v 12.0
Marso 17 , 2002  

Home
About us
Archive
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

E-mail us to contribute articles, pictures, or art works for the next issue of Tinig.com


 

 

 

 

 

TULA
Opinyon Lang Pare ko
Ni Aika Pascual

Lagi kong napapanood sa telebisyon
mga pambansang balitang pampubliko
may maiinit na balita't opinyon
sino kaya ang nagsasabi ng totoo?

Kaya dinadaan ko na lang sa tula
ang aking masasabi tungkol sa sitwasyon
sa pulitikal na problema nitong bansa
sana mabasa nila ang aking opinyon

May mga taong sabik sa pera
at gusto rin nila ang kapangyarihan
ito'y isa sa pinagmumulan ng giyera
sa pagitan nila at ng mamamayan

Di ko maintindihan sa mga taong 'to
silang binoto ng kanilang kababayan
ang pagnanakaw at pagtataksil dito
ay sana mabura sa kanilang isipan

May mga tao sa mataas na posisyon
ang hindi alam ang trabaho nila
at sinasamantala ang pagkakataon
tapos ipagdadasal na yayaman sila

Sana sa pagdatingng mahabang panahon
ay magbago ang takbo ng ihip ng hangin
ang ating bansa ay sana makaahon
magdasal tayo't taimtim na manalangin

At sana ang lahat ng magiging pinuno
ay magising at maging tapat sa serbisyo
isapuso ang pangarap at pangako
nang mabuhay nang mapayapa ang bansang ito!

 

----------------
Si Aika Pascual ay, 14, isang 2nd year hs student sa Nazareth School, Manila.

For comments and reactions to this article, please visit Tinig.com Forums.

PANGULONG TUDLING
Pagtatanggol sa Punong Mahistrado

SA ISYUNG ITO
To an Unborn Child
By
Samantha

Usapang Puki
By James Nicolay

Tongue-tied: Centers, Margins, and Their Filipino Tongues
By Dennis Aguinaldo

War Against Terror?
By Alexander Martin Remollino

Thoughts on the Bonifacio Monument
By Francis Acero

Sometimes, That Thing is Just Isn't What It's Cracked Up to Be
By Gilbert Trillana

Munting Pangarap
Ni Rodel Mayores

And We Say NO!
By Liza B. Lamis

Sa Unos ng Nagdaan
Ni Guerera

PITAK
Ateneo Students, Faculty Protest Ban of ‘The Vagina Monologues’
By Alfred A. Araya Jr.

BAYANI
Emanuel Lacaba. Poet. Warrior. Martyr.
By Lisa Cariño Ito
Sa Alaala ni Eman Lacaba
Ni Alexander Martin Remollino

NATATANGING TAMPOK
A Walk at Midnight With Mohandas Gandhi
Ni Alberto Florentino
Alberto Florentino's Bio

MAIKLING KUWENTO
Anibersaryo
Ni Vladimeir B. Gonzales

TULA
Ayaw Ko Nang Manungkit ng Tala
Okay Lang Ako
Opinyon Lang Pare Ko


Copyright © 2002 Tinig.com
All rights reserved