v 12.0
Marso 17 , 2002  

Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

E-mail us to contribute articles, pictures, or art works for the next issue of Tinig.com


 

 

 

 

 

TULA
Ayaw Ko Nang Manungkit ng mga Tala

Ni
Carlos M. Piocos III

Nung bata ako
Pinilit kong abutin ang mga bituin

Kasi sa 'Gapo mas marami ang nakakalat na tala
Puwedeng sungkitin
Parang mga patay-sinding ilaw
Ang iba't ibang kulay ay naglalaro,
Umaandap kasabay ang mabagal na tugtog,
May usok at may aromang nagmumula
sa boteng may sariling espiritu
Sa harap ay may gumigiling na
Isang hubad na payaso
...sumusungkit rin ng munting tala

Kasi sa iskul kailangan marami kang tala
Uuwi ka sa bahay
Dapat may talang nakasabit sa iyong papel
Para mapangiti ko si Inay
Kasi gusto niya ng maraming tala
Mahilig siya sa tala
Gusto niya 'pag uwi ko nakasabit yun sa
Aking papel na may mga bughaw at pulang na guhit
Mahilig rin siya sa corned beef at kay Audrey Hepburn
...Pero mas mahilig siya sa mga bituin

Kasi gusto kong maabot ang langit
At doon ay kukunin ko ang nakasabit na tala
Gusto kong magliyag sa eroplano
At agawin kay Buwan ang tala
Mas bagay siya sa papel ko
Kaysa sa madilim na kaitaas-taasan

Pero ayaw ng tatay ko nang tala
Sabi ko punta kami sa langit
'Pagkagaling niya sa "base"
Sabi ko gusto ko nang maraming tala
Pero sabi niya marami nang tala ang tatlo
Sabi ko gusto kong kumain ng fried chicken
Pero sabi niya masama sa akin ang masyadong maalat
Sabi ko gusto kong laruin sa aking mga palad ang puting snow
Pero sabi niya may mga malalamig na nakakapaso
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya ng tala
Ang nanay gusto niya ng tala
Pero ang itay ayaw niya
Hindi ko talaga siya maintindihan

Pero ngayon...
... nang mapuno ko na nang tala ang aking papel na may bughaw at pulang guhit
... nang nakatikim na ako ng fried chicken
... nang napuno na ng 'Gapo, hubad na payaso, at nagkasupling pa ng mga nawawala at naghahanap
... nang napuno na ang cupperboard ni nanay ng Spam
... nang umuwi na ang tatay mula sa base

...ayaw ko nang manungkit ng tala

Kasi walang kulay ang mga talang nakasabit sa bughaw at pulang guhit na papel
Kasi ayaw ko ng mga payaso at ng mga nag-iiyakang supling nila
Kasi ayaw ko ng masyadong maalat, ayaw ko ng nakakapasong lamig, ayaw ko ang mga pelikula ni Audrey Hepburn
Kasi mas malakas ang tinig ng mga sumisigaw na pulang letra sa plakard
Kaysa sa mga malalaking billboards sa EDSA
Kasi sapat na ang tatlong tala
Kasi mas maganda kung makukuha ko naman ang araw

-------------
Si Carlos M. Piocos III ay kasapi ng UP Ugat.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

PANGULONG TUDLING
Pagtatanggol sa Punong Mahistrado

SA ISYUNG ITO
To an Unborn Child
By
Samantha

Usapang Puki
By James Nicolay

Tongue-tied: Centers, Margins, and Their Filipino Tongues
By Dennis Aguinaldo

War Against Terror?
By Alexander Martin Remollino

Thoughts on the Bonifacio Monument
By Francis Acero

Sometimes, That Thing is Just Isn't What It's Cracked Up to Be
By Gilbert Trillana

Munting Pangarap
Ni Rodel Mayores

And We Say NO!
By Liza B. Lamis

Sa Unos ng Nagdaan
Ni Guerera

PITAK
Ateneo Students, Faculty Protest Ban of ‘The Vagina Monologues’
By Alfred A. Araya Jr.

BAYANI
Emanuel Lacaba. Poet. Warrior. Martyr.
By Lisa Cariño Ito
Sa Alaala ni Eman Lacaba
Ni Alexander Martin Remollino

NATATANGING TAMPOK
A Walk at Midnight With Mohandas Gandhi
Ni Alberto Florentino
Alberto Florentino's Bio

MAIKLING KUWENTO
Anibersaryo
Ni Vladimeir B. Gonzales

TULA
Ayaw Ko Nang Manungkit ng Tala
Okay Lang Ako
Opinyon Lang Pare Ko


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved