|
TULA
Sa Alaala ni Eman Lacaba
Ni Alexander Martin Remollino
Ikaw ay ipinalamon
sa lupang walang muwang
kung ano ang iyong pangalan.
Ngunit pagkatapos niyon
ay di nalilimutang isigaw
ang pangalan mo
ng bawat panulat
na hangad ay magmulat
at hindi ang mambulag.
At ang pluma mong naging baril
ay patuloy na inaaruga
ng bawat mandirigmang nakahanda
na magbuhos ng dugo
sa ugat ng mithing paglaya.
---------------
Alexander Martin Remollino, 24, is now with Ibon Foundation. He
is involved in social and political campaigns both in the streets
and on the Internet.
For
comments and reactions to this article, please visit Tinig.com
Forums.
|