Di
lahat ng tuta ay tuta.
May tutang hindi tuta
ngunit lalong tuta pa
sa tunay na tuta.
Ang tutang tunay ay tumatahol,
ngunit ang tutang hindi tuta
ay nagsasalita
sa harap ng mikropono,
nagsasabing ang makabayan
ay kaaway ng bayan
at ang nambubusabos na dayuhan
ay kaibigan ng bayan.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.