|
TULA
Sabing
Sabit-sabit (ni Super-Egong Agit)
Ni Erwin
Lareza
Sa harap ng
naglalamay
na bombilya, naglalaway
ang sabik na dila
sa instant coffee
mix. Naghahalo
ang pitik ng alas-onse
at kahol ng eskandalosong
aso. Napapailing na lang
ang Standard
electric fan. Tsk! Tsk!
Paling
sa loob-loob mo ang PAGTAAS (na naman!)
NG PRESYO NG GASOLINA na headline
sa binili mong tabloid kanina sabay
ng limang pisong pandesal.
(Paano na ang karera sa Ortigas
ng EDSA DOS at EDSA TRES
papuntang Mendiola?)
Sa Cubao may nasagasaan daw
habang trapik!
Halos mapa-Lintek ka!
nang mag-unahan
ang tagaktak ng pawis
sa iyong singit
nang maipit kanina
sa trapik dahil maraming
sumisingit.
Nang mag-go ang stop-
light, Lighter
lang ang katapat ng dyip mong karag-karag!
beep beep na singhal ng matapobreng
drayber (driver!) ng class na awto-
matikong Tang
Ina!
at hampas ng kaliwang kamay
ang inabot ng kanang sintido.
Plak!
Asintado!
Pisak!
ang lintang lamok-
(sambulat ang pulahang
dugong pinalapot ng poot
sa mga disipulo ni Adam Smith).
Kamot ka na lang nang kamot
sa noong kinunot ng pagkwenta
sa kakarampot na kinita. Kitang-
kita kita kung paano pagkasyahin
ang di kasyang pangbuhay
sa mga kasama sa bahay.
Sa asawat biyenan mong di man lang nagsawa
sa walang sawang pagpapaawa nina Thalia, Alicia,
at Loi Estrada; at sa halos linggo-
linggo na pag-attend sa rali ni El Shaddai
(Di ba nila napansing si Mike Velarde
at Joseph Estrada ay pinag-isang Jose Velarde?!).
Matagal-tagal
pang sisipol ang takureng
sinalang mo kanina. Binuksan
mo muna ang TV habang panay
ang hitit buga sa isang pula
kahit di ka na halos makasinga.
Saka tumambad ang sisinghap-
singhap na tongue to tongue
(in Tagalog tinga sa tinga!)
na daldalan ng baklang showbiz reporter
(na ang lumalabas sa bibig--titi;
ang pumapasok sa bibig--titi)
at ni Master Showman.
(Dagdag na latak sa utak
mong kinakalawang!)
Walanghiya
talaga! at talagang
walang hinay-hinay kung hiyain ka
ng walanghiyang aso sa hanay
ng mga kapitbahay.
Naisip mong
mahal na rin ang karne.
Ano kayat aso ang i-partner sa kape?!
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|