v 14.0
May 1-15, 2002  
Home
About us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

 

Salamat at Paumanhin, mga Maestro

ILANG DEKADA ninyong idinuyan ang bayan sa inyong mga tula at musika. Higit kayong kilala sa pagsasaawit sa kadakilaan ng pagmamahal ng isang ina. Binigyang buhay ninyo ang Pilipinong sining Pilipino na ngayo'y unti-unting inilalayo sa amin ng patuloy na alon ng hegemony.

Inaamin naming karamihan sa amin ay hindi kayo lubusang nakilala. Maging ang inyong paglisan ay di namin gaanong napagtuunan ng pansin dahil naging masyado kaming abala sa pag-abang sa balita tungkol sa pagpanaw ng isa naming kasabayan.

Ang masaklap, ang karamihan sa midya'y kinunsinti ang aming apathy. May ilan-ilang nagtangkang ipakilala kami sa inyo bagamat huli na. Samantala, nakontento ang pamahalaan sa pagbibigay lamang sa inyo ng parangal noong narito pa kayo, ngunit walang extra effort upang mas ilapit kaming mga kabataan sa inyo.

Tuloy, mas nasanay kami sa ingay at bilis ng MTV at sa sigaw ng ating mga banda. Hindi gaanong tinangka ng gubyerno na dalhin ang inyong musika sa mga medium na malapit sa amin. Pahapyaw lamang, kung mayroon mang pagtalakay sa inyo sa maing mga paaralan. Samantala, lubhang naging madalang ang paglitaw ninyo sa mainstream media. Kung hindi gayo'y bakit di kami pamilyar sa inyo?

Tanging pasasalamat, pamamaalam at paghingi ng paumanhin na lamang ang aming magagawa ngayon kalakip ang pangakong itititik ang inyong mga pangalan sa magulong musika ng ating kasaysayan, Maetro Lucio San Pedro at Maestro Levi Celerio.

 

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

MULA SA PATNUGOT
Tinig.com Ngayong Tag-init

SA ISYUNG ITO
Sa Alaala ni Rico Yan
Remembering Rico Yan the Right Way
By Libay Linsangan Cantor

Paalam, mga Maestro
Ni Dennis Aguinaldo
Salamat at Paumanhin

Beng Hernandez: A Life Less Ordinary
Ni Carlos H. Conde

Para sa Masa
Ni Ederic P. Eder

Bomba at Balikatan
Ni Alexander Martin Remollino

Debt March: The Debts We Service, the Deaths We Ignore By Dennis Aguinaldo

I'm Fat, You're Stupid
By Rachel Anne Calabia

Being Alone
By Emmie Rose

NATATANGING TAMPOK
Palaver! ('Sambala ka lang!)
Ni Alberto Florentino

MAIKLING KWENTO
Pare
Ni Lee Joseph Castel
Ipinako Ako sa Krus
Ni Killerpogi

MGA KUWENTONG PP2
Diary of a People Power 2 Survivor: Still a Work-in-Progress By Libay Linsangan Cantor
EDSA 3: Tanaw Mula sa Loob Ni Ronald A. Atilano

TULA
Alalahanin Mo
Ni Arianne Angela Solis
Usapan
Ni Shiey Bernabe
Soil Trails
By Honey Pie Maniego

Of Pain, Death, Life
By Carlo Aristotle C. Remollino


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved