Pangakong
Napapako
Ni Irene Martires
PATULOY PA ring
tumataas ang antas ng krimen sa ating bansa. Ano ba ang sanhi nito?
Siyempre, alam natin ang kasagutan—dahil sa kahirapan kaya
napipilitang magnakaw o kaya’y magbenta ng droga o kaya’y
magkidnap o magholdap o kaya’y magbenta ng laman ang ating
mga kababayan.
Ang tanong
ko sa mga nakaraang administrasyon at sa kasalukuyan: Nasaan na
ang ipinangako ninyong trabaho para sa mga Pilipino? O kaya’y
ang pangako ninyong pabahay sa mga maralita nating kababayan? O
kaya'y ang pangako ninyong inyong pagagandahin ang ekonomiyang ngayo’y
naghihingalo na? Ilan nang State of the Nation Address ang dumaan,
iyan pa rin ang pangako ninyong lagi na lang napapako.
Huwag ninyong
hayaang lahat tayo’y mamatay na nakadilat ang ating mga mata
dahil sa gutom.
Unahin ninyo
ang pangunahing pangangailangan ng ating bansa: trabaho, pabahay,
edukasyon, medisina, at pagsugpo sa kriminalidad.
Imbes na mag-alitan kayo riyan sa gobyerno, unahin muna ninyo ang
bayan, dahil masama ang ipinakikita ninyo sa taumbayan.
Hindi naming
kailangan ang puro pangako langgusto nami’y aksiyon.
Magtulong-tulong na lang kay-taga-oposisyon man o nasa administrasyon
man. Kalimutan na muna ninyo ang labanan ninyo sa larangan ng pulitika;
matagal pa ang halalan; ito'y sa 2004 pa.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|