v 19.0
Agosto 31, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

MULA SA PATNUGOT
Kapayapaan

LAHAT TAYO'Y nangangarap na makamtan ang katiwasayan. Kapayapaan ang hinihiling natin—kapwa para sa ating sarili, sa ating lipunan, at sa malawak na mundong ating ginagalawan.

Subalit sadyang mailap ang kapayapaan. O baka naman tayo ang maramot kaya ayaw natin itong bigyan ng puwang.

Sa artikulo ni Dennis Aguinaldo, halimbawa, pinansin niya ang mga pagkakahawig sa pagitan ng Pilipinas at ng Korea—ang dalawang bansa ay kapwa lukob ng marahas na pagkakahati.

Samantala, ipinagpapatuloy naman ng makapangyarihan at aroganteng Estados Unidos ang ganitong pagkakahati-hati sa mga bansa sa daigdig. Sa kolum ni Alex Remollino, tinatalakay niya ang kagaguhang pagtawag ng US ng terorista sa isang rebolusyonaryong grupo—at bulag na pagsang-ayon ng pamahalaang Macapagal. Sa gayon, sa halip na maisulong ang usapang pangkapayaan, mas lalong sinindihan ng US at ng pamahalaan ng Pilipinas ang apoy ng digmaan.

Pero maging ang lokal na mapagpalayang kilusan ay mayroon ding marahas na pagkakahati, gaya ng tinatalakay ni Michelle Licudine sa kanyang kolum. Gayunpaman, si Michelle ay may pag-asa ng pagkakaisa na nababanaagan habang nananawagan siya ng nuling pinag-isang pakikibaka.

Sa gitna ng mga ganitong pagkakahati, kadalasan, pati sa ating sarili'y kayhirap anyayahan ng kapayapaan. Si Karla Maquiling, halimbawa, ay binabagabag ng mga agam-agam may kaugnayan sa kinabukasan nila ng kanyang mahal na anak. Samantala, si James Nicolay ay patuloy sa pagtatanong: ano nga ba ang punto ng lahat ng ito?

Honestly, minsan, di ko na rin alam. Basta ang alam ko, di dapat tumigil sa pagsalungat sa agos ng karahasan at kawalang-katuwiran. Hindi pa naman tayo nauubusan ng pag-asa. Kamakailan. isang grupo ng mga aktibista at iskolar ang nagtipun-tipon sa UP upang buuin ang Asian Peace Alliance. Samantala, ang mga awardee ng Ramon Magsaysay Awards ay patuloy na nagpapakita ng magandang halimbawa para sa ating lahat. Patuloy rin ang mga aktibista mula sa iba't ibang bansa na sumama sa World Summit on Sustainable Development sa pananawagan para sa kaunlarang may pagkakapantay-pantay at di sumisira sa kalikasan.

May pag-asa pa ang kapayapaan.

Sa pagsusulong ng kalinaw at kaunlaran, hindi maipagwawalang-bahala ang papel na ginagampan ng wika at panitikan. Sa unang labas ng kanyang kolum, tinatalakay ito ni Vlad Gonzales.

Iniaalay rin ng seksyong panitikan ng Tinig.com ang mga tula—kabilang ang isang alay sa bayaning si Macario Sakay—at mahuhusay na flash fiction—o mabilisang kuwentong aaliw, makapagpapakilig, at hahaplos sa inyong damdamin.

Ang mga iyan at marami pang iba ang hatid namin sa inyo sa Tinig.com v19. Maligayang pagbabasa!

Bigyan sana natin ng puwang ang kapayapaan.

 

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Kapayapaan

SA ISYUNG ITO
Religion, Civil Society, the EDSAs, and the Korean Experience
By Dennis Aguinaldo

My American Dream
By Karla Maquiling

. (Tuldok)
Ni James Nicolay

Kalinaw, Asya!
Ni Tembarom

E-mail
Ni Sherbien Dacalanio

Pangakong Napapako
Irene Martires

KOLUM
Pitik
Vlad Gonzales

Subersibo
Michelle Licudine

Alipato
Alexander Martin Remollino

LATHALAIN
National Consultative Workshop Convened on Street Children and the Juvenile Justice System
By Alfred A. Araya, Jr.,

UN Justice Romeo Capulong Nominated for Ombudsman

MAIKLING KUWENTO
Press ENTER
Ni Vlad Gonzales

Sa mga Panipi ng Tadhana
Ni Vincent Cyrus J. Espiritu

A Nat. Sci. 1 Letter
By Noel Pascual

Old Women
By Dennis Aguinaldo

TULA
Sa Alaala ni Macario Sakay
Ni Alexander Martin Remollino

Dyip sa Aming Bayan
Ni Estelito B. Jacob
Heaven's Song
By Carlo Aristotle Remollino

Young Lovers
By Ime Aznar

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved