v 16.0
Hulyo 4, 2002  

Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

MULA SA PATNUGOT
Tutang Ina N'yo!

ANG INA ng Bayan ay inaasahang mangangalaga sa kapakanan ng kanyang anak. Ngunit paano kung ang siya'y sunud-sunuran na lamang sa isang tiyuhing pakialemero't palaaway?

Super sad ang ganoon, siyempre. Ngunit sa kasamaang palad, ito'y nangyayari sa ating bansa ngayon.

Binabaligtad ng kasalukuyang pamunuan ang mga pasulong na hakbang natin tungo sa tunay na pagsasarili. Ang pagkakapasa sa Visiting Forces Agreement sa panahon ng noo'y acting president Joseph Estrada ay itinuturing na malaking dagok at insulto sa ating pagsasarili matapos sipain ng ating Senado ang proposal para sa pananatili ng US military bases sa ating bansa.

Ngunit sa panahon ng mahal nating si Ate Glo, nakalusot ang Balikatan 02-1, na kaagad sinundan ng Balikatan 02-2 at nanganganib na tuluy-tuloy na masundan ng marami pang Balikatan sa loob ng limang taon sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Pero akala n'yo ba Balikatan lang? Sorry na lang tayo dahil pailalim pang niluluto ang Mutual Support Logistics Agreement (MLSA) na magpapahintulot sa pagkakaroon ng US military ng mga storage facility sa ating bansa.

Kaya naman naniniwala kami na totoo ang haka-hakang nasagap ni Lisa Ito ng Philippine Collegian at binanggit niya sa kanyang artikulong Puppy Love: magli-live in na raw ang Ina ng Bayan at ang lover niyang si Uncle Sam.

Hmmm, baka naman nagiging malisyoso lang tayo. Friends lang sila, kayo naman! Sa totoo lang, di ba't Fil-Am Friendship Day ngayon? Ah, whatever! Marami naman talagang denial king and queen sa mundo. Ngunit ayon kay kaTinig na Dennis Aguinaldo sa kanyang Friendship Day Rants, ang friendship kuno na yan ay inimbento lang ng mga dating pinuno para makapagpa-cute sa kanilang mga among Kano.

Pero mabalik tayo kay Ate Glo: sobrang love niya si Uncle Sam talaga. Lahat ay gagawin niya para magtagumpay ang layunin ng Kano rito. Pati pagsibak niya kay Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas ay brutal at minadali. Ito kasing si Tito, kahit kadalasa'y napipilitang mag-bow na lang sa kanyang Ate, ay hindi pa rin magawang tuluwang iabandona ang kanyang paninindigan. Dahil tunay at makabayan at ang prinsipyo'y pinanday na ng karanasan at kasaysayan, nakikita ang ng Pangalawang Pangulo ang kadalasa'y di nakikita ng mga taong in love na in love gaya ni Ate Glo. So obviously, susupalpalin ni Tito ang nilulutong MLSA. Eh, siyempre, di pupuwede yun! Kailangang makapasok nang maluwag si Uncle Sam dito dahil baka ma-bad trip pa eto at hindi suportahan si Ate Glo sa 2004. So yun, foreign affairs adviser na lang daw si Pangalawang Pangulong Guingona. si Ate Glo muna ang uupo habang nililigawan pa si Blas Ople para pumalit sa nabakanteng posisyong lubhang mapagpasya sa mga usaping US-Pilipinas.

Pero teka muna? Bakit ba gigil na gigil tayo sa closeness ni Ate Glo at Uncle Sam, at bakit isinusuka natin ang Balikatan? Sa Tinig.com v11 ay nasagot na natin iyan, at nais natin ngayong i-quote si Pangalawang Pangulong Guingona: "Hindi kami anti-American. Kami ay pro-Pilipino lamang." Samantala, may sagot din si Professor Roland Simbulan ng Yonip.com sa kanyang artikulong US Intervention: An Exercise of Sovereignty?. Harinawa'y hindi maganap ang ipinta niyang madugong posibleng mangyari, ngunit sa huli'y hindi natin masasabing hindi tayo pinaalalahanan.

Ilang artikulo, kwento at tula pa rin na may kaugnayan sa di-pantay na ugnayan ng US at Pilipinas ang nasa isyung ito, kabilang ang iba pang regular na bahagi ng Tinig.com

Sana'y hindi kayo nababanas gaya namin kapag naririnig ko sa naririnig ninyo sa Ingles ang "You're either with us or you're with the terrorists!" na awtomatikong nasasalin sa Filipino nang ganito: "Hindi ka Pilipino kung tutol ka sa Balikatan...isa kang Abu Sayyaf-lover!"

At kapag dahil sa pagtutol namin sa kasalukuyang ugnayan ng Ina ng Bayan at ni Uncle Sam ay tatawagin kaming mga terorista, ganito lang ang aming sagot: Tutang ina n'yo!

Hanggang sa muli,

Ederic Peñaflor Eder
Patnugot, Tinig.com.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Tutang Ina N'yo!

SA ISYUNG ITO
Friendship Day Rants
By Dennis Aguinaldo

Puppy Love
Ni Lisa C. Ito

Timbangan
Ni Sherbien Dacalanio

US Intervention: An Exercise of Sovereignty?
By Professor Roland G. Simbulan

Mother's Abhorrence
By Rayts dc

KOLUM
Daluyong
Ni Mong Palatino

Alipato
Ni Alexander Martin Remollino

MAIKLING KWENTO
Cable TV
Ni Carlos M. Piocos III
Afternoon Ink Polaroids with John Paul Fredeluces
By Adam David

PITAK
Protest Groups Mark Independence Day with Call for US Troop Pullout
By Alfred A. Araya Jr.

MGA KWENTONG PP2
A Letter from Manila
By Barnard C. Balquiedra

TULA
Acquittal
By MXV Ong

Patay na Bituin
Ni Alexander Martin Remollino

Sa Dating Kalaro
Ni Ronald Atilano

Tubig ng Langit
Ni Ron Dalofin

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved