|
BAYANI
May Isang Opisyal
Ni Alexander
Martin Remollino
ANG UNANG pangalan
niyay apelyido ng isang bayani. At pinatunayan ng yumaong
Bonifacio Gillego na ang pagkakapangalan sa kanya ng gayoy
hindi naman isang kalapastanganan.
Dati siyang
opisyal ng militar. Subalit siyay di katulad ng karaniwang
tauhan ng militar na ang pagkakaunawa sa katapatan ay ang bulag
na pagsunod. At siyay di katulad ng karaniwang tauhan ng militar
na nag-aakalang ang kanyang tungkulin ay sa nakatataas na pinuno
at hindi sa bayan.
Panahon ng panunungkulan
ng yumaong Ferdinand Marcos bilang Pangulo nang siyay unang
lumikha ng alingasngas. Mataas noon ang kanyang katungkulan sa National
Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Parang pagbabadya
ng darating na unos ng batas militar, lubhang aktibo noon ang NICA
at mga pangalan ng kung sinu-sino ang napababalitang napalalagay
sa talaan nito ng mga taong pinagmamanmanan bilang diumanoy
mga elementong banta sa estado.
Isiniwalat ni
Gillego noon ang mga kabulastugan sa loob ng NICA. Buong kapangahasan
niyang ibinunyag ang karaniwang gawain noon ng mga taga-NICA na
pag-iimbento ng mga intelligence report upang mapapanatili ang kanilang
mga sarili sa tungkulin nang hindi nagbabanat ng buto.
Noong panahon
ng Batas Militar, madalas siyang maging interogador ng mga bilanggong
pulitikal. Datapwat di niya hinarap nang marahas ang mga ito. Sa
halip, bukas na isip ang ginamit niya sa pakikipag-usap sa kanila.
Sa pamamagitan nitoy nakita niya ang matwid na tangan ng mga
nangahas na maghimagsik laban sa rehimeng kanyang kinaaaniban.
Makaraan ang
ilang taon, siya may ituturing na kaaway ng rehimeng Marcos.
Natuklasan niyang huwad ang ipinagyayabang na mga medalyang nakamit
diumano ni Marcos sa pakikipaglaban sa mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, at pati ang pagkakaroon ni Marcos ng isang
malawak na ugnayan ng mga espiya. Isiniwalat niya ang lahat nito
sa pamamagitan ng mga aklat na kanyang sinulat. Dahil ditoy
inani niya ang poot ng pasistang rehimen at kinailangan niyang tiisin
ang buhay ng isang pugante kahimat hindi siya kriminal.
Pinasok ni Gillego
ang pulitikang elektoral matapos na mapabagsak ang diktadura. Bilang
isang mambabatas, napabantog siya dahil sa kanyang maunawaing pagtingin
sa mga usaping may kinalaman sa karapatang pantao at sa malaon nang
insurhensiya sa ating bayan.
Namatay siya
kamakailan sa gulang na 81.
Palasak nang
papuri sa mga namamatay na opisyal ng militar ang taguring isang
opisyal at maginoo. Datapwat mabibilang lamang ang mga opisyal
ng militar na talagang nararapat sa gayong papuri. Isa na sa mga
ito ang yumaong Bonifacio Gillego.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|