v 17.0
Hulyo 30, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook
Dapat Idaan sa Senado ang MLSA
Ni Ederic Eder

ISANG KASUNDUAN ang Mutual Logistics Support Agreement (MLSA) na umano'y kasalukuyang niluluto ng Palasyo at ng Defense Department na magbibigay ng karapatan sa US military na magkaroon ng storage facilities dito sa Pilipinas.

Nakapag-leak sa media si Rep. Imee Marcos ng draft at final copies ng nilulutong kasunduan. Ayon sa mga dokumento, ang kasunduan ay naglalayong mas mapaganda ang operasyon at kahandaan ng puwersang militar ng Pinoy at ng Kano sa pamamagitan ng pinaigting na kooperasyong logistics.

Ayon kay Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona, dapat idaan sa Senado bago malagdaan ang MLSA. Mas nais niyang hayag sa publiko ang prosesong tutungo sa pag-aapruba rito, hindi kagaya ngayong halos walang ideya ang mga mamamayan tungkol sa nilalaman ng kontrobersyal na kasunduan.

Kabilang si Rep. Marcos, isa sa mga tumutol sa MLSA, gayundin sina Rep. Satur Ocampo at iba pang mga progresibong mambabatas, sa mga nangangambang palihim na malagdaan ang MLSA kasabay ng nalalapit na pagbisita sa bansa ni US Secretary of State Colin Powell.

Pinaniniwalaang may kapalit na biyayang makatutulong sa modernisasyon ng Tanggulang Pambansa ang pag-aapruba sa MLSA.

Halatang gustong madaliin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na gigil na gigil sa anumang US-RP cooperation, ang paglagda sa MLSA. Samantala, may mga reservation naman si Guingona dahil sa para nga namang ibinabalik unti-unti ang base militar kung ganitong makakapag-set up ng storage facilities para sa kanilang military supply ang pwersang Kano.

Hindi ba logical isiping maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit minadali rin ng Palasyo ang pagsibak kay Guingona bilang kalihim ng Ugnayang Panlabas? Tama man o hindi ang obserbasyong iyan, mabuti't naisapublikong muli ang isyu tungkol sa pagdadala ng usapin sa Senado.

Sa kabila ng patuloy na pagtanggi ng Palasyo na hindi ito hahantong sa pagkakaroon ng permanenteng base militar sa Pilipinas, kailangan nating maging militante.

Di ba't kamakailan lamang ay paulit-ulit na sinabi ng Palasyo na hindi nito iniaalok sa maka-Kanong si Blas Ople ang pagiging Kalihim ng Ugnayang Panlabas? Sino ngayon ang nasa tanggapnag iyon? Dati ay paulit-ulit din nilang sinasabi na hindi lalahok sa combat operations laban sa Abu Sayyaf ang mga sundalong Kano. Huling balita ko, binaril ng isang sundalong Kano nag isang pinaghihinalaang kasapi ng Abu Sayyaf.

Huwag sana nating isugal ang natamo nating kalayaan mula sa mga kuko ng Agila mahigit sampung taon na ang nakalilipas.

Magkaroon sana ng matinding public clamor upang mapilitan ang Palasyo na bigyang papel ang bayan sa pagpapasya sa isyung ito sa pamamagitan ng ating mga kinatawan sa Kongreso.


For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Kumusta na'ng Lagay Natin?

SA ISYUNG ITO
Assessing the Address
By Dennis Aguinaldo

When-Just-Getting-By-These-Days-Is-Already-Such-a-Pain Ramblings
By Dolor Labrador

Nasyonalismo, Pride, si GMA, at ang Pinas
Ni canis lupus fidelis

Tungo sa Isang Matatag na Republika
Ni JM Cerna

Dapat Idaan sa Senado ang MLSA
Ni Ederic Eder

Pagbabalik ng 'Gapo
Ni Alexander Martin Remollino

Pagbabalik-Tanaw sa Ipinagdiwang na Fil-Am Friendship Day
Ni Armando Sinaglahi

Troy and KC Montero Were Once My Neighbors
Ni Karla Maquiling

Para kay Pare
Ni Alym Escultura

Gunaw
ni Sherbien Dacalanio

KOLUM
Subersibo
Ni Michelle Licudine

Alipato
Ni Alexander Martin Remollino

BAYANI
Ilang Gayat ng Buhay ni Larry Alcala
Sa Alaala ni Kasamang Doreen Fernandez

MAIKLING KWENTO
Bakit Ako Laging Sinusundan ng Buwan?
Ni Daryl Ang Valenzuela

An E-mail from the Suburban Sardine Queen
By Christine A. Ongpin

PITAK
President Macapagal's SONA

US Soldier Shoots Moro Civilian
By the Bagong Alyansang Makabayan

Political Cliques in Camarines Sur
By Noe Caceres and Perry M. Calara

Arroyo’s Ouster or Defeat in 2004 Possible—Joma
By Ace Alegre

MGA KWENTONG PP2
Never Again
By Lynn Lopez

TULA
The Necrophiliac Lover of an Artist
By MXV Ong
Quickly Join Hands and Prepare
By Honey Pie Maniego
Not So Different
By Abril Tamin
Sabing Sabit-sabit (ni Super-Egong Agit)
Ni Erwin Lareza
Pasakalye sa Pintuan ng Sawsawang Suka na may Tatlong Siling Pula
Ni Paquito Lapid
Empatya
Ni Anj Mendoza

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved