v 13.0
Marso 28, 2002  
Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

 

 

 

 

Paano Kung si Kristo'y Isa sa Atin?
Ni Alexander Martin Remollino

MAHILIG TAYONG magmalaking tayo'y mga Kristiyano. Sa ating mga aklat sa Araling Panlipunan, sinasabing ang ating bansa'y siyang kaisa-isang bansang Asyanong ang kalakha'y Kristiyano. Itinuturing nating mga barbaro, kundi man mga impakto, ang mga Muslim, at ang mga lumad na karamiha'y walang kinagisnang relihiyon kundi ang pananampalataya ng kanilang mga ninuno.

Ngunit talaga kayang mga Kristiyano tayo? Paano kung si Kristo'y naging isa sa atin?

Si Kristo'y hindi nagtapos ng pag-aaral na tulad ng mga Pariseo ng Kanyang panahon. Subalit sa isang pagtatalo'y nahigitan Niya ang mga Pariseo sa isang templo noong Siya'y labindalawang taong gulang lamang. Naging isa Siyang gurong lagalag, at Siya'y nagturo sa pamamagitan ng Kanyang kinathang mga parabulang may mataas na estetikong kahalagahan, at kailangan pa bang sabihing ang parabula'y may malalim na aral?

Ang mga huling taon ng Kanyang buhay ay ginugol Niya sa pagpapalaganap ng isang pananampalatayang nagbabandila ng kalayaan at katarungan at nagtuturong ang lahat ng tao'y "mga kapatid ng isa't isa."

Tayo'y isang lipunang ang turing sa salapi'y siyang puno't dulo ng lahat. Sinasamba natin ang mayayaman nang hindi na inaalaalang usisain kung hindi kaya ang kanilang kayamana'y sa kasuklam-suklam na kaparaanan kinamtan.

Kung si Kristo'y naging isa sa atin, tiyak na ating pagtatawanan ang Kanyang kawalan ng "praktikalidad" na ipinamalas Niya sa pamamagitan ng paggamit ng Kanyang katalinuhan, pagkamalikhain, at husay sa pagsasalita hindi upang magpayaman kundi upang magsulong ng kung anu-anong ideya at simulaing taliwas sa nagisnan nating pananaw sa mundo.

Ang ating bansa'y siyang kaisa-isang bansang Asyanong ang kalakha'y Kristiyano, anang ating mga aklat sa Araling Panlipunan.

-----------------
Si Alexander Martin Remollino, 24, ay isang manunulat sa IBON Foundation. Sangkot siya sa mga panlipunan at pampulitikang kampanya, sa lansangan man o sa Internet.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

SA ISYUNG ITO
Paano Kung si Kristo'y Isa sa Atin?

Ni Alexander Martin Remollino

Ang Pamana ni Abuela
Ni Guerera

Pers Taym
Ni Arianne Angela Solis

Munting Anghel
Ni Tembarom

NATATANGING TAMPOK
Oli Impan
Alberto Florentino's Bio

PITAK
Going from the streets to cyberspace Plunder Watch launches website
By Alfred A. Araya Jr.

DULA
Brilyante Sa Burak
Ni Alexander Martin Remollino

TULA
Holiday in the Slums
By Alexander Martin Remollino

But Your Heart
By Aika Pascual

A Slave to Daylight
By Junkie

 


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved