v 16.0
Hulyo 4, 2002  

Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

MAIKLING KWENTO
Cable TV

Ni Carlos Piocos III

NAKAKAINIS! HINDI na naman ako nakatulog kagabi, kasi nanaginip ako! Ang kaso, hindi ko na matandaan iyong panaginip ko. Hindi naman ako binangungot. Kasi kung binangungot ako, malamang hindi lang ako nanaginip, nadedo na ako. Pero, since hindi ako binangungot, nanaginip lang ako. Kasi nga hindi ako makatulog. Actually, nakatulog na ako, paano naman ako mananaginip kung hindi ako nakatulog di ba? Pero, hindi na ako makatulog ulit, pagkatapos kong managinip. Iyong panaginip ko naman, hindi naman siya gaanong nakakatakot. Hindi ko nga natatandaan iyong napanaginipan ko, di ba? Basta parang nainis lang ako sa panaginip ko. Pero hindi ko alam iyong napanaginipan ko.

Iyon nga nainis ako. Kaya alas-tres nang madaling araw ay nagising ako. Bumaba ako. Nagulat sa akin iyong kaibigan kong multo. Bakit ako nagising, e dalawang oras pa lang ako nakatulog? Pati tuloy siya nagising rin. Pero di niya ako minulto, kasi nga nauna akong nagising sa kanya hindi ba? Paano pa ako matatakot sa kanya e nadatnan ko siyang natutulog? Kung nakatayo siguro siya, tapos naka-amba iyong dalawang kamay niya sa akin, tapos, galit iyong hitsura niya tapos labas pati pangil niya, di dapat matatakot ako sa kanya! Kaya lang nanaginip ako, tapos nainis nga ako sa pinaginipan ko, hindi ko na nga matandaan, basta nanaginip lang ako. Tapos bumangon na nga ako dahil, di ba nga nainis ako sa pinaginipan ko, tapos iyon nadatnan ko na siya, tulog, e gising, e nagising ko pala siya. Hindi nga siya nakakatakot di ba. Dahil una, kaibigan ko siya. Tinatakot niya ako, pero alam mo na hindi naman niya ako talaga kinakain. E, paano niya ako kakainin, e wala naman siyang ngipin. Pangil meron, pero ngipin wala. Bakit may pangil siya, tapos wala siyang ngipin? E, hindi naman niya kailangan ng ngipin para manakot di ba, pangil lang! Kaya nga lang dahil sa kaibigan ko siya at nadatnan ko siyang natutulog, paano pa ako matatakot sa kanya? Tapos, tulo pa iyong laway niya habang bukas iyong bibig niya tapos mukha pa siya palaka. Paano ka naman matatakot doon?

Well, yun na nga! Wala lang akong magawa. Hindi ko naman kasi gawain ang manggising ng multo tuwing hindi ako makatulog e, kaya hindi ko alam ang gagawin ko! Kaya yun nanood na lang ako ng tv. Tumingin ako ng palabas sa TV. Grabe pare, ang ganda ng palabas sa Channel 2 at 7. Meron silang art special, yun isang oras na broadcasted art exhibit ng mga painting na impressionists. Grabe pare ang ganda, biruin mo iyong mga impressionist painting walang kulay. Black, white at gray lang. Oo, impressionism iyon. Astig pare! Postmodern cum impressionism, mayroon bang ganun? Iyon nga pagmamasadan mo lang iyong mga dotted lines, tapos iyong orientation ng mga black and white areas, tapos yun makikita mo iyong sarili mo. Galing pare. Sino kaya yung nag-paint nito, kanino kayang konsepto ito, grabe galing kasi e. Sandali saan ba iyong pirma ng painter, sandali…wala talaga e. Teka lang, ha, dapat nag-sign out na ang ABS-CBN ngayon ha.

Inilipat ko muna sa HBO. Marami kasing magagandang pelikula sa HBO tuwing gabi. Actually, hindi naman talaga magaganda. Wala lang! Iyong mga pelikulang hindi mo kilala iyong mga artista, iyong direktor, kahit iyong producing outfit. Tapos walang gaanong istorya, parang pinagpuyatan lang. Wala lang! Iyon nga, hindi ba dito nagsisimula iyong mga nangangarap mag-Hollywood sa mga ganitong pelikula! If I know, bago pa sumikat si Leonardo DiCaprio, binilad muna niya iyong titi niya sa Total Eclipse of the Heart, bago siya nag-Titanic, yung pelikula, hindi yung titi. Tapos, hindi ko lang alam, pero si Kate Winslett yata, ilang beses na pinakita iyong suso niya bago siya nag-Titanic, yung pelikula ha, hindi yung suso. Okay lang naman iyon sa kanila, di ba. Kasi once na humarap ka sa kamera at gumawa ng sining (quote, unquote), nagiging komoditi ka na. Wala ka nang pinagkaiba sa Coke o Master Sardines. Essentially, ganun na rin iyon di ba? Hindi ba?

Yun nga, nanood nga ako ng mga mukhang minadaling pelikula. Iyon nga kasi nabasa ko, iyong direktor, iyong editor, scriptwiriter, producer, stuntman, iisa, pati pala kameraman, parang ayun, hawak niya yung kamera, tapos siya rin yung kinukuhanan ng kamera. Ang saya di ba? Kung ipa-package siyang komoditi, siya yung all-in-one, new and improved super revitalized with RH34 Tide powder (walang chalk)! Iyon nga, natapos na iyong pelikula. Sumunod iyong isa. Wala lang, nagse-sex yung dalawa. Walang mukha e, sandali lang ha, teka, wala ring mga titi, e! Paano sila nagse-sex e wala silang mga titi? Malay, basta parang nararamdaman ko lang nagse-sex sila! Iyon natapos iyong pagse-sex nila. Tapos, tapos na! Tiningnan ko iyong film credits, tapos blank screen lang yung lumabas. Grabe pare, sandali, may lumalabas, sexmate no.1 as sexmate no.1, sexmate no.2 as sex mate no.2, directed by the director, screenplay by the scriptwriter, produced by the producer. Kilala ko ba sila?

Tapos, nagpatalastas. Hindi ko nga alam, e, pero may patalastas na pala ang mga cable channels ngayon. Una, yung fastfood chain. Grabe, sarap na sarap iyong buong pamilya sa burgers, fries and chicken. Grabe, sarap na sarap sila, tumutulo pa iyong mantika, punung-puno ng ketchup iyong manok, grabe, sarap na sarap sila, tapos, plastik lang pala iyong kinakain nila. Pero, promise, sarap na sarap pa rin sila! Tapos sumunod iyong mga damit, na nirarampa ng mga naglalakad na mga skeleton. Oo, mga skeleton na naglalakad,este, rumarampa pala. Iyong isa nakasuot ng jacket, pero see-through yung pelvic bones at yung ribs niya. Yung isa walang ibang suot, naka-medyas lang , tapos may malaking headband sa bungo niya. Galing, pare! Tapos may flash news pa. Iyong nagbabalita, ang lakas ng boses. Sigaw nang sigaw. Grabe ang ingay, sigaw ng sigaw! BIN LADEN, PUMUNTA SA MASQUERADE PARTY BILANG US PRESIDENT! BAGONG SOFTWARE PROGRAM WITH BUILT-IN POISON GAS, BUMENTA! MANNEQUIN, BEST ACTRESS SA OSCARS! COUNTERSTRIKE, TOTOONG TERORISTA SA VIDEOSTATIONS ANG GINAMIT! BURATNEY SPHINX, NI-LAUNCH ANG INHALE, EXHALE ALBUM!

Tapos sumunod naman, drama. Grabe pare, ang galing umarte ng lead. yung babae, as in sobrang umiiyak. Una tumulo iyong luha niya, gumuhit iyon sa pisngi niya tapos nagkakorte na. Iyong una, mga simple lang, heart, sun, apple, banana, star, tapos grabe as in over, ang galing, naghugis Nike, Adidas at Converse logo iyong luha niya sa pisngi. Tapos hindi lang iyon, pare, naghugis Mickey Mouse ang Minnie Mouse din, tapos nagsasayaw yung dalawang daga. Grabe ang galing talagang lumuha ng lead. Tapos susunod, hindi lang luha iyong nilalabas niya. Parang mga nagsulputang mga tagyawat iyong mga pawis niya. Grabe, bilog na bilog na bilog, parang earth. Pero hindi nga pala bilog ang earth, parang trixial spheroid pala iyong mga parang tagyawat kung magsulputang mga pawis niya. Tapos tumulo rin yung pawis niya. Tapos tumulo rin yung sipon niya. Tapos tumulo rin yung luga niya. Tapos tumulo rin yung laway niya. Hanggang lumuha na siya ng dugo!Pare ang galing, talo pa si Nora Aunor (Walang Himala!) kung umiyak ng dugo, pare. Talo pa si Mama Mary (Santa Marya, Ina ng Diyos…) kung umiyak ng dugo, pare. Ang galing-galing niya talaga, promise.

Tapos nagpatalastas na naman. Oo, mga up-and-coming movies naman 'to. yung isa, adventure. Ang title - Planet of the Temptation Island of the Survivors CMXII. Oo, pare, ang galing oh! Ipinagbenta na iyong earth sa mga aliens. Grabe, sinakop tayo ng mga aliens. yung unang pumunta lang rito yung mga aliens para tulungan tayo with their gadgets and that sorts of stuff. Tapos tinuruan tayong magsalita sa alien language. Grabe, parang ganito yung sabi ng bida, oh - me-di-du-po-gi-gi-ha-ha-bu-la-tim-buk-tu! Tapos nagmukha na rin siyang alien. Tapos, pinakain din tayo ng alien rice, alien water, alien fried chicken, alien ang lahat. Oo, naging alien ang lahat. Kaya nga Planet of the Temptation Island of the Survivors CMXII, di ba! Kailan kaya ang showing nito (- Now on Your Nearest Theaters and Drugstores!)?

Pagkatapos niyon, war film naman ang sumunod. Grabe Kadiri to death… patayan, barilan, sampalan (oo, pare, nagsasampalan sila ng riple), sabunutan at pakikipag-sex. (grabe, pare, hanggang dito may nagse-sex pa rin. Iyong heneral nakikipag-sex sa isang sundalo sa gitna ng warfield, pare. Astig!). Malalakas iyong mga baril at explosions. Ang ganda ng setting. Sabog-sabog-sabog! Durog-durog-durog! Yung mga bahay sabog! Yung mga artista (quote,unquote) durog! Tapos may pool pa ng dugo. As in, pulang-pulang dugo. Andaming dugo, parang niregla ang lupa! Tapos nagsi-swimming pa iyong mga sundalo. Iyong iba naka-trunks, (camouflage ang design!) parang male cover version ng Sports Illustrated Swimsuit Special. Grabe, ang galing din ng acting nila kasi walang namamatay. Iyong isa, hawak iyong putol na paa, iyon yung pinambabaril niya. Iyong isa, naman pinambala ng kanyon iyong pugot na ulo niya. Pinakaastig iyong bida, naglalakad sa ere iyong bida. Grabe, nasa kanang balikat niya iyong red-lion-super-over-mega-dynamic blaster, nasa kaliwang balikat niya iyong crouching-tiger-hidden-dragon na samurai-x(rated)-sword pero hindi niya ginagamit. Naglalakad lang siya sa ere tapos nangangarate. Grabe, ang galing, talo pa si Jesus, hindi lang naglalakad sa tubig, nag-cha-cha pa sa hangin. Tapos nangangarate siya kasi nga black belter iyong bida sa pelikula. Paano ko nalaman? E may itim na belt sa balakang nu'ng bida! Iyong nga, kinarate-kid niya iyong mga kalaban, pati iyong mga kasama niya. Walang namatay, kasi nga wala naman talagang namamatay. Humihiga lang iyong natatalo ng bida, tapos pipikit tapos mayamaya makikipag-sex na rin sa heneral. Grabe nga e, ang dami ng nakikipag-sex sa heneral, hanggang ang lahat ay nakikipag-sex na sa heneral. Pati iyong bida, nakikipag-sex na rin sa heneral. Orgy, pare, orgy! Ayun pala ang titulo ng pelikula, Make Love Not War. Astig pare, war film pala siya!

Tapos, tapos na yata ang pelikula. Hindi may susunod pa. Teka napalabas na 'to kanina pa e… paulit.. ulit.. ulit… ulit… ulit…

Pinapatay ko ng remote control iyong tv, pero hindi siya mapatay. Naiinis na ako! Paulit (…ulit.. ulit… ulit… ulit…) na lang iyong mga pelikula. Naiinis na ako! Dinampot ko iyong tsinelas ko, tapos binato ko sa screen.

Sumabog(BOG!) iyong TV…

Nanahimik ang buong kabahayan.

Bumangon na ako.

Nag-unat.

Nagkuskos ng mata.

Saka naghilamos.

------------
Si Carlos ay kasapi ng UP Ugat.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Tutang Ina N'yo!

SA ISYUNG ITO
Friendship Day Rants
By Dennis Aguinaldo

Puppy Love
Ni Lisa C. Ito

Timbangan
Ni Sherbien Dacalanio

US Intervention: An Exercise of Sovereignty?
By Professor Roland G. Simbulan

Mother's Abhorrence
By Rayts dc

KOLUM
Daluyong
Ni Mong Palatino

Alipato
Ni Alexander Martin Remollino

MAIKLING KWENTO
Cable TV
Ni Carlos M. Piocos III
Afternoon Ink Polaroids with John Paul Fredeluces
By Adam David

PITAK
Protest Groups Mark Independence Day with Call for US Troop Pullout
By Alfred A. Araya Jr.

MGA KWENTONG PP2
A Letter from Manila
By Barnard C. Balquiedra

TULA
Acquittal
By MXV Ong

Patay na Bituin
Ni Alexander Martin Remollino

Sa Dating Kalaro
Ni Ronald Atilano

Tubig ng Langit
Ni Ron Dalofin

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved