v 14.0
May 1-15, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

Sa Pagpanaw ni Rico
Ni Aika Pascual

NOONG HAPON ng March 29, Good Friday, nakikipag-chat ako sa Yahoo! normal lang ang takbo ng buhay ko nun, kasi akala ko, walang nangyaring pwedeng ikabago ng takbo ng pelikulang Pilipino. Ok lang lahat.

Na ng biglang may lumitaw na "Totoo bang patay na si Rico Yan?" sa aking Yahoo! Messenger. So ako naman, hindi ako nabigla, natawa lang ako, kasi walang wala sa isip ko na seryoso yun. Ano ba naman kako angmga tao rito, sabi ko sa sarili ko. Pati ba naman si Rico Yan, pinagtritripan eh nananahimik sa bakasyon yung tao. Sabagay, kung si Pope John Paul II nga ay napakalat na namatay, si Rico Yan pa kaya? Siguro, joke lang 'to, malapit na naman ang April Fool's Day eh. So ganun. Ok lang, nakalimutan ko ang lahat sa loob ng 3 oras.

Tapos nun, nung gabi na, tumawag sakin yung kaibigan ko, nangangamusta, ako naman ang saya saya ko, at least may nakaalala sakin nung mahal na araw. Eh di nagkwekwentuhan kami, bigla ba naming siningit nya na "Uy alam mo ba, patay na si Rico Yan?" Nabigla naman ako. Bakit ang bilis kumalat ng balita, tinanong ko sya dahil baka niloloko nya lang ako. Pero seryoso sya. Eh yun naman, pag seryoso, seryoso. Hindi mo talaga mapapatawa. Sinabi ko din yun sa nanay at tita ko, parehong hindi naniwala, tawa lang sila pareho. Tapos, sabi ko, parang sigurado yung kaibigan ko sa sinabi nya, isa lang ang sinabi ng nanay ko: "Sayang naman siya kung totoo"

Kinabahan na talaga ako nun. Andami-daming tanong ang pumasok sa utak ko. Eh syempre Biyernes Santo, walang balita hanggang kinabukasan. Maghihintay pa ng Linggo bago ma-confirm ang lahat. Dasal lang ang pwedeng ipanlaban na sana walang totoo sa mga balita.

Kinabukasan, ang ganda na ng araw, nawala na ulit sa isip ko lahat, tapos, pagkababa ko, biglang pasok din ng nanay ko tapos sabi nya sa akin na patay na daw talaga si Rico Yan. Ako, talagang nabigla nako, narinig daw kasi sa radio ng ninang ko. Napag-isip-isip ko, wala nang pagasa, totoo na, hindi na pwedeng isiping biro lang, kasi nabalita na. Mas nabigla lalo ako nung nag special report tungkol sa pagkamatay (5:15 pa nga yun, di ko makakalimutan). Iba't ibang emosyon ang pumasok sa isip ko: pagkalungkot, pagkaawa, panghihinayang. Ewan ko kung bakit, pero talagang naramdaman ko yun.

Yung napanood ko yung sa balita nung ililibing na si Rico Yan, yun balita na andami dami raw ng nalungkot, yung halos lahat nakatutok sa special coverage ng ABS-CBN, yung maraming nasa harap ng TV nila at pinupunasan ang mga mata, yung mga bata eh natigilan sa paglalaro at ang mga nanay ay hindi nakapaglinis ng bahay. Nagtaka lang ako, bakit? Bakit umiiyak ang halos lahat ng Pilipino? Bakit sa isang iglap eh lumingon tayo sa isang tao?

Isa lang ang mababasa mo sa mga mukha ng taong kausap mo kung si Rico Yan ang pinag uusapan: panghihinayang.

"The fact remains that 25-year-old actor with so much promise left his fans without so much as saying goodbye. Yes, it is 'sayang'; but then I thought, how can this be so? In a span of less than a decade in endearing himself to so many, including his co-workers, his fellow actors and everyone else who had an opportunity to be with him. That is not 'sayang' because even if he lived for only two-and-a-half decades, what he accomplished was so much more than what others may have done in twice or even thrice that amount". ( Jose Javier Reyes, Philippine Daily Inquirer, Sunday, March 31, 2002, A26)

Hindi ako masyadong sang ayon dito, slight lang. Kasi, totoong sa loob ng 27 years na pagkabuhay ni Rico Yan dito sa mundo, andami-dami na nyang nagagawa na kahit ang mas matanda sa kanya ng doble kahit triple pa eh, bihira lang ang nakakarating sa ganitong tagumpay sa buhay.
Nakakapang hinayang kasi, oo nga, marami syang nagawa sa bayan, lalo na sa kabataan sa loob ng 27, eh kung sa ika-37, ika-47 nya sa mundo, siguradong mas marami pa syang matutulungan, magagawa at mapapasaya. Kung ngayon nga lang eh napaka successful nya, ano pa kaya kung 54 sya, eh di doble yung success nya! Marami talaga siyang matutulungan, lalo na ang kabataan.

Meron ngang nagsabi sakin na ";Rico is not exactly a great actor, singer, comedian or anything. He's mediocre, but he had such an intelligent, wholesome, clean and humble image that his death saddened me."

Para sakin, alam ko na kung bakit ganun nalang biglang lumungkot ang buhay ko nung nabalitaan ko ang nangyari sa aktor. I'm not a fan pero meron akong dalawang dahilan. Una, kasi kung iisipin mo, napaka-successful nya, mabait sya, artista sya (kaya sikat), tapos sya sa college, (bihira sa artista ang magtapos sa college, La Salle pa!) may mga negosyo pa s'ya. Buong buhay ko, naghahanap ako ng taong pwedeng tularan, taong pwede kong gawing halimbawa pag may nagtanong sakin kung magbigay ng eksaktong tao.

Napagisip-isip ko lang, nung sinasabi sa TV ang katauhan ni Rico Yan, na I want to be exactly like him pagdating ng panahon( pero ayaw kong mag-artista) gusto kong maging magaling na negosyante at maging mayaman, na sa sobrang yaman ko, kayang-kaya ko nang buhaying ang pamilya ko, at the same time, iba pang pamilya, yung tipong taong nakakatulong, tipo ng taong, malalapitan. Hanga rin ako sa kanya kasi, di tulad ng ibang artistang napapansin ko minsan, napundar nya kaagad yung naipon nya sa pag-aartista, na palago nya kaagad yung napaghirapan nya--mautak, ika nga.

Nakakapanghinayang talaga yung nangyari kay Rico Yan, siguro kung nabigyan pa sya ng sapat ng panahon ng Diyos, mas maraming tao ang matutulungan nya, mas maraming pag-asa ng bayan ang maganda na ang kinabukasan, mas maraming kabataan ang nailagay sa tamang landas.

Tamang tama siguro yung enendorse nya na cell product. Kasi isa syang model ng GenTxt. As in GenTxt. Yung generation ng mga kabataan ngayon. Kasi, sa panahon ngayon, kailangan ng maraming Rico Yan sa lipunan natin, kung nagkataoon, ang ganda ng kalalabasan ng bansa natin. Tapos yung sa People power 2 pa, kasama natin sya, siguradong bukal na bukal sa loob ni Rico yun. Pumunta sya dun dahil sa artista sa, kundi dahil modelo sya ng kabataan ngayon. Kailangan ang kabataan nun, kaya pumunta sya. .

Laking kawalang talaga ang nangyaring 'to, hindi lang dahil sa magaling na actor si Rico Yan, na maaaring marami pa syang magawang pelikula na magdadala ng ngiti sa bawat isa, ngunit dahil napakabihira lang ang Rico Yan. Siguro nga nabubukod tangi lang sya. Sana lang, kahit wala na ang isang modelo sa kabataan, magpatuloy parin ang pang-iimpluwensya nya sa sa atin.

May dahilan ang diyos sa lahat. Kung ang dahilan nya eh para makita ng bawat isa satin ang tunay na Rico Yan, sana mabatid natin na ganung tao si Rico Yan at kung lahat tayo, lalo na ang kabataan, eh tutularan sya, mas magiging maganda ang takbo ng pamumuhay sa lipunan natin.

-----------------
Si Aika, 14, isang high school student, ay ang bunso ng Tinig.com
.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Tinig.com Ngayong Tag-init

SA ISYUNG ITO
Sa Alaala ni Rico Yan
Remembering Rico Yan the Right Way
By Libay Linsangan Cantor

Paalam, mga Maestro
Ni Dennis Aguinaldo
Salamat at Paumanhin

Beng Hernandez: A Life Less Ordinary
Ni Carlos H. Conde

Para sa Masa
Ni Ederic P. Eder

Bomba at Balikatan
Ni Alexander Martin Remollino

Debt March: The Debts We Service, the Deaths We Ignore By Dennis Aguinaldo

I'm Fat, You're Stupid
By Rachel Anne Calabia

Being Alone
By Emmie Rose

NATATANGING TAMPOK
Palaver! ('Sambala ka lang!)
Ni Alberto Florentino

MAIKLING KWENTO
Pare
Ni Lee Joseph Castel
Ipinako Ako sa Krus
Ni Killerpogi

MGA KUWENTONG PP2
Diary of a People Power 2 Survivor: Still a Work-in-Progress By Libay Linsangan Cantor
EDSA 3: Tanaw Mula sa Loob Ni Ronald A. Atilano

TULA
Alalahanin Mo
Ni Arianne Angela Solis
Usapan
Ni Shiey Bernabe
Soil Trails
By Honey Pie Maniego

Of Pain, Death, Life
By Carlo Aristotle C. Remollino


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved