v 15.0
   

Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

Ang Dalagita at ang Binatilyo
Ang lihim na pag-iibigan nina Pepe Rizal at Segunda Katigbak
Isinadula ni Alberto Florentino
Batay sa "Memorias de un Estudiante"
Sinulat ni Jose Rizal

Para kay Leila,
na siyang unang gumanap dito
sa papel na Segunda
(kasama si Ariosto Reyes bilang Pepe Rizal)

© 2000 Karapatang-ari
Ang Dalagita at ang Binatilyo
Isinadula ni Alberto Florentino

(Ang kalsada patungong Batangas. Makikita sa malayo ang isang binatilyo
na nakasakay sa puting kabayo.)

TAGASALAYSAY: Noong kanyang kabataan, mula 1878 hanggang 1881, sumulat si Jose Rizal ng isang talambuhay,"Memorias de un Estudiante," tungkol sa kanyang buhay bilang isang mag-aaral sa Ateneo sa Intramuros, Maynila. Ginamit niya ang sagisag na "P. Jacinto."

Ang susunod na madulaing tagpo--na tawagin nating "isang dagli," na may pamagat na "Ang Dalagita't ang Binatilyo," na kinatha ni Alberto Florentino batay sa nasabing talambuhay--ay tungkol sa samandaling pakikipag-kaibigan at pakikipag-ibigan ng binatilyong si Pepe Rizal at dalagitang si Segunda Katigbak.

Unang itinanghal itong maikling dula noong 1970s sa Rizal Park Open-Air Auditorium sa Luneta, sa direksiyon ng mandudula. Ang gumanap ay sina Ariosto Reyes, sa papel na Pepe Rizal, at Leila Florentino, sa papel na Segunda Katigbak.

Ang Dalagita't ang Binatilyo
Isinadula ni Alberto Florentino

Panahon: 1882

Pook: Sa harapan ng Colegio de Concordia sa Intramuros, Maynila

(Mangyayari ang eksena sa harapan ng Colegio de la Concordia sa Intramuros, Maynila, taong 1882. Sa likod, Makikita sa likod ang iskwela. Isang maliit na glorietta na may iskayolang inuman ng mga kalapati. Isang bahay-kalapati at mga kalapati na naglisawa't nagliligawan, naghahabulan, naglalaro, at umiinum sa tubigan.

Si Pepe ay may 19 taong gulang at si Segunda, 16 o 17.

Si Segunda ay nakasuot ng isang Maria Clara. Papasok siya na kasama ng
ilan sa kanyang mga kaiskwela at kaibigan na nakasuot ng uniporme ng kanilang eskuwela.

Si Segunda ay nakasuot ng (tinatawag ngayon na) Maria Clara.


Kaibigan 1. Naku, Segunda, ang ganda mo kanina!
Segunda: Kanina lang? Eh ngayon?
Kaibigan 2. At ang ganda mong sumayaw!
Segunda: Siempre!
Kaibigan 3. At ang guwapo din naman ng iyong katambal!

(Isang sandali)

Kaibigan 1. O, ano, Segunda, balitaan mo naman kami.
Kaibigan 2. Oo nga naman. Kailan ba?
Kaibigan 3. Tuloy ba?
Iaibigan 4. At siya na bang talaga?

(Isang sandali)

Kaibigan 2. Hindi ka pa ba magpapalit ng suot?
Segunda: Hinihintay ko si Pepe.
Kaibigan 3. Si Pepe? Bakit hindi si...
Kaibigan 4. Huwag mong sabihing...
Segunda: Hoy, huwag nga kayong mag-umpisa ng sali-salita. Walang ibig sabihin ito.
Kaibigan 2: Bakit nga si Pepe Rizal?
Segunda: Nangako ako na matapos ang velada, iguguhit niya ang aking
larawan habang naka-Maria Clara ako.
Kaibigan 3: Ang suwerte mo sa mga kalalakihan!
Segunda: Kaya, pagdating niya, iwan n'yo 'ko, ha?
Kaibigan 4: Kung iyan ba'ng gusto mo e...
Segunda: Alam naman ninyo na masyado siyang mahiyain. O, ayan na siya!
Mga Kaibigan (lahat sila). O sige--aalis na kami--basta lang imbitahin mo kaming lahat sa malaking piging. Adios!

(Mag-aalisan silang lahat.)

(Bubuksan ni Segunda ang dalang supot na puno ng mais at palay. Isasabog niya ito at papakainin ang mga kalapati.)

(Papasok si Pepe, na nakasuot ng uniporme ng mga estudianteng lalaki: puting "amerikana serrada" at sombrero. May dala siyang iilang pirasong papel at mga lapis o krayola. Sa kanyang pagdating, mabubulabog ang mga kalapati.)

(Ilalapag ni Pepe ang kanyang sombrero sa damo at maghahanda siya sa pag-guhit. Hindi siya mapalagay.)

Pepe: Siyanga pala, Segunda...
Segunda: Ano 'yon, Pepe?
Pepe: Binabati kita sa iyong pagsayaw kanina.
Segunda: Salamat naman...

(Isang sandali)

Segunda: Matagal ba ito, Pepe?
Pepe: Hindi naman.
Segunda: Kasi...mainit itong suot ko. Ayaw mo ba ako iguhit sa aking uniporme?
Pepe: Mas maganda kung ganito'ng suot mo... Bakit, nagmamadali ka ba?
Segunda: Hindi naman. Malapit na kasing dumating ang aking sundo--
Pepe: Huwag kang mag-alala. Di ito magtatagal.

(Aayusin ni Segunda ang kanyang suot at ang kanyang pagkakaupo.Nakatayong pupuwesto si Pepe sa harapan, at mag-uumpisa ng pag-guhit. Habang gumuguhit, wala siyang kibo.)

Segunda: Pepe... sino ba'ng katipan mo?
Pepe: Huwag ka sanang malikot, Segunda.
Segunda: Ni hindi ba 'ko maaaring magsalita?
Pepe: Maaari. Huwag ka lang masyadong malikot.

(Isang sandali)

Segunda: Ang tanong ko sa iyo'y...sino 'ka kong katipan mo?

(Mapapatigil sandali si Pepe.)

Pepe: A, wala... Wala akong katipan.
Segunda: Bakit naman? Wala ka bang napupusuan sa mga kadalagahan?
Pepe: A, basta wala.
Segunda: Bakit nga?
Pepe: Pagkat ni minsan...ay di ko pinag-isipan na ako...sa hitsura kong ito...ay papansinin ng sino mang dilag.
Segunda: Bakit naman?
Pepe: Sino sa kanila--lalo na ang mga maririlag--ang papatol sa akin?
Segunda: Bakit naman napakababa ng pagtingin mo sa 'yong sarili?

(Isang sandali)

Segunda: Kung gusto mo, Pepe...ihahanap kita...
Pepe: Ng ano?
Segunda: Ng isang magiging katipan mo. Ang dami ko yatang mga kaibigan na kay gaganda! Pihong isa sa kanila ay mapupusuan mo...at mapupusuan ka rin.
Pepe: Imposible! Mahirap mangyari! Ibahin nga natin ang usapan. Ikaw naman ang matanong ko. Mayroon ka bang...katipan?

(Matitigilan si Segunda at biglang lulungkot ang kanyang mukha.)

Segunda: Wala ka bang alam, Pepe?
Pepe: Na ano?
Segunda: Tungkol sa akin. Walang nababanggit sa 'yo ang kapatid ko?
Pepe: Si Mariano? Wala.
Segunda: Magtapat ka sa 'kin!

(Isang sandali)

Pepe: Minsan...mayroon siyang nabanggit sa akin...na may katipan ka na raw...

(Hindi sasagot si Segunda. Tatapusin niya ang ginagawa niyang papel na bulaklak.)

Pepe: At nalalapit na raw ang araw ng inyong...pag-iisang-dibdib. Totoo ba ito? At kailan ang kasal? Totoo ba na uuwi ka sa inyo sa Lipa ngayong bakasyon at di na muling babalik sa Maynila?
Segunda: Gusto ko sanang tumigil pa rito upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral...ngunit ang mga magulang ko...
Pepe: Gusto nilang papagtaliin ang inyong dibdib? Pinipilit ka ba nila?
Segunda: Hindi naman. Bakit mo natanong iyan?
Pepe: Kung gayon, ikaw ang may kagustuhan nito?

(Magkikibit ng balikat ang dalagita.)

Segunda: Ang lagay ay...nakikinig lang ako sa mga nakakatanda sa 'tin.
Pepe: Kailangan bang sundin ang mga magulang sa lahat ng panahon? At sa lahat ng bagay?
Segunda: Oo, sapagkat nakakatanda sila...at alam nila kung ano ang nararapat para sa atin.
Pepe: Maski na tungkol ito sa mga bagay na may kinalaman sa puso? Gaya ng...kung sino ang nararapat para sa atin?
Segunda: Lalo na. Pagkakatiwalaan ko na muna sila bago ang aking sarili.
Pepe: Bakit?
Segunda: Maaaring mas tama sila pagkat di sila nabubulagan...
Pepe: At maaari ding magkamali sila, di ba?
Segunda: Maaari din...
Pepe: At malalaman mo ito...na tama ka at sila ay mali...kung kailan huli na ang lahat? Kung kailan naaksaya na ang kalahati ng iyong buhay? At marahil, wala ka nang magagawa?
Segunda: Ano pa nga ba ang magagawa ng isa kung tinalagang mangyari ang ganoon?
Pepe: Kailan ang uwi mo ngayong bakasyon?
Segunda: Sa Sabado. Isang grupo kami na magsasabay-sabay. Ikaw?
Pepe: Uuwi rin ako sa amin sa Calamba.
Segunda: Bakit di pa tayo magsabay-sabay? Ibababa ka namin sa Calamba.
Kasya sa aming carromata ang isa pang katao.
Pepe: Naipangako ko kasi sa aking Mama na Biyernes ang uwi ko.
Segunda: Kung maaari din lang, bakit di mo gawing Sabado? Baka huli na
ang Biyernes...
Pepe: Ano'ng ibig mong sabihin?
Segunda: Para nga makasabay ka sa amin.
Pepe: Hayaan mo at titingnan ko.

(Iaabot ni Pepe kay Segunda ang larawan na ginuhit niya.)

Pepe: O, eto... Ipagpaumanhin mo kung di ko nahuli ang taal mong kariktan.

(Kikipkipin ni Segunda ang larawan sa kanyang dibdib at titingin sa mga mata ni Pepe nang walang patumangga.)

Segunda: Maraming salamat, Pepe.

(Bilang kapalit ng larawang iginuhit ni Pepe, kukunin ni Segunda ang sombrero na nakalapag sa damo, isusuksok ang papel na bulaklak sa banda, at iaabot ito kay Pepe.)

(Magsasalita si Pepe, animo ang kausap ay ang bulaklak sa kanyang sombrero na hawak-hawak niya. Nakatitig siya sa bulaklak habang sinasabi ang sumusunod.)

Pepe: Alam mo ba, Segunda...na ikalulungkot ko nang labis...ikauulila ko...kung mangyaring...mawala ka...sa buhay ko? Ngayon pa namang...nagkakilala na tayo at...at...
Segunda: At ano, Pepe?

(Biglang tutugtog ang kampana ng simbahan, tanda ng agunyas. Mabubulabog ang mga kalapati at magliliparan sila sa bakuran ng escuela. Susundan ng kanilang mata ang mga naglipanang ibon.)

(Nakahanda nang lumikas si Segunda.)

Pepe: Segunda...
Segunda: Paalam na...Pepe. Paalam!
Pepe: Bakit paalam? Di ba magkikita pa tayo? Sa inyo sa Lipa...kung di
man dito sa...


(Tatakbo ang dalagita na dala-dala ang lahat ng kanyang kagamitan.)

Pepe: (pahabol) Segunda!

(Titigil at lilingon si Segunda. Lalapit si Pepe kay Segunda.)

Segunda: Ano iyon, Pepe?
Pepe: Segunda...
Segunda: Magsalita ka, Pepe.
Pepe: Segunda...
Segunda: Pepe, nariyan ang sundo ko.
Pepe: Anong oras ang daan ninyo sa bukana ng Calamba?
Segunda: Marahil, sa ganitong oras din.
Pepe: Baka abangan ko ang inyong carromata sa daan papuntang Lipa.
Segunda: Bakit pa? Sayang lang ang panahon mo! At...mabibigo... mabibigo lang siya...
Pepe: Sino?
Segunda: Ang iyong Mama.

(Biglang tatalikod at tatalilis si Segunda. Susundan ng tingin ni Pepe ang dalagita.)

Pepe: Segunda!

* * *

TAGASALAYSAY:

Gaya ng ipinangako niya, sa takdang oras sa sumunod na Sabado, si Pepe, sakay ng kanyang puting kabayo, ay nagtungo sa bukana ng Calamba, sa daan papuntang Batangas.

Nagbakasakali siyang makita niya ang carromata na sakay sina Segunda at ang kanyang mga kaibigan.

Dumaan nga ang carromata ngunit mabilis ang takbo nito. Malapit na ang
sasakyan nang makita ni Pepe na sila na nga iyon.

Itataas ni Pepe ang kanyang kamay upang patigilin ang carromata, ngunit mabilis ang takbo ng kabayo at ng hilahilang carromata.

Makikita ng mga dalagita si Pepe nang nakalampas na ang carromata.

Inakala ng mga dalagita na kumakaway lang si Pepe, kaya kumaway silang
sila at buong siglang sumigaw ng "Pepe! Pepe! Pepe!"

Makikita ang mukha ni Pepe na pagpugaran ng lungkot at kabiguan.Hawak-hawak niya sa kanyang kanang kamay na kumakaway pa rin ang isang liham.

Gusto sana ni Pepe na makarating kay Segunda ang laman ng liham: ang pagtatapat ng taus-pusong pagmamahal ng isang binatilyo sa isang dalagita.

(Makikita ang kalsada patungong Batangas. Sa malayo, ang binatilyo na sakay
ng kanyang puting kabayo.)

TAGASALAYSAY:

Wala sa kaalaman ng binatilyong si Pepe--pati na rin ng dalagitang si Segunda--na ang pag-iibigan nila na sumilang at nag-usbong ay walang pag-asang lumabong at mamulaklak...sa kanilang maligalig na daigdig...at sa kanilang takdang panahon.

Saka lang nila malalaman ang katotohanan na bago pa man napamahal si Pepe kay Segunda--at si Segunda kay Pepe--mayroon nang taglay na ibang minamahal si Pepe: ang Inang Bayan.

Ang pinakauna, ang pinakahuli, at ang pinakamatinding pag-ibig na naranasan iya sa kanyang buong buhay, hanggang sa kanyang mga huling oras sa Bagumbayan:

Ang pag-ibig sa Bayang Pilipinas.

Hindi nila alam ito noon.

At nang malaman nila ito... huli na ang lahat.

WAKAS
-------------------------------------

Notas / Notes:
11 Sept 1878 to Dec 1882. (Manila)
P. Jacinto (pseud. Jose Rizal)
"MEMORIAS DE UN ESTUDIANTE"
17x26.5 cms. 42. leaves. 53 pp.
On ruled notebook in ink.
Contains six chapters written in Manila
and one additional chapter written in Heidelberg.
Different dates for each chapter.
Sg. P. Jacinto at the end. Spanish.
Notes from Rbib (?) 79. Retana 29.
(Notes drawn from A Calendar of Rizaliana by Ambeth Ocampo, © 1999, by
Ocampo / Anvil)
1861-JR's birthday
1878-JR starts his "Talambuhay"; he is 17
1882-JR ends it; he is 21.
1882-petsa ng talambuhay.
1896-JR dies on Bagumbayan.

In 1882, 14 years before his death in 1896 at age 35, the young "Pepe"
Rizal wrote his memoirs (or "memorias") as a young student in Manila.
This could be Rizal's only attempt to write about his own life.
He wrote it in ink on a ruled notebook of 42 leaves and on 53 pages.
The notebook measures 17 x 26.5cm.He filled the pages with entries from 11 Sept 1878 to Dec 1882,almost all written in Manila.
He titled the notebook and memoirs "Memorias de un Estudiante."
He wrote six chapters while in Manila and one additional chapter in
Heidelberg.He had different dates for all the chapters.
He signed it with one of his earliest pseudonyms: "P. Jacinto."
When he started his "Memorias" he was 17.

Other Notes:

JR was born in 1861. He ended his memoirs in 1882. He was 21.
JR died in 1896. He was 35.

Playwright's Notes:

AF's library, and his written works (typed or printed on paper and in digital form from the 1980s, and his mementoes and memorabilia, etc., were detroyed by fire that razed the Heritage Art Center on Williams St.off Lantana and New York Sts. in Cubao, Quezon City.

It was the same fire that destroyed some of the papers, records and memorabilia of the Brothers Luna: the painter Juan Luna and the general Antonio Luna.

Among the losses were a few original pen drawings of scenes from Noli Me Tangere which Juan Luna drew and gave to JR for the succeeding editions of the Noli. They were not used for any edition during JR's life.

Much later, the illustrations were used in a Rizal book sometime in the first 50 years of the 20th century. They were probably based not on the original drawings but on B/W photographs which were in the hands of a Filipino collector (or several collectors) in Manila.

This play is one of Florentino's plays on JR. His other works include:

"Ang Bastonero," a teleplay based on "His Prisoner," a short story by Loreto Paras Sulit, first published in the Philippines Free Press, 1928, and to be found in various editions of thePhilippine Prose and Poetry series, and later reprinted by Florentino in the "peso book" of short stories by the author in the Storymasters Series I (© 1973), which included ine one volume the short stories by three women writers: Paz Marquez (Benitez), Loreto Paras Sulit, and Paz Latorena.

Florentino, before he emigrated to New York (1983), wrote the beginning of a movie script (working title: Dapitan. 1896.) on Jose Rizal and Josephine Bracken in Dapital for a movie producer Natali Palanca (Gemini). Florentino was sent to Dapitan but reached only as far as Cebu. The producer or her financier(s) had run out of funds. Florentino never saw Dapitan or the Rizal Shrine.The same script, later retitled "Tabak at Sampaguita," was directed by Jess Ramos and produced by Percy A. Cruz and was shown in his TV drama anthology, "Sa Paghawi ng Tabing." Tommy Abuel played Jose Rizal and a visiting American actress, Linda Grey, played Josephine Bracken.

 

 

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Pesteng PPA at mga Tinig na Nagpupumilit Marinig

SA ISYUNG ITO
Admission of a So-Called Weirdo
By Jason Laxamana

PPA 101
By Andy Darag

Kabataan Para sa Bagong Pulitika
Ni Mao Ocson

Because We are Too Young?
By Hexel Dagooc

Mga Pagtatapat
Ni Ien

Dying in Due Time
By Felix Voltaire P. Lerio II

Isang Oras at Kalahati sa Piling ng Parokya ni Edgar
Ni Jamaica Pascual

Mga Alaalang Sinusundo ng Eraserheads
Ni Ederic Peñaflor Eder

Dakila
Ni John Melton

NATATANGING TAMPOK
Ang Dalagita at ang Binatilyo
Ni Alberto Florentino

KOLUM
Daluyong
Ni Mong Palatino

Alipato
Ni Alexander Martin Remollino

MAIKLING KWENTO
Euphoria
Ni Carlos M. Piocos III

MGA KUWENTONG PP2
Ang Gabi ng Poot at Pagkatapos
Ni Alexander MArtin Remollino

TULA
Katay#1
Ni Carlos M. Piocos III
Dalawang Buwang Kahibangan
Ni Vlad Gonzales
Sa Dalampasigan Nitong Panaginip
Ni Jeffrey Magtoto Espiritu
Mythmaking
By April Tamin
Crushome
By John Melton
When the Sun Shines
By
Carlo Aristotle Remollino

 

 

 

Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved