at biro mo, ako pa ang pipili ng lugar, kahit na sa anong bansa,
kung saan gaganapin ang aming transaksyon! Para bang natupad ang
hindi ko naman hinihiling sa isa sa mga development communication
shows na walang ginawa kundi i-claim kung sino ang mas nauna sa
concept ng gano’ng show na dinudumog ng mahihirap para naman
makatikim sila ng sarap sa buhay kahit sa isang saglit. Ginagamit
ang mga mahihirap para sa rating.
Sa labis na
pagkainteresado, sinabi ko na ako ay isang estudyanteng walang ni
isang kusing ngunit handa akong tulungan siya sa abot ng aking makakaya.
Buhay ay isususgal para mapasaakin ang 40 milyong piso. (Ganito
na ba kadesperado ang tao, sa ngalan ng kahirapan ay gagawin pati
masama?) Naisip ko rin na kailangang-kailangan niya ang tulong ko,
kasi, ang hirap-hirap ng ginawa niyang nakawin ang perang-bayan
ng Nigeriadugo’t pawis ang ipinuhunan at sinugal pa
ang konsensiya nito, ‘tapos, mawawala lang. Sa rehas na bakal
ang tapon niya pag nahuli(kung saan magkakaroon siya ng VIP treatment)
at mawawala lang ang pera niya dahil mapupunta rin sa mga tiwaling
opisyal. Bago pa pakinabangan ng iba ay dapat ako muna ang makinabang!
Gagamitin ko naman sa mabuti ang pera… ala Robinhood ako….
Pero the means does not justify the end!!! Alam ko ito pero ano
pa ang magagawa ko? Wala naman sigurong makakaalam ng gagawin ko,
kasi, confidential naman e, Diyos lamang!
Pagkatapos
mag-Internet, nag-absent na ako sa una kong klase at agad tinungo
ang paborito kong bookstore. Doon, nag-browse ako ng mga travel
magazine.
Kinabukasan,
hindi na nag-e-mail si Munirat. Baka hinahabol na siya ng Federal
Government ng Nigeria!
Alam kong kailangan
na kailangan na niya ang tulong ko kaya araw-araw akong nag-i-e-mail
para ipakita ang aking sinseridad sa pagtulong at patunayang dapat
niya akong pagkatiwalaan.
Umabot sa isang
buwan ang pag-i-e-mail ko ngunit di pa rin niya ako sinasagot. Naasar
na ako. Isinerts ko sa Yahoo! si Munirat. Titingnan ko lang, baka
nahuli na siya… Huwag naman sana…. Saying ang mahigit
40 milyong piso.
“Gumuho
ang aking mga pangarap, Charo. Akala ko, mapapasakamay ko na ang
mahigit 40 milyong piso. Hindi pala! Halos sisigaw ako sa kinauupan
at maglulumpasay sa sahig ng computer shop na para ba akong sinasaniban
ng masamang ispiritu. Ito ay nangyari pagkatapos mabasa ang sampung
artikulo, tungkol kay Munirat at iba pa, na pare-pareho ang nilalaman.”
Si Munirat
pala at iba pa ay nambibiktima ng mga businessman. Businessman?
(Ugok pala sila, isa lamang akong pobreng estudyante.) Nag-i-e-mail
ang grupong ito sa mga businessman at kapag nasilaw na ang mga mautak
na businessman, sasamantalahin na ng grupo ang pagkakataong ito.
Sasabihin nilang para malipat ang perang kinulimbat nila, kailangang
ibigay ng kaawa-awang biktima ang bank account number niya, papeles
na pipirmahan at impormasyon ukol sa biktima. Importante ring may
halagang milyones ang bank account para daw di mahalata ng Federal
Government ang transaksiyon. Pag nauto na ang kaawa-awang biktima,
neknek na lang niya dahil ang grupong ito ay walang ititira ni sentimo
sa kanyang dollar bank account. Sa kabuuan may $1B na ang kaninang
nadedekwat.
Dahil dito,
nanlisik ang aking mga mata, kung maaari ko lang pagsusuntukun ang
lahat ng computer, gagawin ko para mawala ang galit ko… Lintik
lang ang walang ganti!
---------------------
Ano ang susunod na kabanata sa karanasang ito ni Sherbien? Abangan.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|