v 18.0
Agosto 15, 2002  

Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Silent Scream
Ni Aika Pascual

SILENT SCREAM—ang mga sigaw na hindi naririnig… Kaninong sigaw? Kaninong tinig? Kaninong damdamin?

Isang araw, nabalitaan ko na manonood kami ng isang documentary film, title niya ay Silent Scream, para sa CLE namin. Enjoy! Kasi, film viewing! Meaning, walang boring discussion, iwas-quiz. Hindi ito yung first time na narinig ko yung title na Silent Scream. Kasi nung second year ako, nabanggit na sa amin ‘yon ng teacher namin. Maganda daw ‘yon kasi, true to life. Kaya lang, kadiri. Bakit? Kasi, tungkol daw sa abortion. Y’ong iba’t ibang paraan ng pag-a-abort sa may iba’t ibang edad na mga fetus. Maganda ‘yon! sabi ko sa sarili ko. Kasi, mas type kong pinapanood y’ong maraming nakikitang karumal-dumal. Pero mali ang inakala ko. Hindi ko akalaing ganoon y’ong content ng film.

‘Yan na! Papaakyat na kami sa media center. Masaya! Makakapag-review ako para sa recitation namin sa Araling Panlipunan. Mas importante ‘yon kesa sa film viewing. Kaya lang, no’ng papasimula na, sabi sa ‘kin ng classmate ko, kadiri raw talaga ‘yon. Kasi, actual na ‘pinapakita yung pag-abort ”daw”. S’yempre, ako, nagka-interest! ‘Yon pa mandin ang gustung-gusto kong panoorin, y’ong aktuwal. Katulad ng mga multo-multo. Gusto ko, y’ong talagang nakikita ko. Umpisa na! Yung mama do’n sa screen, kahit nakakaantok magsalita, madrama pa rin. ‘Ba! Marami akong natutunan do’n ah.

Habang pinapanood ko y’ong film, grabe! Halu-halo y’ong pakiramdam ko! Di ko alam kung mandidiri ako (hindi naman sya gaanong kadiri, slight lang!), o masusuka, o maiiyak. Speechless talaga ako! Pero kung isa-summarize ko lahat ng nararamdaman ko...isang salita lang ang mabubuo ko—awa. Maaawa ka talaga. Di ka matutulala dahil may nakikitang dugo. Matutulala ka dahil nakikita mo talagang pinapatay y’ong baby. Inaagawan ng buhay. Tinatanggalan ng karapatang huminga.

Meron talagan silang pinagbasihan ng title ng documentary film nila. SILENT SCREAM. May isang fetus. Nasa ultrasound lang s’ya, pinagmamasdan. Nung una, ganda pa ng puwesto niya. Napakakumportableng tignan. Wala siyang kamalay-malay na 30-60 minutes pagkatapos e wala na siya sa mundo. Napakainosente. ‘Tapos, no’ng ginagawa na y’ong operation, kitang-kita na ang likut-likot no’ng baby. Umiiwas talaga iya do’n sa apparatus na ginagamit. Pumupumiglas siya. Meron nang mga parte ng katawan y’ong bata. Meron na syang kamay, paa, bibig. Malaki na y’ong fetus. ‘Tapos, ‘yon na. Hinahatak na siya. ‘Tinuturo n’ong host y’ong bibig ng bata habang hinahatak siya. Ewan ko kung napansin ng mga kaklase ko ‘yon pero talagang parang umiiyak y’ong baby. Bumubukas y’ong bibig niya. Sumusigaw. Siguro d’on kinuha yung title. Habang ina-abort yung baby, y’ong baby na mismo ang sumisigaw, pero walang nakakarinig, o walang gustong makinig.

Naisip ko lang, bakit kaya may mga nanay na gustong patayin ang sarili nilang anak? Dahil ba sa kahirapan? Hindi handa? Ayaw ng responsibilidad? Kung titingnan natin, sa ibang bansa, ligal ang pag-a-abort. Bakit? Ano ba ang ‘pinagkaiba ng pag-a-abort sa pagpatay ng kapitbahay? Sa pagsira ng buhay ng may buhay? Sa pagkakait ng buhay sa isang inosenteng sanggol? Naisip ko, paano kung ang taong makakatuklas ng gamot sa AIDS e nai-abort na pala, kung ang taong makakadiskubre ng Yamashita treasure e pinatay na bago pa mabuhay, kung ang taong babago sa kasaysayan ng daigdig e tinanggalan ng karapatang mabuhay ng mga taong dapat e gagabay sa kanila?

Noon daw, 700 abortion ang nagaganap araw-araw—sa United States lang yan. Bukod pa y’ong sa ibang parte ng mundo. Pano kaya kung sa 700 na ‘yon e may isang taong sasagip ng isang milyong buhay? Walang nakakaalam.

Ano kaya ang pakiramdam ng tinanggalan ng pagkakataong makita ang labas na mundo? Ang sama n’on! Parang pinatay ka na bago ka pa makipag-away.

Okey sana ang mundo natin kung at least, binigyan natin ng pagkakataong mabuhay ang mga batang ito. At least, tinignan muna natin kung may maitutulong sila sa mundo. Okey sana kung hindi nagpaka-Diyos ang tao at inagawan ng karapatang mabuhay ang kapwa tao. Sana, ma-realize ng mga tao na Diyos lang ang may karapatang kumuha ng buhay ng isang nilalang.

 

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Mga Bayaning Inaapi, Etc.

SA ISYUNG ITO
Survivor: Senate
Utopia and Related Proposals

By Dennis Aguinaldo

Poverty and Corruption in the Philippine Bureaucracy
By Jayson Edward B. San Juan

Silent Scream
Ni Aika Pascual

Sino ang Matsing?
Ni Rodel Mayores

Longest Punishment
By Lilith Mae Orola

Paalam, Maximum Tolerance
Ni Armando Sinaglahi

KOLUM
Daluyong
Mong Palatino

Ligalig
Garry Rectin Lazaro

Alipato
Alexander Martin Remollino

BAYANI
Pagbagsak ng Isang Tala
May Isang Opisyal

NATATANGING TAMPOK
Jose Garcia Villa Makes It to: World Poetry: An Anthology of Verse from Antiquity to Our Time

By Alberto Florentino

MAIKLING KUWENTO
Kulob
Ni Rayts dc

PITAK
Greenpeace Ship Gives Lessons on Climate Change, Renewable Energy Alternatives
By Alfred A. Araya, Jr.

Rebellion in Catanduanes
By Perry M. Calara

Anti-Terrorism Bill: Another Attack on Civil Rights
GMA: Resurrection of Marcos --PCPR

TULA
Anak
Ni killerpogi
Tuta
Ni Alexander Martin Remollino
Tusok ng Karayom
Pasyon Para kay Lola Remedios

Ni Audrey Mae Alba
Imik/Himig/Himagsik
Ni Carlos Piocos III
Babala
Ni Ana Invicta

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved