|
Mga Pagtatapat
Ni Ien
Unang nalathala sa Peyups.com
May 10, 2002
PAGTATAPAT:
YUNG aamin ka ng feelings mo. Yung sasabihin mo kung gaano sya kahalaga
sa buhay mo. Mauutal-utal ka pa nga sa simula. Pagpapawisan. Mamumula.
Nakailang pagtatapat
na rin ako. Minsan, ginagawa ko for fun. Minsan, dahil tinamaan
lang talaga ako. Minsan, ok ang sagot. Pero kadalasan, nakakadismaya.
Hindi ko alam kung dahil ba masagwa ang delivery o dahil ba babae
ako.
******
Unang subok
AKO: Naisip ko kase noong una, kung sasabihin ko, baka
GUY: Lamo the more mong iisipin ang rejection, the more 'tong mangyayari.
Ang assuming
naman nito! Reject-reject ka dyan! Feeling mo naman nililigawan
kita!! Hindi naman rejection ang nasa isip ko 'no! Ang friendship.
Ang ma-ilang ka. Ang mga sasabihin ng mga kaibigan natin. Pero obviously,
hindi ko na pinag-isipan yun dahil nasabi ko na sa 'yo.
******
Wala lang. Feel
ko lang sabihin eh
AKO: Lamo, ikaw unang crush ko ngayong college.
GUY: May amats ka na yata. Itulog mo na lang yan.
Buti na lang
lashing ako. At least, may excuse. Pwede ko pang i-deny kinabukasan.
Pero minsan, kailangan talaga ng tulong ng alak para lumakas ang
loob. Yun nga lang, baka hindi ka paniwalaan. Sayang lang ang effort.
******
Mukhang okay
lang naman kung sasabihin kong
AKO: Nagiging komportable na kase ako sa'yo.
GUY: Lamo pagbibigyan kita. Iisipin kong wala kang sinabi at hindi
'to nangyari.
Tanginamo! Pagkatapos
kong itapon lahat ng hiya ko sa katawan, kakalimutan na lang natin
ang mga sinabi ko?! At ano? Pagbibigyan? Utang na loob ko pa sayo
ngayon na kunwari walang nangyari. Syet!
******
Hala. Di na
natuto. Sige
AKO: Lamo, Kuya Randy, crush kita.
KUYA RANDY: Talaga? Salamat.
Ayun. Yun lang
naman ang gusto kong marinig eh
Salamat. Ano pang mas okay
mangyari kundi ang malaman na naa-appreciate ng tao ang paghanga
mo. Kung sabagay, mature na rin naman si Kuya Randy noong nagtapat
ako. Siguro, sanay na rin syang makatanggap ng ganong remarks. Pero
ang lagay ba sanayan na lang?
Nakalungkot
isiping ang kapalit ng pagtatapat at pagiging totoo ay mga bagay
tulad ng pagkakaibigan, hiya, at kung minsan pa nga'y reputasyon.
Ang pagsabihan kang agresibo, malandi, atat, wirdo ng mga taong
nasa paligid mo ay nagpapakitang hindi pa 'to tanggap ng lipunan.
At base na rin sa mga karanasan ko, masasabi kong hindi pa sanay
malagay sa sitwasyon ng mga babae ang mga lalake. Sana dumating
ang panahon na matanggap ng lahat na ang pagtatapat ay maaari ring
gawin ng mga kababaihan. After all, humahanga at umiibig rin naman
kami.
Ikaw? Sakaling
magtapat ako sayo, ano kayang isasagot mo?
---------------
Ayon kay Ien, siya'y mahilig makipag-chat, mang-alaska, mang-stalk
ng crush, mag-cram ng plates, magbasa ng horoscope, mangolekta ng
pick-up lines, magtele-babad, kumain ng isaw, mang-indyan tuwing
EB, tumambay sa 2nd floor ng UP Eng'g at mag-assume tungkol sa pag-ibig.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|