v 16.0
Hulyo 4, 2002  

Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

Puppy Love
Ni Lisa C. Ito
Unang nalathala sa Philippine Co
llegian
Hunyo 28, 2002

KAKAIBA TALAGA ang love mode ni Ate Gloria.

Blind item: napakasuwerte nitong long-time lover ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas dahil unconditional, slow to anger at hopelessly devoted si Ate Glo sa kanyang object of affection. Kilala n'yo ba siya? Pustahan tayo na mas mahal pa niya si [bleep] kaysa kay First Gentleman Mike, Diosdado, o kahit kay Luli. Bet ko nababalisa at natutulala siya sa tuwing maghahamon ng break si [bleep].

Dalawang mayor na sintomas ng karamdaman ni Ate Glo:

Symptom #1: Walang pangit sa mga mata ng taong in love. Dead na dead si Ate Glor kay [bleep], therefore walang dapat makitang pangit, maging sa hitsura o sa ugali, nitong si [bleep]. Kahit isang exercise in futility na mapatunayan na itoing kalaguyo ni Ate Glo ay tapat, dalisay, atbp. Mayaman pero saksakan ng kunat itong si [bleep]. Pinagkakagastusan pa ni Ate Glo ang pagma-make-over sa kanyang less-than-flawless lover. Ilang samples mula sa shopping list ni Ate Glo:

  • P24 milyon para sa serbisyo ng Burson-Marsteller (isang malaking foreign Public Relations agency) para ma-package ang mga tropang US sa Balikatan 02-1 bilang mabait at mapagkawanggawa. May matching propaganda photos/glamour shots pa ito. (category: deodorant).
  • P10 milyon para sa mga palamuti, dekorasyon at parada noong pagdiriwang ng Araw ng "Kalayaan". (category: cosmetics).

Todo-abono si Ate Glo. Kung sabagay, mahal talaga ang magparetoke ngayon. Ang nakakaturn-off kay Ate Glo, may double standard siya. Proof:

Afford niyang ipa-cosmetic surgery si [by now dapat kilala n'yo na siya], pero hindi niya kayang maglaan ng kiwa para maayos ang pangit nating sistemang agraryo. Wala nang textbook, classroom at teacher ang mga pinag-aaral niya. Walang panggastos sa general surgery ng mga pangit na government official at militar. (Bawal kayang sabihin na magkasing-pangit sina Gloria, Erap at Marcos--na sila'y magkakaibang maskara sa iisang mukha?

Kapag winaflung mo ang kanyang kowa, madz, deds ka. Tatawagin ka pang grand convenor ng Abu Sayyaf fans club, terorsita, pangugulo, sagabal sa pag-unlad, abala sa trapiko at kontra-Pilipino.Halos wala naman siyang pinagkaiba sa mga presidente ng nakaraang dekada. noon, ang sinumang tumutol sa kakaibang relasyon ng matsing at ng agila ay tatawaging magnanakaw, tulisan, komunista, bandolero o pirata. (Kaya kung balak ninyong karirin si Ate Glo, tiyakin na magkasundo rin kayo ni [nahulaan nyo na ba?].)

Symptom #2: Love forgives and forgets. Kaya nga panay forgive and forget si Ate Glo sa mga atraso ni [bleep]. Madalas nga ay napagkakamalan na siyang San Lorenzo (martir kasi), octogenarian (uliyanin kasi) o model ng Alpo (tuta kasi). Partial na listahan ng mga pinalampas ni Ate Glo:

  • Ang haggard at cruel na pagpaslang sa libu-libong mga Pilipino noong Digmaang Pilipino-Amerikano.
  • Ang toxic wastes, sexually transmitted diseases at human rights violations na ikinalat ng mga sundalong US bago pinatalsik ang base militar nila sa bansa noong 1992.
  • Ang Visiting Forces Agreement na naapprove ng karibal ni Ate Glo na si Erap (na nagbigay rin ng ilang mansion kay [bleep. Kilala n'yo na].)

Kakaiba talaga ang karelasyon ni Ate Glo. Sa kanilang love affair, may dominante at may dehado. Kaya ganoon na lang ang pagtingin ko kay Ate Glo: balisang romantiko na adik kay Uncle Sam. hindi pag-ibig kundi kahibangan. Pero alam n'yo ba kung ano ang latest update sa kanialng matamis na pagsasama? Magli-live in na raw sila.

----------------
Si Lisa ay Patnugot sa Balita ng Philippine Collegian.

 

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Tutang Ina N'yo!

SA ISYUNG ITO
Friendship Day Rants
By Dennis Aguinaldo

Puppy Love
Ni Lisa C. Ito

Timbangan
Ni Sherbien Dacalanio

US Intervention: An Exercise of Sovereignty?
By Professor Roland G. Simbulan

Mother's Abhorrence
By Rayts dc

KOLUM
Daluyong
Ni Mong Palatino

Alipato
Ni Alexander Martin Remollino

MAIKLING KWENTO
Cable TV
Ni Carlos M. Piocos III
Afternoon Ink Polaroids with John Paul Fredeluces
By Adam David

PITAK
Protest Groups Mark Independence Day with Call for US Troop Pullout
By Alfred A. Araya Jr.

MGA KWENTONG PP2
A Letter from Manila
By Barnard C. Balquiedra

TULA
Acquittal
By MXV Ong

Patay na Bituin
Ni Alexander Martin Remollino

Sa Dating Kalaro
Ni Ronald Atilano

Tubig ng Langit
Ni Ron Dalofin

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved