v 18.0
Agosto 15, 2002  

Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

MULA SA PATNUGOT
Mga Bayaning Inaapi, Etc.

KAMI PO ay maka-Pilipino pero hindi anti-American. Ipinauuna lang namin iyan dahil uso ngayon ang pagtawag ng "anti-American", "komunista," at "terrorist-lover" sa mga sa mga nagsusulong ng nasyonalismo.

Nagulat naman kami nang mabalitaan namin ang nagpupuyos pa yatang pagkakasabi ng Unang Ginoo na "komunista" raw si Pangalawang Pangulong Guingona.

Like, hello?

Kapag nangmungkahi ka pala ng mga pagbabagong pampulitika at pang-ekonomiya na inaakala mong makabubuti sa bayan, komunista ka na. (Side comment: saka para namang isang napakalaking kalanan ang pagkakaroon ng ideology na hindi carry ng mas nakakarami. Last time I heard, the Philippines is a free country!)

Pinuwersa na ngang mag-resign sa Department of Foreign Affairs, biniktima pa ng kaululang red scare. Napaka-ironic na reward para sa isang tunay na lingkod ng bayan!

Sa totoo lang naman, ang mga isyung dinadala ng makabayang Pangalawang Pangulo—ang pagpapahalaga sa pambansang soberenya at ang maingat at masusing pag-aaral bago sumabak sa globalisasyon—ay napakatagal nang usapin. Panahon pa ng dakilang bayaning si Claro M. Recto ay ipinaglalaban na niya ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng bansa at pagtayo sa sariling mga paa.

Sabagay, sobrang deadma naman tayo sa ating kasaysayan. Inapi pa nga at tinapyasan ng oras ang pag-aaral ng kasaysayan sa ilalim ng millennium curriculum ng nagbitiw na Education Secretary Raul Roco. E di kulang na kulang na ang panahong upang mapag-aralan natin ang mga dakilang simulain nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Claro M. Recto at iba pang mga bayani? At ngayon, gusto pa yata nating ipalit kay Macapagal ang may pakanang ito ng bagong curriculum? Hindi na talaga tayo natuto.

O, eto pa ang isang kuwento ng inaping bayani. Naba-bad trip kasi kami sa kaarogantehan ng Pangulo nang ituro nitong suspect ang isang Gng. Acsa Ramirez, na sa totoong buhay ay siya pa ngang nagturo sa mga salarin sa isang kaso ng money laundering. Ayaw mag-apologize ng Palasyo, at ngayon, kinasuhan at idinawit pa ang kaawa-awang bayani. Napaiyak na lang daw yung tao nang bigla siyang ituro ng Reyna. Tsk tsk tsk, tama ba naman yun?

Sa pagtatanggol kay Ramirez, sana naman ay hindi kami tawaging "money-launderers". Ayaw naming mapahanay sa isang senador na ganyan yata, ha?

Anyway, pangunahing tema sa mga artikulo sa v18 ng Tinig.com ang kawing-kawing na mga bagong patakaran ng pamahalaang Macapagal sa national security, human rights, at foreign affairs.

Ang all-out war laban sa mga "teroristang enemy of the State", ang pagtatanggal ng maximum tolerance, ang tila pagpapaubaya ng pagtatanggol ng bansa sa kamay ng US, at ang human-right violations na kaakibat ng mga ito. Tinatatalakay ang mga isyung ito sa iba't ibang artikulo, tula, at pahayag sa isyung ito. Mababasa rin ang tungkol sa mga usaping iyan sa kolum nina Mong Palatino, Alex Remollino, at ng pinakabago nating columnist, si Gari Lazaro ng Student Council Alliance of the Philippines at Akbayan.

Siyempre, hindi mawawala ang iba pang mga usapin. Sa isyung ito, tinatalakay rin ang corruption, abortion, at penal system, pati na ang isang "utopian vision" para sa ating bansa.

Nagpupugay pa rin tayo sa mga bayaning Pilipinong na hindi na natin kapiling ngayon.

Sa buwang ito na Agosto, ang buwan ng Rebolusyon at buwan ng Wikang Pambansa, may wish kami: nawa'y mag-alab ang apoy ng nasyonalismo sa ating mga puso.

Huh, heavy ba masyado? Relax naman tayo't sumali sa Take a u-turn photo contest ng UP ORG. Sana suportahan natin ang proyektong ito, gaya ng patuloy na suportang tinatanggap ng Tinig.com.

Hanggang sa muli!

 

 

 

 

 

 

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Mga Bayaning Inaapi, Etc.

SA ISYUNG ITO
Survivor: Senate
Utopia and Related Proposals

By Dennis Aguinaldo

Poverty and Corruption in the Philippine Bureaucracy
By Jayson Edward B. San Juan

Silent Scream
Ni Aika Pascual

Sino ang Matsing?
Ni Rodel Mayores

Longest Punishment
By Lilith Mae Orola

Paalam, Maximum Tolerance
Ni Armando Sinaglahi

KOLUM
Daluyong
Mong Palatino

Ligalig
Garry Rectin Lazaro

Alipato
Alexander Martin Remollino

BAYANI
Pagbagsak ng Isang Tala
May Isang Opisyal

NATATANGING TAMPOK
Jose Garcia Villa Makes It to: World Poetry: An Anthology of Verse from Antiquity to Our Time

By Alberto Florentino

MAIKLING KUWENTO
Kulob
Ni Rayts dc

PITAK
Greenpeace Ship Gives Lessons on Climate Change, Renewable Energy Alternatives
By Alfred A. Araya, Jr.

Rebellion in Catanduanes
By Perry M. Calara

Anti-Terrorism Bill: Another Attack on Civil Rights
GMA: Resurrection of Marcos --PCPR

TULA
Anak
Ni killerpogi
Tuta
Ni Alexander Martin Remollino
Tusok ng Karayom
Pasyon Para kay Lola Remedios

Ni Audrey Mae Alba
Imik/Himig/Himagsik
Ni Carlos Piocos III
Babala
Ni Ana Invicta

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved