TULA
Dyip sa
Aming Bayan
Ni Estelito
B. Jacob
Kung maging
tiyan ng tao
Itong
dyip ng aming bayan,
Pasasabugin
nito ng husto
Ang matakaw
ring bunganga
Hanggang
luray nitong mailabas
Ang lahat
ng lamang loob.
Wari kasi'y
isa itong batubalani
Kung humigop
sa daan
Ng laksa-laksang
tao't paninda.
Kumpol-kumpol
at dikit-dikit na
Ang mga
dibdib sa likod
At ang
mga mukha sa mukha.
Ang iba
nama'y walang imik at kurap.
Ni ayaw
lumanghap ng hangin.
Sama-sama ang
mga bago't presko
Sa luma
at mga masangsang.
Kaya naman
pinaiitim na lang ang usok
Sa reklamo
Nitong
pagal na ring tambutso.
Kasi, kung ito
ngang mga gulong
Ay lumalapirot
ng mga lusak at bato,
Saan ba't
di sasantuhin itong mga pasan
Na animo'y
mga linta kung kumapit.
Sapat naman
ang pasahe ng bawat isa
At ang mga nakaupo ay masaya.
Ah, katulad din ng mamang nakasabit
Na sumasayaw sa bawat talbog
Nitong dyip sa aming bayan.
----------------
Si Estelito ay taga-Marupit, Camaligan, Camarines Sur.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|