Isang
Oras at Kalahati sa Piling ng Parokya ni Edgar
Ni Jamaica
Pascual
DATI,
DEDMA lang ako sa Parokya ni Edgar. Wala pa kasi akong interes sa
music noon. Pero nang napakingggan ko yung Harana( na
sobrang swerte, dahil sa kantang yun, nakakuha ako ng 90 sa biology),
ay bumili ako ng record--hindi pirated, di pa uso yun nun.Tapos,
noong pinakikinggan ko na, tawa ako nang tawa sa iba nilang kanta
kasi puro humor. Kahit yung ibang cuts ng Buruguduy, nakakaaliw.
Syempre naaliw na ako sa kanila. Pinapanood ko na yung mga shows
nila sa TV.
Meron akong
classmate na maka-Parokya rin .Ipinahiram n'ya sa 'kin yung 1st
album ng banda. Sobrang nakakaaliw din, kaya noonng sinoli ko na,
bumili ako ng para sa sarili ko. Masasabing fan na 'ko
nun, hindi naman die-hard kasi di ko pa sila nakikita nang personal.
Gusto ko lang yung music nila (at mukha ni Vinci, yeah). Nagtataka
nga yung nanay ko nun kung bakit nagustuhan ko yun e mukha naman
daw mga adik.
Pagkaraan ng
maraming panahon...fan na talaga nila ako, nakumpleto ko na ang
mga album nila. (I have all 5 as of now). Sila lang ang nakumpleto
ko(at talagang kukumpletuhin) ang mga album, international o local.
Sila lang talaga ang pinaggastusan ko.
At dahil naman
sa ang mga classmate ko e fan din ng Parokya, at kunsintidor, sa
kanila ko na tuluyang nakilala ang Parokya, sa araw araw ba naman
na ginawa ng D'yos na wala kaming magawa sa classroom, yun 'ata
nang yun na lang ang pinag-uusapan namin. Dahil dun, naging ka-close
ko ang mga kaklase kong hindi ko akalaing magiging ka-close ko.
Katulad nalang
ni Meyor, este, Abu, Abu Atienza. Siguro, Grade 5 o 6 lang kami
naging magka-close. Dahil lagi nya kong kinekwentuhan tungkol sa
Parokya. Sinasabi nya sakin ang mga shows nila (na kahit isa, wala
akong napuntahan, hehehehe, kahit sa Mayric's lang na malapit naman
dito, wala kasing datung), hanggang TV lang ako. At yung libreng
poster ko ng parokya galing sa Gulong Itlog Gulong eh napapirmahan
ko dahil kay Abu. S'ya yung nagpapirma kasi kilala daw
sya ng Parokya at kilala yung mga kamag-anak nya.Yung
poster ko na yun ang unang una kong nakikita paggising ko, kasi,
yun yung nasa pader ko ( ang aking pinaka-precious possession).
Binigyan din ako ni Abu ng Xerox ( pina-Xerox pa nya) ng isang postcard
na may signature ng Parokya...hindi ko na alam kung nasa'n na yun.
Natapon ko na yata...uwahhh!!!!
Pati sa Kuya
ko, natatawa ako. Sa mga bagay bagay na yun, dun kami nagkakasundo.
Pag ordinary days, di kami magkaanu-ano n'yan. Di nga kami nagpapansinan.
Pero dahil lagi syang nakatutok sa TV, sya lagi ang nakakaalam ng
mga palabas. Dahil sa kilala nya ako sa bagay na yun, pag nakita
n'ya ang Parokya, isisigaw nya kaagad sa akin mula sa itaas ng bahay
para mapanood ko (ah, touching) pag meron din syang alam na concert,
sinasabi nya rin sa 'kin (na kahit isa rin, wala pa kong napuntahan).
Until One Day...
Isang araw noong Abril, sabi sakin ng nanay ko na may show daw ang
Parokya sa SM Fairview. Ako naman, dedma, di ko naman sila pupuntuhan.
Biglang sinabi sakin ni mader sa talagang napakasayang pakinggan
Puntahan
natin!
Nge, di nga? sabi ko.
Oo, sige, alam ko naman kung saan sasakay. Sa España,
may sasakyan papuntang Fairview, sagot ni Mama
Yeah!!!! Kelan?
Sa April 21, Sunday. Pupunta tayo.
Yehey!!!! E di ang saya-saya ko na, for the first time,
makikita ko na si Vinci!!! Este ang Parokya ni Edgar pala.
At dumating
na ang takdang araw. Pagpasok namin ng mader ko at kapatid, Agfa
kaagad ang hinanap ko. Thank God, malapit lang sa pinasukan namin.
Bumili na kami ng film. Syempre, kumain muna kami for half an hour.
2:00 pm
Nakita na namin kaagad ang stage kaagad. Wala pang tao nun.
E di gusto na naming pumasok para makaupo. Yung supladong mama naman,
ayaw kaming papasukin...nagsalita na si Super Mom...sabi n'ya na
gusto n'yang maging sulit ang punta namin. Di na sumagot si suplado,
pumasok na kami at umupo sa unahang-unahan! Kinakabahan na 'ko noon.
Pagpasok na namin, nagpasukan na rin ang mga ibang viewers; syempre,
ang mga pasimuno, nasa unahan.
Dalawang oras
pa kami maghihintay. May dumating ng sugo ng langit, err, sugo pala
ng circus. May tatlong mascot at dalawang clown ang sayaw nang sayaw
dun. (Okey lang, di kami nabo-bore, cute pa yung isang clown) Nagte-text
din ako sa kaibigan ko, yung supplier ko ng poster ng Parokya. Tinext
ko s'ya, sabi ko sa kanya na makikita ko na rin ang parokya sa wakes!
(Kasi, yung pinsan nya raw katropa ng Parokya.)
4:00pm
The greatest moment
'Ayan na. Lumabas ang tatlong host ng show, mga DJ ng Kool 106 at
si Pinky Lee ng Pangako sa 'Yo, nagpa-contest. Bring me. Apat yun.
Yung panlima, magsabi daw ng song ng Parokya. Syempre, dahil sa
alam ko lahat at nasa unahan pa 'ko, umakyat na 'ko (di ko na itutuloy,
masyadong komplikado para sa 'kin ).
Maya-maya pa,
ipinakilala na sila:
Unang lumabas sina Din (drum), Darius (guitar), Gab (guitar) at
si Buwi (bass). As in grabe, kakaiba yung pakiramdam ko nun! Kaso,
si Buhawi, este yung 4 na miyembro muna'ng tinititigan ko, kasi,
wala pa si Vinci, ehem, yung dalawa pang myembro. Siguro mga three
minutes, lumabas na rin yung dalawa. Yung isang side ng stage yung
tinitignan ko e hindi pala dun lalabas si Vinci (backup dancer,
ay, singer pala) kaya nakita ko muna si Chito (lead vocals).
Na blackout
talaga ako ng mga oras na un. As in nasa harap ko na, padaan-daan
yung dalawang singer e titig na titig lang ako. Hindi man lang ako
naging hysterical katulad ng sa tuwi-tuwi ko silang nakikita sa
ASAP at SOP. Mas enjoy pa nga sa 'kin yung Mommy ko dahil mas palakpak
pa sya. Ganun pala ang first time ;)
Walong kanta
yata yung kinanta nila. Di ko lang matandaan kasi ang natatandaan
ko lang, yung mga mukha nila. Hehehe.
Siguro, iisipin
ng ibang tao na ang babaw-babaw ng kaligayahan ko. Dahil yun lang,
tuwang-tuwa at aliw na aliw na ako. Sabi nga ng Daddy ko, baduy
daw. E yun din yung sabi ng mommy ko sa 'kin. Kaya lang, kani-
kanyang kaligayahan lang yan. Kung yung iba, masaya lang kung makakain
sila ng Chicken Joy e, at least, ako, masaya ako nang makita ko
ang Parokya ni Edgar. Yung ngang katabi ko eh sinulatan na lang
si Chito. Feeling close nga, e. Yung dala na lang n'ya, halatang
die-hard.
Isa at kalahating
oras din kaming nandung nakaupo. As in talagang wala akong magawa,
nakatulala lang ako , pakanta-kanta. Yun na yata ang pinakamasayang
araw ng buhay ko at alam kong marami pang darating.
Kulang pa 'tong pinagsasasabi ko sa nararamdaman ko
Natutunan ko
na may mga bagay na gustong maabot ng bawat isa sa atin. Yung iba,
gustong maging presidente, yung iba, gustong maging milyunaryo,
yung iba, gustong makapasok sa Hogwart, ay, Harvard pala. Yung iba,
gustong maging writer, photojournalist, interior designer, at computer
café owner nang sabay-sabay, may gustong makakain ng Chicken
Joy at yung iba, kuntento ng makita ang idol nila sa TV.
Ganyan talaga
ang buhay, puno ng pangarap, pagasa, idols, kanta, kulay, kaaway
at pag-ibig. Sana lang, lahat sa atin, makita na sa personal ang
mga band member ng Parokya ni Edgar nila. Para masaya.
----------------
Si Aika Pascual ay, 14, isang 2nd year high school student sa Nazareth
School, Manila.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|