|
Pagbabalik-Tanaw
sa Ipinagdiwang na Fil-Am Friendship Day
Ni Armando Sinaglahi
KAIBIGAN KONG
Sam, kumusta ka na? Maayos ba ang iyong kalagayan? Ang akdang ito'y
alay ko sa iyo. Ako ang kaibigan mong si Juan.
Ilan daang taon
na rin simula noong tayo'y unang magkakilala, magkakuwentuhan, at
magpalit ng kaalaman--lubha pa nga ang dami ng ibinahagi mong mga
kaalaman sa akin, lalo na yaong mga hindi ko naman kailangan.
Kumusta na ang
buhay mo? Buhay pa ba ang iyong magagarang sasakyan? Natitiyak kong
labis kang nalilibang diyan; kumakain ng kung anu-anong masasarap
na pagkaing hindi malaman kung papaano bibigkasin ang mga pangalan,
habang malamig ang simoy ng hangin dahil sa dalawampung erkon na
ipinakabit mo sa bahay mo. Walang duda, mas engrande pa ang handaan
kapag may "mahalagang okasyon".
Kamusta ka,
kamusta ka? Puro naman yata "kamusta ka"! Paano naman
ang sa kalagayan ko? Katulad ng dati, wala pa rin akong trabaho,
palaging binabaha ang tirahan ko, walang kuryente, walang tubig,
walang pagkain. Nakakalungkot talaga.
Kumusta ka na
nga ba? Kumusta na ang iyong mga laruang nukleyar? Kumusta na ang
mga ilog na tinatapunan mo ng kung anu-anong kemikal? Kumusta ang
iyong mga berdugong pumapatay ng kung ilan daang bilyong mga tao?
Ang iyong space station na halos lahat yata ng sinaliksik ay pawang
kasinungalingan?
Ang mga traydor
kong kaibigang naglilingkod sa iyo?
Kumusta kaya
ang aming kinabukasan?
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|