|
Pers Taym
Ni Arianne Angela Solis
ALAS DOS y media
na nang umaga pero hindi pa ako makatulog. Iniisip ko kasi yung
sinabi sa'kin ng nanay ko bago siya umalis: "Walang magbubulakbol
kung gusto mo pang makatapos ng hayskul." Siyempre, mabait
akong bata kaya gusto ko may kakaibang mangyari sakin ngayong huling
bakasyon ko sa hayskul. 'Ba, isang taon na lang nasa kolehiyo na
ako, dapat medyo lasap-lasapin ba ang mga pagkakataon. Kelangang
gumawa ng medyo kakaiba. So anong kababalaghan ang nasa isip ko?
Eto na yung kuwento:
Bago ako magbakasyon,
hinanting ako ng adviser ko sa club kung saan sa Hunyo eh ako na
ang presidente at inaanyayahan akong sumama at magkatekista. Shocked
ako. Ano bang ginagawa dun? Ang alam ko lang eh nagtuturo ka sa
mga bata, magpapakain, bible study. Yun na yun. Eh since inisip
ko yung sinabi sakin ni mommy ko na wag magbulakbol, eh boring naman
dito sa bahay, kesa naman tumambay ako sa harap ng computer at mag-ubos
ng prepaid internet cards, eh di gagawa na lang ako ng kawang-gawa.
Naks, tinopak na naman ako.
So ayun na nga,
dumating na yung time na magkakaroon ng acquaintance party yung
mga katekista sa school namin. Pagdating ko dun, anak ng tinapay,
ako lang ang hayskul. Kaya ako nagmumukhang matanda eh, puro matatanda
ang kasama ko. Pero okay lang. Medyo nagkaroon ng konting briefing,
tapos kumustahan, eh mga kilala ko rin yung mga makakasama ko dahil
kasama ko sila sa choir kaya swak na swak lang ang pagsali ko dun.
Nang dumating
na ang araw ng paghuhukom, medyo kinabahan ako; na-stage fright
ba raw. Hindi ko kasi alam kung paano pakikiharapan yung mga mahihirap
na bata. Hindi dahil pers taym kong mag-alaga ng uhuging bata, pero
matagal-tagal na rin mula ng magkawanggawa ako. Isama pa yung pagsubok
sa galing ko sa Values Education. Natakot lalo ako dun sa huli dahil
nitong nakaraang taon eh puro chicklet lang ang inaatupag ng klase
sa subject na 'yon.
Pero after one
week nang pagtuturo, pagpapakain, pagkanta, pagdarasal, hindi ko
alam kung gusto ko nang sumuko o itutuloy ko pa ang pagkakatekista.
Kung iniisip ninyong nandidiri ako, puwes, mali kayo. Hindi ko lang
kasi ma-take yung sitwasyong nakikita ko araw-araw. Parang walang
progreso sa mga taong tinutulungan ko. Ba, ewan ko lang ha, pero
naiinis ako. Hanggang kelan kaya maghihirap ang mga tao dito sa
Pilipinas? Anak ng siopao.
Okay din naman
ang pagkakatekista, namulat ako sa katotohanang hindi nga lahat
ng tao eh namumuhay ng masaya tulad ko. Imagine, yung magkapatid
na inalagaan ko eh naghahati pa sila sa pagkain. Tapos yung iba
nagkukwento pa na minamaltrato sila ng magulang nila, yung iba umaasa
nalang sa tulong ng mga kagaya naming katekista't may pusong tumulong
sa gaya nila.
Hindi ako huminto
sa pagtulong sa kapwang nangangailangan ng tulad ko. Natapos yung
'misyon' namin bago mag-enrollment ko sa ika-apat na taon sa hayskul.
Nakakatuwang isipin na hindi ko man pers taym tumulong sa kapwa,
pero pers taym ang matuto ako mula sa mga batang paslit na nakasama
ko sa loob ng isang buwan. Pers taym na nagkaroon ng kabuluhan ang
bakasyon ko.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|