v 17.0
Hulyo 30, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Sa Alaala ni Kasamang Doreen Fernandez
Mula sa Concerned Artists of the Philippines
Hulyo 9, 2002

Kuha ni Stella Kalaw. Mula sa Sunday Inquirer Magazine noong Hulyo 28, 2002.

YUMAO ka sa ibang bansa, at ni hindi namin nasilayan ang iyong katawan.

Abo ka nang iuwi sa bayang minahal, sa bayang pinag-alayan ng iyong makabuluhang panahon, talino at paninindigan. Abot-abot ang papuri sa iyong mga sinaliksik, sinulat, sinuri, ginampanan.

Nagpugay ang balana dahil ikaw ay mangingibig ng mabuting pamumuhay, mabuting pagkain, mabuting sining. Bayaang umabot sa iyo, Kasamang Doreen, ang pahimakas na ito, at ihatid ka sa dambana ng ating mabubuting bayani. Ang “atin” ay ang mga hindi mo kauri-sa-pagsilang ngunit sinikap mong makaniig sa kinalaunan. Ang “atin” ay ang masang inari mong kasama sa tunggalian ng tama at mali, ng katotohanan at kasinungalingan, ng katarungan at kawalang-katarungan, ng rebolusyon at reaksyon. Nakakintal sa aming kamalayan ang kamalayan mong uhaw na matuto. Ano ba ang imperyalismo, ang pyudalismo, ang brurukratang kapitalismo… Mga bagitong mag-aaral tayo noon ng abakada–abakada ng pang-aapi at pagsasamantala ng tao sa tao.

Di namin malilimutan ang iyong mabini ngunit laging naroong-ngiti sa mga panahong abala ka at ang ilan pang kasama sa Palihang Aurelio Tolentino.
Mga kabataang mandudula ang ninais ninyong sanayin sa tradisyon ng sedisyosong tanghalan. At nang ipataw ang batas militar, lalo ka pang naging matatag. Lalo mong ibinukas ang iyong tahanan, rekurso at kakayahan para sa kilusang mapagpalaya. Hindi ka nangiming makiisa sa libong pagpupunyagi ng mga mandirigma sa lunsod at parang. Kumilos ka nang hayag sa panahong naglipana ang panganib. Kumilos ka nang lihim sa panahong nakaamba ang kamatayan.

Kasama ka naming nagluksa sa pagpanaw ng mga kasama. Kasama ka naming nag-aruga sa mga nadakip. Kasama ka naming nagpiging sa mga mumunting tagumpay, gaya ng paglabas ng ating mga lihim na publikasyon, ng ating mga iglap na pagtatanghal, ng ating mapanlikhang senakulo sa Luneta habang nakamasid ang sensura at nakamulaga ang mga sundalo ng pasismo.

Darating din ang panahong maihahayag ang kabuuan ng iyong kabayanihan at paglilingkod sa sambayanan, Kasama.

Samantala, sa iyong alaala ay aming pinagtitibay ang kapasyahang isulong ang simulaing pinagsamahan natin. Walang pinakamainam na parangal sa gaya mo kundi ang kamtin ang tagumpay.

9 Hulyo 2002
Mula sa Concerned Artists of the Philippines (CAP)
#65A 10th Ave., Cubao, Quezon City
Tel/Fax no: 421-1880

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Kumusta na'ng Lagay Natin?

SA ISYUNG ITO
Assessing the Address
By Dennis Aguinaldo

When-Just-Getting-By-These-Days-Is-Already-Such-a-Pain Ramblings
By Dolor Labrador

Nasyonalismo, Pride, si GMA, at ang Pinas
Ni canis lupus fidelis

Tungo sa Isang Matatag na Republika
Ni JM Cerna

Dapat Idaan sa Senado ang MLSA
Ni Ederic Eder

Pagbabalik ng 'Gapo
Ni Alexander Martin Remollino

Pagbabalik-Tanaw sa Ipinagdiwang na Fil-Am Friendship Day
Ni Armando Sinaglahi

Troy and KC Montero Were Once My Neighbors
Ni Karla Maquiling

Para kay Pare
Ni Alym Escultura

Gunaw
ni Sherbien Dacalanio

KOLUM
Subersibo
Ni Michelle Licudine

Alipato
Ni Alexander Martin Remollino

BAYANI
Ilang Gayat ng Buhay ni Larry Alcala
Sa Alaala ni Kasamang Doreen Fernandez

MAIKLING KWENTO
Bakit Ako Laging Sinusundan ng Buwan?
Ni Daryl Ang Valenzuela

An E-mail from the Suburban Sardine Queen
By Christine A. Ongpin

PITAK
President Macapagal's SONA

US Soldier Shoots Moro Civilian
By the Bagong Alyansang Makabayan

Political Cliques in Camarines Sur
By Noe Caceres and Perry M. Calara

Arroyo’s Ouster or Defeat in 2004 Possible—Joma
By Ace Alegre

MGA KWENTONG PP2
Never Again
By Lynn Lopez

TULA
The Necrophiliac Lover of an Artist
By MXV Ong
Quickly Join Hands and Prepare
By Honey Pie Maniego
Not So Different
By Abril Tamin
Sabing Sabit-sabit (ni Super-Egong Agit)
Ni Erwin Lareza
Pasakalye sa Pintuan ng Sawsawang Suka na may Tatlong Siling Pula
Ni Paquito Lapid
Empatya
Ni Anj Mendoza

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved