v 17.0
Hulyo 30, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Tungo sa Isang Matatag na Republika
Ni
JM Cerna

NOONG NAKARAANG State of the Nation Address ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang tema nito ay ang pagbuo ng isang matatag na republika. Marami ang sumang-ayon sa tinuran ng pangulo ngunit marami rin ang hindi naniniwalang mangyayari iyon, gaya lang iyon ng mga dati nyang ipinangako sa kanyang nakaraang SONA.

Ngunit ano ba talaga ang ibig nyang mangyari sa ating bansa? Totoo ngang kaliwa’t kanan ang problema ng ating bansa. Andyan ang mga Abu Sayyaf, Tiwaling opisyales ng gubyerno, ang walang katapusang rally, ang PPA, ang ating ekonomiya at marami pang iba.

Ngunit ang pagbuo ng isang Matatag na Republika ay di malayong mangyari dahil ito ay magaganap kung lahat tayo ay makikipagtulungan sa pamahalaan. Ang hirap kasi sa atin puro kamalian ng gubyerno ang ating nakikita.

Imbes na ang positibong pananaw ang ating dalhin ay puro na lang negatibo ang ating tinitingnan. Nakakalungkot dahil kulang na kulang ang suporta ng mga tao sa ating pamahalaan. Kahit noong mga nakaraang administrasyon pa naman di ba? Nagsimula kay Ferdinand Marcos, Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada at ngayon sa administrasyon ni Pangulong Macapagal. Imbes na tulungan ay sinisira pa.

Kung tutuusin tayo rin ay maituturing na isang anay ng gobyerno kung lagi na lang ganito. Kung tayo lamang ay makikiisa at gagawa ng mga kapaki-pakinabang na mga bagay sa ating lipunan ay tiyak na makakatulong pa tayo. Maaari naman nating punahin ang gobyerno ngunit dapat ay sa maayos na paraan.

Naalala ko noong nag-usap kami ng aking kamag-aral, pinag-usapan namin ang tungkol sa mga nagwewelga sa aming unibersidad. Nasabi ko nalang na maaari naman kasing pag-usapan yan nang maayos, kesa naman sa mag-welga ka, ang dami pang nadadamay. Gaya na lang ng isa sa aming kamag-aral na walang kamalay-malay pero nabato sa ulo ng nagpo-protestang estudyante. Masakit isiping kailangan mangyari ang ganoon.

Bakit kaya di natin subukang makipag-usap nang mapayapa sa Pangulo o sa kanyang opisyales? Sa aking pananaw kasi, ang pagsasagawa ng welga o rally ay isang pagsasayang ng oras at tunay na nakakapagod.

Ang SONA ng Pangulong Arroyo ay punong-puno ng pag-asa. Wag lang tayong umasa sa mga gagawin sa atin ng gubyerno bagkus tayo rin sana ay kumilos upang mapaunlad ang bansang ito. Ang lahat ng sinabi ng Pangulo sa kanyang SONA mga gabay lamang sa ating bansa. Magkaisa tayo sa minimithi ng ating pamahalaan dahil tayo ay isa sa mga kasangkapan upang mabuo ang isang Matatag na Republika.

---------------
Si JM, 22, ay isang communication arts student sa University of the East. Mahilig siyang kumanta at makinig ng radyo at nais niyang maging broadcaster at singer balang araw.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Kumusta na'ng Lagay Natin?

SA ISYUNG ITO
Assessing the Address
By Dennis Aguinaldo

When-Just-Getting-By-These-Days-Is-Already-Such-a-Pain Ramblings
By Dolor Labrador

Nasyonalismo, Pride, si GMA, at ang Pinas
Ni canis lupus fidelis

Tungo sa Isang Matatag na Republika
Ni JM Cerna

Dapat Idaan sa Senado ang MLSA
Ni Ederic Eder

Pagbabalik ng 'Gapo
Ni Alexander Martin Remollino

Pagbabalik-Tanaw sa Ipinagdiwang na Fil-Am Friendship Day
Ni Armando Sinaglahi

Troy and KC Montero Were Once My Neighbors
Ni Karla Maquiling

Para kay Pare
Ni Alym Escultura

Gunaw
ni Sherbien Dacalanio

KOLUM
Subersibo
Ni Michelle Licudine

Alipato
Ni Alexander Martin Remollino

BAYANI
Ilang Gayat ng Buhay ni Larry Alcala
Sa Alaala ni Kasamang Doreen Fernandez

MAIKLING KWENTO
Bakit Ako Laging Sinusundan ng Buwan?
Ni Daryl Ang Valenzuela

An E-mail from the Suburban Sardine Queen
By Christine A. Ongpin

PITAK
President Macapagal's SONA

US Soldier Shoots Moro Civilian
By the Bagong Alyansang Makabayan

Political Cliques in Camarines Sur
By Noe Caceres and Perry M. Calara

Arroyo’s Ouster or Defeat in 2004 Possible—Joma
By Ace Alegre

MGA KWENTONG PP2
Never Again
By Lynn Lopez

TULA
The Necrophiliac Lover of an Artist
By MXV Ong
Quickly Join Hands and Prepare
By Honey Pie Maniego
Not So Different
By Abril Tamin
Sabing Sabit-sabit (ni Super-Egong Agit)
Ni Erwin Lareza
Pasakalye sa Pintuan ng Sawsawang Suka na may Tatlong Siling Pula
Ni Paquito Lapid
Empatya
Ni Anj Mendoza

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved