v 15.0
   

Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

MULA SA PATNUGOT
Pesteng PPA at mga Tinig na Nagpupumilit Marinig

HABANG NAGPAPATULOY ang paglaban ng mga mamamayan sa di-makatarungang purchased power adjustment na ipinapatay buwan-buwan sa ating mga electric bill, nagpapatuloy rin ang pagpupumilit na marinig ang mga aping tinig ng kabataan at ng kababaihan.

Tinatalakay at ipinapaliwanag ni Andy Darag sa artikulong mula sa kanyang online diary ang isyu ng PPA at hinihikayat niya tayong sumali sa mga protesta upang maalis ito..

Naniniwala tayo rito sa Tinig.com na ang PPA, sa kabila ng kung anu-anong teknikalidad na isinasampal ng mga maykapangyarihan sa ating mga mukha, ay maaaring sumahin sa bilang isang payak na usaping pangkatarungan. Kung ang sapilitang sinisingil sa atin ay hindi natin nagagamit, dapat ba natin itong bayaran? Siyempre hindi.

Hindi tayo ang dapat magpasan ng kung anumang bayarin na dulot ng lubhang excitement ng gobyerno noon na makipagkontrata pagkarami-raming independent power producers. Kung gayon, tama lamang ang pag-aalsa ng sambayanan laban sa PPA.

Samantala, pakinggan ang mga hinaing ng mga kabataang nagnanais na marinig: Sa pagnanais na gawin ang mga bagay na gusto niya nang walang ibang taong naaapektuhan, si Jason Laxamana ay tinatawag na weirdo. Nalulungkot naman si Hexel Dagooc sapagkat kadalasan ay di pinapansin ang opinyon nating mga kabataan dahil sa mura nating edad. Umaasa naman si Chu Ocson na sa paglahok sa Sangguniang Kabataan, maririnig ang tinig ng kabataan tungo sa tunay na pampulitikang pagbabago sa ating lipunan.

Ang daing naman ni Ien: Bakit ayaw tanggang pwede ring magtapat ng nararamdaman ang mga kababaihan?

Sa kaarawan ni Gat Jose Rizal, isang dula tungkol sa kanyang kabataan at murang pag-ibig ang handog ng hinahangaan nating si Alberto Florentino.

Samantala, ang pamahalaang Gloria Macapagal-Arroyo ay dapat managot sa patuloy nitong pagpapakatuta sa Estados Unidos, ayon naman sa Gathering for Peace.

Sa isyung ito ay nagpapatuloy ang kolum ng lider-kabataang si Mong Palatino:Daluyong ang bagong pamagat ng kanyang regular na espasyo rito sa Tinig.com. Nagsisimula naman ang Alipato, ang kolum naman ng Kapatnugot nating si Alexander Martin Remollino.

Masaya nating ibinabalita na pinagkalooban tayo ng Fragtech.net ng bago at mas powerful na web hosting. Muli na ring naibalik ang ating libreng web-based e-mail sa Everyone.net. Ang Tinig.com Forums naman ay inaasahang maaayos sa lalong madaling panahon

Enjoy reading Tinig.com v15.

Maraming salamat,

Ederic Peñaflor Eder
Patnugot, Tinig.com.

 

 

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Pesteng PPA at mga Tinig na Nagpupumilit Marinig

SA ISYUNG ITO
Admission of a So-Called Weirdo
By Jason Laxamana

PPA 101
By Andy Darag

Kabataan Para sa Bagong Pulitika
Ni Mao Ocson

Because We are Too Young?
By Hexel Dagooc

Mga Pagtatapat
Ni Ien

Dying in Due Time
By Felix Voltaire P. Lerio II

Isang Oras at Kalahati sa Piling ng Parokya ni Edgar
Ni Jamaica Pascual

Mga Alaalang Sinusundo ng Eraserheads
Ni Ederic Peñaflor Eder

Dakila
Ni John Melton

NATATANGING TAMPOK
Ang Dalagita at ang Binatilyo
Ni Alberto Florentino

KOLUM
Daluyong
Ni Mong Palatino

Alipato
Ni Alexander Martin Remollino

MAIKLING KWENTO
Euphoria
Ni Carlos M. Piocos III

MGA KUWENTONG PP2
Ang Gabi ng Poot at Pagkatapos
Ni Alexander MArtin Remollino

TULA
Katay#1
Ni Carlos M. Piocos III
Dalawang Buwang Kahibangan
Ni Vlad Gonzales
Sa Dalampasigan Nitong Panaginip
Ni Jeffrey Magtoto Espiritu
Mythmaking
By April Tamin
Crushome
By John Melton
When the Sun Shines
By
Carlo Aristotle Remollino

 

 

 

Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved