TULA
Patay na Bituin Ni Alexander Martin Remollino
Nabasa ko sa
aklat ng agham
ang tungkol sa liwanag
ng mga bituing matagal nang pumanaw,
at aking napagtantong
minsan ang kalayaan
ay isang patay na bituin,
inaakalang nariyan pa
subalit malaong wala na pala,
at yaong liwanag sa langit ng bayan
na napagkakamalang sa langit nagmumula
ay ang nakararahuyong kislap lamang
ng gintong tanikalang pinakintab nang husto
upang magliwanag na gaya ng laya.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.