v 18.0
Agosto 15, 2002  

Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

TULA
Imik/Himig/Himagsik

Ni
Carlos Piocos III

Wala nang imik ang gabi,
kanina lamang ay bumubulong
ang talilis at lagaslas ng mga kawayan,
manapa'y tubig sa pakikipaglaro sa amihan,
hindi ko iniisip na titigil sila sa paghaharutan.

Tahimik na ang paligid,
napipi na ba ang mga uyayi ng diwata sa di kalayuan?
Wala na ni malamyos na saliw ng timbuli't kudyapi,
ni alingawngaw ng naghaharing tinig,
hindi ko alam.
Hindi maintindihan ang kanyang biglang pagtahan.

Wala nang kibo ang dilim.
Wala na rin ang mga nagtatampong yabag ng mga anino,
aninong nakawala sa tanikalang liwanag.
Ang paglaya ba nila'y pagtahimik lamang sa isang tabi?
O pagkakagapos magmuli sa mapanakop na kadiliman?

Tahimik pang naghintay ang gabi,
(takot) sa bagong sulyap ng masigasig na silahis ng araw,
napakaraming hiyaw ang kanyang naikubli
sa tabing ng mga lilim at lihim—
mga pinipigil na pag-aklas (pumipiglas),
pagkawala (nagwawala),
pagtakas (umaalpas).

Sa katahimikang iyon ng nagtitimping gabi,
tuluyang nag-alsa ang aking mga muni-muni


Si Carlos ay kasapi ng UP Ugnayan ng Manunulat (UP UGAT)

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Mga Bayaning Inaapi, Etc.

SA ISYUNG ITO
Survivor: Senate
Utopia and Related Proposals

By Dennis Aguinaldo

Poverty and Corruption in the Philippine Bureaucracy
By Jayson Edward B. San Juan

Silent Scream
Ni Aika Pascual

Sino ang Matsing?
Ni Rodel Mayores

Longest Punishment
By Lilith Mae Orola

Paalam, Maximum Tolerance
Ni Armando Sinaglahi

KOLUM
Daluyong
Mong Palatino

Ligalig
Garry Rectin Lazaro

Alipato
Alexander Martin Remollino

BAYANI
Pagbagsak ng Isang Tala
May Isang Opisyal

NATATANGING TAMPOK
Jose Garcia Villa Makes It to: World Poetry: An Anthology of Verse from Antiquity to Our Time

By Alberto Florentino

MAIKLING KUWENTO
Kulob
Ni Rayts dc

PITAK
Greenpeace Ship Gives Lessons on Climate Change, Renewable Energy Alternatives
By Alfred A. Araya, Jr.

Rebellion in Catanduanes
By Perry M. Calara

Anti-Terrorism Bill: Another Attack on Civil Rights
GMA: Resurrection of Marcos --PCPR

TULA
Anak
Ni killerpogi
Tuta
Ni Alexander Martin Remollino
Tusok ng Karayom
Pasyon Para kay Lola Remedios

Ni Audrey Mae Alba
Imik/Himig/Himagsik
Ni Carlos Piocos III
Babala
Ni Ana Invicta

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved