|
TULA
Aasa Pa Ba?
Ni Arianne Angela Solis
Alalahanin mo
kapag ako ay nawala,
lumayo na't iiwan ka nang mag-isa,
ang mga sandaling ating pinagsamahan,
huwag mo sanang kalimutan, kahit kailan.
Kapag ang langit
ay lumuha't nagluksa,
isipin mo sanang bukas ay may bagong pag-asa,
kapag ang mga bitui'y hindi na kumislap,
tandaan mong ang buhay na ito'y di puno ng paghihirap.
Ikaw'y babangon
pa rin sa kabila ng pighati,
hindi ito ang katapusan ng mundo, kahit anong
mangyari,
ang bawat pagkakataon ay laging sa iyo ibinibigay,
at palitan ng ngiti ang mga sandali ng pagkalumbay.
hindi ito ang
wakas kahit wala na ako,
ako'y gumagabay sa iyo saan mang dako,
nariyan ako sa iyong puso, di man silip ng mga mata,
sana'y alalahanin mo ito, kapag ako ay nawala.
----------------
Maaari ninyong dalawin si Angela sa http://handyfemme.cjb.net.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|