|
TULA
Usapan
Ni Shiey Bernabe
Ang ating usapan
ay usapang libog lamang.
nagkataong kinailangan ng aking katawan
ang init mula sa iyong kaibuturan,
alam mong magkatumbas lamang ang init na iyon.
Sa bawat dantay
ng iyong palad sa basal
kung katawan, ito'y napapaliyad,
hudyat ng katotohanang kaydaling
tumugon sa iyong pangungusap.
Sa bawat hagod
ng aking munting palad
ay naghuhumiyaw ang libog ng iyong katawan.
Sumuko ang iyong katatagan
sa mapanghalinang tawag sa kasukdulan
Sa bawat pagtatagpo
ng ating labi,
tumitindi pa ang pagtatagpo ng init ng kalamnan,
kasabay ng pagpatuloy na pagsara ng ating usapan.
na ito ay usapang libog lamang.
Sa paghihiwalay
ng ating katawan,
ay ang katapusan ng ating usapan.
Nagpasalamat ka't narating ang kasukdulan,
ako nama'y nagpasalamat sa karanasan.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|