|
TULA
Okey Lang Ako
Ni Karla
Maquiling
huwag ka nang
mag-alala
sanay na akong nag-iisa
sanay na akong iniiwan, sinasaktan, niloloko
di na ako magugulat
kung babalik ka
at mawawala na namang muli
tila gulong
lang namang ang buhay
minsan nasa ibabaw
minsan sa baba
minsan maswerte, kadalasa'y minamalas
huwag mo nang
alalahanin
na malamig ang Valentines' ko
malamig na nga ang Pasko't Bagong Taon
hindi na nakakapanibago
sanay na akong
matulog mag-isa,
kumain nang walang kasabay
sanay na akong umupo sa may bintana
naghihintay sa wala
kaya huwag ka
nang mag-alala
dahil okey lang ako
natutulog nangg
walang katabi
kumakain nang walang kasabay
walang makausap
walang karamay
huwag kang mag-alala
okey lang ako.
----------------
Si Karla ay graduate ng UP College of Mass Communication.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|