v 14.0
May 1-15, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

Hanggang sa Muli, Rico Yan

SA PAGSAPIT ng ika-40 araw ng iyong paglisan ay ibinibigay namin ang munting parangal sa iyo bilang role model ng bagong salinlahi, partikular ng Generation Txt.

Ang tribute namin sa iyo ay walang kislap, kulay at ingay gaya ng mga naunang ibinigay sa iyo. Nais lamang naming itampok ang bahagi ng iyong buhay na tila natabunan ng mga papuring ipinabaon sa iyo ng showbiz.

Nais ka naming pasalamatan sa pagbibigay mo ng isang katangi-tanging public image na maaari naming tularan. Ilan sa iyong mga katangiang ipinakita ang ang pagpapahalaga sa edukasyon at pagtatapos ng pag-aaral at ang iyong kabaitan at pagiging mapagbigay sa mga kapus-palad.

Ngunit higit sa lahat, salamat sa pagpapakita ng halimbawa ng isang kabataang nakikisangkot. Hindi namin malilimutang kasama ka namin sa People Power 2. Natutuwa kaming alalahanin na habang kami'y nagpapagod sa pagsigaw ng katarungan, katotohanan at pagbabago sa pamahalaan ay kasama ka namin. Salamat sa pagtugon at pagpasa sa milyun-milyong text messages na kumalat upang manawagan ng sama-samang pagkilos.

Kahanga-hanga ang iyong desisyon--sa kabila ng katotohanang sa ilalim ng Estrada regime naibigay sa iyo ang karangalang nagtalaga sa iyo bilang halimbawa ng kabataan, hindi ka nangiming itakwil ang corrupt na rehimeng isuka na ng sambayanan. Karapatdapat ka ngang maging spokesperson ng Generation Txt.

Salamat din sa pagsama at pag-aliw sa mga aktibista at concerned citizens na nagtipon sa Mendiola upang bantayan ang bagong administrasyon laban sa pagsalakay ng mga panatiko ni Erap noong Abril ng nakalipas na taon. Bagamat kaunti lamang tayo roon, at sa bandang huli ay kinailangan pang magtago sa kampus ng San Beda College upang maiwasan ang sigwa ng kaguluhan, isa pa ring malaking hakbang iyon sa pagbabantay ng panalo natin sa People Power 2.

Sa gitna ng malungkot na muling pagkakahati-hati dahil na rin sa pagiging malilimutin ng mga naluklok sa kapangyarihan matapos ang pag-aalsa, patuloy ang pakikipaglaban ng mga kabataan. Pagkat wala ka na ngayon, di na namin matitiyak kung patuloy mo pa rin sana kaming sasamahan, ngunit salamat dahil noo'y di mo kami iniwan.

Sa iyong paglisan, nawalan kami ng idolo, kaibigan, kasama. Ngunit mananatili ang iyong magandang alaala.

"The rally was a symbol of a prosperous and united Philippines in the future," yan ang sabi mo noon tungkol sa pagsasama-sama natin sa EDSA. Siguro, balang araw, makikita rin natin ang collective vision na 'yan ng maunlad at may pagkakaisa, at idagdag na rin natin ang malaya, payapa at tunay na demokratikong lipunan.

And along the way, umaasa kaming marami pang Rico Yan ang aming makakasama sa patuloy na paglalakbay tungo sa hangaring iyan. Kaya naman hanggang sa muli at maraming salamat, Rico!

Tinig.com

Remembering Rico the Right Way By Libay Linsangan Cantor
As Rico Yan Goes Home by Ederic P. Eder
Sa Pagpanaw ni Rico ni Aika Pascual
Masyadong Maaga ang Flight ni Ian Gonzales Yap
Untitled by Noel Pascual

----------------
Ang mga larawan ni Rico Yan ay mula sa Chalk Magazine at ABS-CBN.com

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

 

MULA SA PATNUGOT
Tinig.com Ngayong Tag-init

SA ISYUNG ITO
Sa Alaala ni Rico Yan
Remembering Rico Yan the Right Way
By Libay Linsangan Cantor

Paalam, mga Maestro
Ni Dennis Aguinaldo
Salamat at Paumanhin

Beng Hernandez: A Life Less Ordinary
Ni Carlos H. Conde

Para sa Masa
Ni Ederic P. Eder

Bomba at Balikatan
Ni Alexander Martin Remollino

Debt March: The Debts We Service, the Deaths We Ignore By Dennis Aguinaldo

I'm Fat, You're Stupid
By Rachel Anne Calabia

Being Alone
By Emmie Rose

NATATANGING TAMPOK
Palaver! ('Sambala ka lang!)
Ni Alberto Florentino

MAIKLING KWENTO
Pare
Ni Lee Joseph Castel
Ipinako Ako sa Krus
Ni Killerpogi

MGA KUWENTONG PP2
Diary of a People Power 2 Survivor: Still a Work-in-Progress By Libay Linsangan Cantor
EDSA 3: Tanaw Mula sa Loob Ni Ronald A. Atilano

TULA
Alalahanin Mo
Ni Arianne Angela Solis
Usapan
Ni Shiey Bernabe
Soil Trails
By Honey Pie Maniego

Of Pain, Death, Life
By Carlo Aristotle C. Remollino


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved